Tahimik lang akong nagbabasa at nakatambay sa garden ng marinig ko ang mga yapak ng isang tao na papalapit sakin, kaya napalingon ako sa aking likuran at dun ko nakita si Rod na lumapit sa gawi ko at mukang seryoso.
"Imee" pagtawag nya sakin
Nag angat ako ng tingin sa kanya at hinihintay ang sunod nyang sasabihin."you wanna go to school?" tanong nya na nagpabuhay ng mukha ko
Papayagan nya akong pumasok sa school? Ito na talaga, makapagtapos na ako, isang semester nalang graduate na ako... Hindi ko na kasi natapos ang pag aaral ko kasi huminto ako simula nung nagpakasal ako sa lalaking to, at ngayon inaalok nya ako na pumasok? wow anong nakain nito?
"yeah" masiglang sabi ko at napatayo sa harap nya
"ano nga pala course mo?"
"accountancy" nakangiti kong sagot sa kanya. Matutupad ko na pangarap ko.
"kelan ako papasok? papayagan mo'kong lumabas?" hindi mawala ang ngiti sa aking labi."yeah, papayagan kitang pumasok para mabayaran mo'ko sakaling makapagtapos kana" seryoso nitong sabi na nagpakunot noo sakin
Bayaran sya? eh sobra-sobra na nga itong pagbabayad ang binibigay ko sa kanya kahit nasasaktan ako, kulang pa sa kanya? At ano namang klaseng bayad ang gusto nya?
"kelan ako papasok? ikaw magpapa aral sakin?"
"yeah, alangan naman si Deigo diba" pilosopo nitong sabi pero nanatiling seryoso ang mukha
"so kelan nga?"
"ngayong darating na lunes" seryoso nitong sagot... napangiti ako
"si Deigo ang maghahatid sundo sa'yo at ang makakasama mo, pagkatapos ng klase deretso agad ng bahay, wag kang sasama-sama sa mga kaibigan mo" para syang si papa kung magbilin sakin pero okay na at least makakapasok na ako
"at wag na wag kang tatakas, pag nabalitaan kong tumakas ka, mawawala ang kapatid mo" dagdag pa nya. Hindi muna ako nakapag salita ng ilang minuto at dahan-dahan nalang akong tumango sa kanya"matanong ko nga... anong kinain mo? iba ang mood mo ngayon ah at hindi ka galit sakin?"
Pagkasabi ko nun ay naging matalim ang titig nya sakin kaya tumahimik nalang ako at yumuko.
"mind your damn business"
"nagtatanong lang naman eh" bulong ko pero alam kong narinig nya ang sinabi ko
Nanlaki ang mata ko nang bigla nyang hawakan ang kamay ko at hinila papasok ng bahay, napangiwi ako ng konti dahil hindi pa ito masyadong magaling kahit tatlong araw na ang nakalipas simula ng saktan nya ako.
"R-Rod" bahagyang binawi ko ang kamay ko sa kanya
"come" tuloyan na nya akong hinila papunta sa kwarto nya
"please lang masakit" saad ko at binawi ang kamay ko at lumayo sa kanya ng konti. Tumingin lang sya sakin ng blanko at nagtungo sa couch at umupo.
"halika rito" utos nya
Huminga muna ako ng malalim bago lumapit sa kanya."sit" napa awang ang labi ko nang tinapik nya ang couch sinyalis na sa tabi nya ako uupo. For the first time pina upo nya ako sa tamang upuan,
dahan-dahan akong umupo sa tabi nya at sumandal sa couch."does it hurt?" tanong nya pero sa malayo nakatingin
"huh?"
"masakit pa ba?" tumingin na sya sakin at iba ang kanyang reaksyon. Para syang malungkot na nag-aalala kaya nagtaka ako.
"a-ang alin?"
Kinuha nya ang kamay ko na nakapatong sa hita ko at hinimas himas nya iyun."masakit pa ba?" pag uulit nya
Tumango lang ako sa kanya. Marahan naman nya itong inangat at hinalikan ang kamay ko dahilan upang mapangiti ako.
YOU ARE READING
Your Deadly Kiss
RomancePaalala: Magulo ang kada chaps at hindi naaayos, kaya kung tinatamad kayong mag adjust, wag nyo nalang basahin. Imee, a young lady who was forced to marry a heartless man just for the sake of her family, little did she know that it will change her...