CHAPTER 12

160 8 1
                                    

Maaga akong nagising dahil ngayong araw na ang pasok ko, na eexcite talaga ako dahil ipagpapatuloy ko na ang pag-aaral ko. Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na pinayagan ako ni Rod, ano kaya nakain nun at tumino ng konti, siguro sinapian o di kaya nabagok ang ulo.

Naghanda na ako at nagtungo na sa baba, sakto naman at tinawag ako ni manang Belen upang makakain.

"sinangag at pritong itlog para sa anak ko" saad nya at hinain ang pagkain sa harap ko

"parang may naaamoy ako ah"saad ko
"may tuyo?" tanong ko
Napatawa naman si manang dahil sa sinabi ko.

"nako tong batang to mahilig talaga sa tuyo" saad nya at kinuha ang tuyo at nilagay sa harap ko

"salamat" saad ko at kumain na
"kayo manang hindi pa kayo kakain?"

"mamaya na, hindi pa naman ako nagugutom eh at tsaka nagkape palang ako at pandesal" sagot nya at umupo sa harap ko

"si Rod po?"

"nasa trabaho, kaaalis lang nya hindi ba nagpaalam sayo?"

"sa tingin nyo manang magpapaalam sakin ang taong yun? ayaw nga nyang pinapakialaman ko sya eh" saad ko at sumubo na

"nako wag mo nalang syang intindihin, ang mahalaga makakapasok kana" masayang sabi nya

"kaya nga po eh, hindi ko nga maintindihan at biglang nagbago ang isip nun, pinapayagan na nya akong lumabas at inalok pa nya ako na ipagpatuloy ko ang pag-aaral, sya narin ang magpapa aral sakin kaya sobrang saya ko talaga nung sinabi nya sakin yun, siguro sinapian yun kaya nagkaganun" saad ko dahilan para mapatawa si manang

"mukang nagbabago na ang asawa mo hija" nakangiti nyang sabi

"malabo, nung isang araw nga eh sinaktan nanaman nya ako" mahinang sabi ko

"wag mo na kasing susuwayin, sundin mo nalang ang gusto nya"

"kahit labag sa kalooban ko?" tanong ko dahilan para tumahimik sya
"sinusundo ko naman sya pero minsan, sumusobra na at nababastos na ako"

"intindihin mo nalang ang asawa mo, ganun lang talaga sya dahil sa init ng ulo nya, pakisamahan mo nalang" payo nya, napangiti ako

"sige na nga manang, aga-aga madrama tayo ah" saad ko na ikinatawa naming dalawa

"tapos kana?"

"opo" tumayo na ako at inayos ang sarili ko

"diba ihahatid ka ni Deigo? asan na sya?" tanong nya at dinala na ang plato sa kusina

"nasa taas pa ata, puntahan ko lang manang"
Nagtungo na ako sa taas at pumunta sa kwarto ni Deigo. Tulog pa ata kasi hindi pa naman sya bumababa.
Kumatok ako pero walang may sumagot, sakto naman na hindi naka lock kaya pumasok na ako.

"Deigo?" tumingin tingin ako sa paligid at hinanap sya ngunit na agaw ang aking atensyon sa mga art na naka display sa kwarto nya, ito'y magaganda at realistic na drawing, namangha ako sa aking nakita.
Siya ba gumawa nito?

Habang tumitingin ako sa mga portrait ay may narinig naman akong ingay ng pagsara ng pinto, pagkalingon ko ay nakita ko si Deigo na kalalabas palang ng banyo at walang suot kundi ang towel na nakatakip sa ibabang parte ng kanyang katawan.

"Shit!" agad akong napapikit at tumalikod sa kanya

Tngna bat ba kasi pumasok pa ako? Omg nakakahiya! Wala pa naman syang suot pang itaas. Pero in fairness six pack sya. Nako Imee gaga ka talaga!

"umm what brings you here?" tanong nya at naramdaman kong lumakad sya pero hindi ko alam kung saang direksyon

"ah s-sorry umm ano kasi akala ko tulog kapa, papasok na kasi ako eh kaya pinuntahan kita, sige umm pasensya na talaga" dali-dali akong lumabas nang hindi tumitingin sa kanya.

Your Deadly Kiss Where stories live. Discover now