CHAPTER 6

213 6 0
                                    

1 year later*

Nandito lang ako sa kwarto ko as usual, nag babasa ng libro bilang aking libangan...hindi naman ako pwedeng lumabas o gumala kasi nga naka kulong ako sa impyernong to.

Isang taon na akong naka kulong dito, ni hindi ko nga nabibisita ang pamilya ko, kumusta na kaya sila ngayon, tanggapin pakaya nila ako?
ayaw kasi nila na magpakasal ako ng maaga, ang tanging alam lang nila ay ikukulong ako ng hayop nayun pero napunta sa kasalan na hindi ko inaasahan tapos ngayon isang taon na pala akong naka tali sa lalaking yun.

Ibang iba na ako ngayon, yung dating simple kung ituring ay isa nang babaeng kunwari'y yayamanin...
Dinamitan nila akong pangmayaman, tinuruan na parang sosyal dahil yun ang gusto ng lalaking abnormal.

Sa tuwing may gagawin sya tungkol sa trabaho ay minsan dito nila ginagawa, kaya madalas nandito lang ako naka kulong at nagtatago dahil ayaw niyang makilala ako ng mga tao, walang may nakaka alam na kasal na sya maliban nalang sa mga nandito sa bahay.

Si Diego lang ang nakaka usap at nakaka sundo ko dito, sya lang ata ang kakampi ko, mabuti nalang at dito na rin sya tumitira simula nung nawala si Ian, kaya palagi akong may kasama...malaki na ang tiwala ko sa kanya, mas close pa nga kami kesa sa pinsan nya.

Wala namang pakialam ang lalaking yun sakin eh, busy palagi sa trabaho at hanggang ngayon hindi pa rin natutukoy kung sino ang totoong pumatay kay Don Francisco...
Kahit si Diego ay tumulong narin sa pag imbistiga at sa paghahanap kung sino rin ang pumatay sa kapatid nya pero hanggang ngayon wala parin ang hustisya.

Nawala naman ako sa aking wisyo ng marinig ko ang pag bukas ng pinto

"ma'am pinapapunta po kayo sa baba ni sir" saad ni yaya

"anong meron?"

"hindi ko po alam, basta pinapa punta po kayo ngayon mismo"
bumaba na ako at nagtungo sa living room kung saan naroroon ang demonyo

"umupo ka" saad nya
Umupo naman ako sa couch pero malayo sa kanya.

"what do you want?" tanong ko pero hindi ako maka tingin sa kanya

"join me"
Nagsalin sya ng alak at inabot sa akin.

"h-hindi ako umiinom" sagot ko. Nagulat naman ako nang marinig ko  ang malakas na paglapag nya ang bote ng alak sa lamesa.

Dumating naman si Diego at lumapit samin.

"Rod all done" saad ni Deigo

"malinis ba?" tanong nya pero sa akin parin sya naka tingin at masama ang titig

"yeah, wala kang makikita na kahit na ano" sagot nya at napatingin sa akin. Nagiwas lang ako ng tingin sa kanya at yumuko.

"good, puntahan mo si Clark, alam nyo na ang gagawin" saad ni Rod. Agad namang umalis naman si Deigo.

"m-may niligpit nanaman ba kayo?" kinakabahan kong sabi dahilan upang mapatingin sya sakin.

"ano naman ang pakialam mo?" saad nya at tinaasan ako ng kilay

"nagbabakasakali lang ako ng hindi yun ang pamilya ko"

"eh kung patayin ko na sila ngayon" m
Mahinang sigaw nya dahilan upang magulat ako.

"wag please" Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kamay nya habang nakaluhod ako sa harap nya.
"wag mo silang sasaktan, nandito na ako diba" dagdag ko

"tumahimik kana lang, baka uminit pa ulo ko at hindi ako magdadalawang isip na ubusin sila" banta nya na ikinatahimik ko.

"magbihis ka" saad nya
"bakit?"
"sumunod kana lang!" Dali-dali akong tumayo at nagtungo sa room ko para magbihis. Habang nasa closet ako ay dumating naman si Rod kaya agad kong tinakpan ang katawan ko.

Your Deadly Kiss Where stories live. Discover now