Nagising ako nang marinig ko ang pagbukas ng pinto at pagkamulat ko ay nakita ko ang isang babae na nakamaskara at may dalang pagkain.Sya yung babae kanina, tas hindi nya pinapakita ang mukha nya.
"eat" Tanging sabi nya. Pagkalapag nya ng pagkain ay agad din syang lumakad paalis pero tinawag ko sya dahilan upang lumingon sya sakin.
"who are you?" Tanong ko. Dahan-dahan syang humarap sakin at hindi muna nakapag salita.
"bat nyo'ko kinuha kung si Rod naman ang pakay nyo? bat hindi nalang si Rod ang kinuha nyo at hindi nalang kami ng mga kaibigan ko?" Tanong ko sa kanya. Napangiti naman sya at dahan-dahang lumakad palapit sakin."kasi ikaw lang ang pwedeng dahilan para magpakita si Rod samin" Sagot nya sa mababang tinig lamang.
"edi dapat sya ang kinuha nyo diba? at isa pa, hindi nya ako ililigtas, mas gugustohin pa nga nyang mamatay ako eh kesa puntahan pa nya, so nagsasayang lang kayo" Saad ko.
Bumaba sya ng upo para pumantay sakin. Napatitig sya sakin ng taimtim at nag iwas ng tingin.
"he's not, we are sure that he's going to save you, after all, ayaw pa nga nyang mapahamak ka" Saad nya at parang, ngumiti ng tipid.
Napatawa ako ng pagak.
"kung alam nyo lang, kulang na lang ilibing nya ako ng buhay, galit na galit sya sakin at gusto nya akong patayin, dahil lang sa mga paratang nya sa pamilya ko na wala namang katuturan" Bulong ko.
Ewan ko, pero parang okay lang na sabihin ko sa kanya at medyo gumagaan ang loob ko. Nakikinig naman sya sakin at mukha syang mabait.
"he's accusing you, with fake evidences" Saad nya at ngumisi.
Natigilan naman ako. Pano nya nasabi yun? May alam ba sya?
"h-how did you know?" Takang tanong ko sabay kunot noo.
"i know everything.. your parents are innocent, just like Rod" Saad nya na hindi ko naman naintindihan.
"what?"
"well, Rod and your family are innocent, hindi ang pamilya mo ang pumatay kay Don Francisco, and hindi rin si Rod ang pumatay sa mga magulang mo" Paliwanag nya.
Pano nya nalaman yun?
Nanatili akong tahimik at tulala dahil sa mga sinasabi nya. Di ko alam kung nagsasabi sya ng totoo pero mukang kapani-paniwala naman lahat.
"kawawa ka, hindi alam ni Rod ang totoo kaya sa'yo nya sinisisi ang lahat.. this was not part of our plan though, hindi namin inakala na madadamay ang pamilya mo dahil lang sa pagkamatay ni Don" Dagdag nya.
Mas lalong kumunot ang noo ko.
"eh sino ang pumatay?" Tanong ko.
Hindi na sya sumagot. Ngumiti lang sya at tumayo na."eat your food, don't worry, wala kaming ginawang masama sa mga kaibigan mo, depende na lang kung anong maging desisyon ni Barbs" Huling sabi nya bago lumabas at sinarado ang pinto.
After all i heard from her, naging tulala nalang ako. Totoo ba yun? Hindi si Rod ang pumatay kina papa, at hindi rin sila ang pumatay kay Don. Pero sino? Sila ba?
After an hour, inaantok na ako kakahintay kay Rod kung ililigtas ba nya ako o hindi. Or, I'm just hoping for nothing. But, kanina sa telepono, mukang nag aalala naman sya. Well, of course mag woworry sya, gusto nyang sya lang ang papatay sakin. Wala nang iba.
I was about to lay down nung bigla kong narinig ang pagbukas ng pinto. Pumasok yung lalaki kanina at sabay hila sakin palabas ng room na yun.
Nagkakagulo na dito at yung mga tauhan ay balisa habang may hawak na mga armas.
YOU ARE READING
Your Deadly Kiss
RomancePaalala: Magulo ang kada chaps at hindi naaayos, kaya kung tinatamad kayong mag adjust, wag nyo nalang basahin. Imee, a young lady who was forced to marry a heartless man just for the sake of her family, little did she know that it will change her...