Ngayon ay araw ng sabado kaya tanghali na ako nagising. Naligo muna ako bago lumabas ng kwarto ko at magtungo sa baba para mag almusal. Naabotan ko sila manang at ate Cecelia na nag k-kwentuhan kaya agad akong lumapit sa kanila.
"good morning ma'am" bati ng ibang kasambahay sa akin
"good morning po" bati ko pabalik. Napatingin naman sa akin sila manang.
"oh hija kain na" saad nya at dali-daling hinanda ang pagkain at pinaupo na ako sa dining table.
"sige po" Tahimik lang akong nakaupo at handa nang magsandok ng pagkain nang biglang dumating si Deigo. Hindi ko alam kung saan sya galing pero halatang may nangyari at hindi maipinta ang mukha nya.
"Deigo kain na" saad ko dahilan upang lumingon sya sakin. Hindi nya ako siguro napansin kaya hindi sya bumati. Agad namang nag iba ang reaksyon nya nung nakita ako.
"Imee, uh t-tapos na ako, kain ka lang, punta lang ako sa taas" paalam nya at ngumiti bago magtungo sa kwarto nya. Nagkibit balikat na lamang ako at nagpatuloy na sa pagkain.
"manang, si Rod po asan?" tanong ko bago sumubo
"umalis eh, nasa trabaho ata" sagot nya at umupo sa harap ko
"umm may napapansin po ba kayo sa kanya?" Hindi ko mapigilang mapatanong dahil hanggang ngayon ay gulong-gulo parin ako. Siguro nahalata din nila manang yun.
"na ano?" takang tanong nya
"yung kilos nya, kung pano sya umakto"
"hmm parang wala naman, bakit?"
"kasi po kahapon parang sinapian sya" saad ko dahilan upang matawa si manang. Hindi ko alam kung may nakakatawa ba sa sinabi ko pero patuloy parin sya sa pagtawa. Seryoso ako.
"sinapian?" ulit nya at tumawa nanaman
"seryoso ako manang, parang sinapian talaga sya"
"p-pano mo naman nasabi?" tanong nya at pinunasan ang luha nya dahil sa kakatawa
"kasi po kahapon iba sya kung kumilos, ang bait nya at maalalahanin, hindi mainit ang ulo tapos para syang concerned sa akin" sagot ko
"sus, ganyan naman talaga sya dati pa"
"hindi manang noh! palagi nga nya akong sinasaktan tapos malamig ang pakikitungo nya sakin eh, kahapon lang sya tumino, ang bait tapos parang butihing asawa, yung ganon"
"kaya mo nasabi na sinapian sya?"
"opo, pano ba naman nung isang araw sabi nya na kaya nya akong patayin tapos kahapon magiging mabait sya sakin"
"anong patayin?" saad nya at tumawa
"hindi ganun si Rod noh, kilala ko ang batang yun, may pagka sungit nga pero hindi sya papatay ng tao na wala namang atraso sa kanya""manang, para sa kanya may atraso ako sa kanya, kaya nga ako nandito diba dahil sa binibintang nila sa magulang ko" malungkot kong sabi at yumuko
"wag ka nang mag alala anak, hindi yun magagawa ng asawa mo, siguro nagalit lang sya sayo kaya nasabi nya yun pero hindi nya yun magagawa, kita mo naging mabait sayo diba? wag mong alalahanin ang mga sinasabi nya dahil tinatakot kalang nun"
"hindi manang eh, kung anong sinabi nya, gagawin talaga nya... pinatanggal nga nya yung prof namin eh tapos sabi nya ililigpit raw nya"
"naniwala ka naman? hindi nya yun magagawa, sinasabi ko sayo hija, tinatakot kalang ng asawa mo pero hindi naman sya ganun kasama noh"
Saad nya, nanatili akong tahimik at hindi na inubos ang pagkain ko."nako ano ba naman yan?! aga-aga ito pinag uusapan natin" saad nya at tumawa
"hija, wag ka nang mag alala, hindi nya yun magagawa at wag ka nang malungkot, mabuti nga eh at nagiging mabait na sya sayo diba? magtiwala ka lang, maaayos ang lahat" Saad nya na ikinangiti ko.
YOU ARE READING
Your Deadly Kiss
RomancePaalala: Magulo ang kada chaps at hindi naaayos, kaya kung tinatamad kayong mag adjust, wag nyo nalang basahin. Imee, a young lady who was forced to marry a heartless man just for the sake of her family, little did she know that it will change her...