CHAPTER 20

228 9 1
                                    


Pagkamulat ko ng aking mata ay napansin kong nandito na ako sa kwarto ko at nag-iba na ang suot na damit ko.

Naalala ko naman na sinundo ako ni Rod kagabi...ay hindi, kaninang madaling araw dun sa university tapos nakatulog na ako. Binihisan nya ako? Shit!

Araw na at pumasok na sa may veranda ko ang liwanag ng araw. Hinanap ko yung phone ko kung nasaan at pagkabukas ko ay nagulat naman ako ng makita kong alas dose na pala ng tanghali. Halos mabitawan ko ang phone ko at chenik ko pa dahil baka nag iba lang or nag hang pero hindi talaga. Shit late na ako!

Dali-dali akong nag ayos ay hinanda ang gamit ko para maligo. Di kalaunan ay bumukas naman ang pinto at pumasok si Rod.

"what are you doing?" takang tanong nya

"late na ako! papasok pa ako noh tapos tanghali na" tarantang sabi ko habang inaayos ang mga gamit ko
"oh my god lagot ako nito!" dagdag ko

Lumapit naman si Rod sa akin at kinuha ang nga gamit ko at nilagay sa kama.

"stop! hindi ka papasok ngayon" malamig na sabi nya

"ano?! hindi pwede kailangan pumasok ako!"

"no need, alam na ng mga prof mo na hindi ka papasok at pinuntahan na din ni Deigo ang mga kaklase mo"

"hindi! kailangan kong pumasok"

"Imee wag nang matigas ang ulo! pina alam ko na nga sa kanila diba! don't worry okay?" medyo galit nyang sabi

"eh bakit ba? hindi mo nalang ako ginising para naman maka pasok ako" pagtataray ko

"i know you're tired, alas tres kana nakatulog tapos papasok kapa ng alas singko? sabihin mo kung ayaw mong magpahinga, papagurin kita" pagbabanta nya na ikinatahimik ko
"you forgot something"

"na ano?" tanong ko

"explain me everything!"
Huminga muna ako ng malalim bago magpaliwag sa maarteng lalaking to.

"nung tinawagan ako ni Deigo, sinabi kong magagabihan talaga ako pero hindi ka daw pumayag, actually expected ko naman yun eh kasi palagi mo naman akong pinagbabawalan"

"oh alam mo naman pala eh bat hindi ka sumunod?" turan nya at nakapamewang pa. Umirap ako.

"eh may gagawin nga kami diba? mahalaga yung gawain namin!"

"bat ba palagi ka nalang nagagabihan? may iba pa bang dahilan?!" sigaw nya

"ano bang pinagsasasabi mo?! normal lang yun noh kasi nag aaral ako!" depensa ko at tinaasan sya ng kilay.

"yan ba ang estudyante? gabi na umuuwi?! sa pagkaka alam ko 5 palang ay uwian na tapos ikaw madaling araw ng alas tres?!"

"ano bang problema mo?! kung ayaw mo na nagagabihan ako dapat hindi mo nalang ako pinag aral!"

"so sumasagot kana?!"  sigaw nya, tumahimik nalang ako at inirapan sya
May saltik talaga ang taong to.

"nung isang araw kapa palaging nagagabihan, nung wala ako dito yan din ang pinag aawayan namin ni Deigo! palagi kang late na umuuwi! bakit?!"

"kung wala kaming gawain eh nasa bahay na dapat ako, pero anong magagawa ko? estudyante ako noh so dapat gawin ko ang pinapagawa sa amin ng prof namin!"

"sino yung mga prof mo?"

"yung panot! matandang yun halos patayin kami!" saad ko at pinag cross ang braso ko

"what?!" sigaw nya dahilan upang mapatalon ako sa gulat
"papatayin ka nya?!"

"uh h-hindi yun ang ibig kong sabihin--" Nag-aalalang sabi ko.

Your Deadly Kiss Where stories live. Discover now