Dumating kami sa isang mansion na nasa liblib na lugar. Hindi namin alam kung anong lugar to basta, ang alam namin ay malayo sa syudad. Marahas kaming hinila ng mga lalaki at dinala sa isang kwarto. Tinali nila ang mga kamay at paa namin bago kami iwan at i-lock dito.Kanina pa kami iyak ng iyak. Natatakot na rin sila at hindi alam ang gagawin.
Napayuko ako. Dahil sakin pati sila nadamay. Kasalanan ko to.
"I'm sorry guys" Saad ko.
Napalingon naman silang dalawa sakin habang patuloy na umiiyak.
"dahil sakin, nadamay pa kayo" Dagdag ko at patuloy na umiyak. Dapat kasi ako nalang ang kinuha nila Rod, bat pa nila idadamay ang mga kaibigan ko? pati ba sila kukunin nila?
"s-sino ba ang dumukot sa'tin? bat tayo kinidnapped?" Tanong ni Jane.
"pasensya na talaga...kaya ako humingi ng tulong sa inyo, kasi hinahanap ako nila ako, h-hindi ko naman alam na nasunda ako tas ngayon, pati kayo dinamay nila, I'm so sorry guys" Paliwanag ko.
"bakit? may atraso ka ba sa kanila?!" Tanong naman ni Kyle.
"hindi ganoon.." Sagot ko at huminga ng malalim.
"gusto nila akong pahirapan""bakit? sino ba sila?!" Galit na sigaw ni Kyle.
"asawa ko" Deritsahang sagot ko na ikinatahimik naman nilang dalawa. Patuloy akong humagulgul habang silang dalawa naman ay natigilan nang marinig ang sagot ko.
"I'm so sorry guys, marami kayong hindi alam tungkol sakin, marami akong sekreto kasi pinagbawal ng asawa ko na malaman nyo ang tungkol sa'kin" Saad ko.
"all this time Imee, may asawa ka?" Hindi makapaniwalng tanong ni Jane.
Agad akong tumango."remember Aaron?" Tanong ko. Nagkatinginan naman sila bago ibaling ang tingin sakin.
"he's not Aaron, his real name is Rod Duterte...my husband, Deigo's cousin" Paliwanag ko na ikinabagsak ng panga nilang dalawa.I know that kilala nila ang Duterte.
"but why?" Giit ni Kyle.
Natahimik muna ako bago naisipang sabihin sa kanila ang lahat-lahat ng nangyayari sakin. Simula nung pinagbintangan nila ang pamilya ko, pinilit nyang pakasalan ako, at lahat ng mga nangyari ay kwenento ko sa kanila hanggang sa kasalukuyan. Pati na rin kung bakit ako pingahahahanap nila.
"i lived with him knowing that he's my husband, blinackmail nya ako at pinahirapan, then suddenly, i got pregnant, kaya ako nawala sa university kasi hindi na nya ako pinag aral, but after that, pinatay nya ang buong pamilya ko dahil sa mga peke nilang mga ebidensya laban kina mama, akala ko magbabago na sya dahil sa anak namin, but he became worse, mas sinaktan pa nya ako that ended up losing our child, kaya tumakas na ako" Mahabang paliwanag ko na ikinatahimik naman nila.
Pag naaalala ko ang anak ko, nakakaramdam nalang ako ng sakit sa dibdib ko na ayaw mawala.
"i have no one in my life, kayo na lang ang natitira sakin" Dagdag ko at mas lalong umiyak.
Di kalaunan, ay naramdaman ko nalang ang yakap nilang dalawa sa akin. Hinagod nila ang likod ko at pinatahan.
"we're sorry about what happened to you Imee, hindi mo deserve yun" Bulong ni Jane.
"napaka gago ng fake husband mo! pag yan talaga magpakita dito, babasagin ko ang pagmumukha nya" Galit na sabi ni Kyle.
"wala tayong laban sa kanila, masyado silang makapangyarihan at baka isang bala lang tayong tatlo" Saad ko.
"d-do you think ganun din si Deigo?" Paniguradong tanong ni Jane.
"pare-pareho lang sila Jane, wag ka na sa kanya, he's a criminal, just like Aaron" Saad ni Kyle.
YOU ARE READING
Your Deadly Kiss
RomancePaalala: Magulo ang kada chaps at hindi naaayos, kaya kung tinatamad kayong mag adjust, wag nyo nalang basahin. Imee, a young lady who was forced to marry a heartless man just for the sake of her family, little did she know that it will change her...