Agad kong hinawakan ang kamay ni Rod at lumapit na kami kung saan naroroon sila mama. Nung nakita nila ako ay agad na sumilay sa kanila ang malawak na ngiti at agad nila akong niyakap.
"Imee!" saad nila mama at papa
"Ate!" masayang sabi ni Nathan at niyakap ako ng mahigpit. Yumakap din ako pabalik at abot tenga ang ngiti."congratulations bunchingching ko!"
Saad ko at pinisil ang ilong nya"buti naman ate nakapunta ka" saad nya at umakbay sakin
"buti nalang talaga, pumunta kasi ako sa bahay pero walang tao, alam nyo pa na nagpanic ako, buti nalang sinabi ng bantay na nandito raw kayo kaya pumunta kami dito" sagot ko. Sabay-sabay naman silang napatingin kay Rod na seryoso lang ang mukha at nakatayo sa likod ko.
"anak si Deigo?" tanong ni mama
"wala ma eh, may ginagawa kaya hindi sya yung sinama ko" sagot ko. Ngumiti lang sila at binalik ang tingin kay Rod na tila may pagdududa at hindi mabuting tingin.
Nagsimula na ang program at nakaupo lang kami dito sa may gym at nanonood. Nung timawag na ang pangalan ni Nathan ay agad akong tumayo at kinuhanan sila ng picture.
Sila mama at papa ang sumama sa kaniyansa stage at wala akong pag-aalinlangang pumunta sa harap para picturan sila. Hindi ko naman alam na sumunod pala si Rod sa akin kaya pagkaatras ko ay nabundol ko sya sa dibdib.
"careful" mahinang sabi nya at seryoso ang mukha
Bumalik na kami sa upuan at hinintay nalang na matapos ang program. Agad akong lumapit sa kapatid ko at mahigpit na yumakap sa kanya.
"aray ate di ako makahinga!" reklamo nya at inayos ang suot na toga
"congratulations! at dahil dyan ito gift ko sa'yo" Saad ko at inabotan sya ng maliit na envelope. Agad naman nya binuksan at nanlaki ang mata matapos makita ang laman.
"ate totoo?!" mahinang sigaw nya
"ay bakit ayaw mo? akina na" biro ko
"thank you ate!" saad nya at mahigpit na yumakap sa akin. Cheque lang naman yun na naglalaman ng hundredk. At aaminin ko na baon ko yun, pero marami naman akong naipon.
Bumalik na kami sa bahay at nagkaroon ng konting salo-salo. Kami ni mama ang nagluto habang yung tatlo ay naghihintay lang sa sala. Kanina ko pa din napapansin na sobrang tahimik ni Rod. Sila Nathan at papa lang yung naguusap pero si Rod ay tahimik lang at halos hindi ibuka ang bibig. Introvert yarn?
ROD'S POV
Nandito lang ako nakaupo at tumitingin tingin sa paligid. Gustohin ko mang umalis ay hindi ko magawa dahil nandito pa si Imee at sigurado akong malulungkot yun pag hindi nya makasama ang pamilya nya.
Awkward moment ang bumalot sa akin. Yung papa lang ni Imee at kapatid nya ang naguusap. Hindi naman ako makasabat kasi hindi ko naman sila kilala at alam ko naman na ayaw nila sakin.
"tara na kain na tayo" aya ng mama ni Imee at hinanda na nila ang pagkain. Nagsitayuan naman kami at nagtungo sa dining table. Maliit lang ito at kasya sa anim na tao.
Nasa gita ang papa nya at nasa gilid naman nito ang mama at kapatid nya. Tumabi si Imee sa kapatid nya at sakto naman may bakanteng upuan dun kaya dun nalang ako umupo.
Nagulat naman ako nang biglang hawakan ni Imee ang kamay ko. Napatingin ako sa kanya pero ngumiti lang sya sakin sabay pikit. Tinignan ko silang lahat at oras pala ng pagdadasal kaya pumikit nalang din ako.
Well, I've never experienced this in my whole life.
"Amen!"
Nagsandok na sila ng pagkain at pasimpleng nagkukwentuhan. Tahimik lang ako at nakayuko lang sa pagkain ko habang nag uusap sila.
Parang gusto ko nalang malunod sa lupa at mawala sa sitwasyon ko.
YOU ARE READING
Your Deadly Kiss
RomancePaalala: Magulo ang kada chaps at hindi naaayos, kaya kung tinatamad kayong mag adjust, wag nyo nalang basahin. Imee, a young lady who was forced to marry a heartless man just for the sake of her family, little did she know that it will change her...