"pst manood tayo ng concert mamaya, may concert daw si Bruno Mars sa Philippine Arena" aya ni Jane at malawak ang ngiti. Nakatambay lang kami dito sa gymnasium dahil katatapos palang nung sub namin.
"magkano ticket bhe?" masiglang tanong ni Kyle
"5k pero hindi VIP" sagot nito
"magkano yung VIP?" tanong naman ni Olivia
"25? nakalimutan ko yung sinabi ng pinsan ko eh, pupunta din sila kaya punta rin tayo" pag aya nya at ngumuso pa
"Well, kung kami ang tatanungin mo, go na go kami, sino ba naman kami para atrasan si Bruno Mars noh? ang tanungin mo si Imee kasi siguradong maraming dahilan nanaman yan" saad ni Kyle at umirap sa akin
"anong oras ba start?" tanong ko
"9 so malaki ang oras natin kasi wala naman tayong klase nun" sagot ni Jane
9? eh 5 palang dapat naka uwi na ako sa bahay. Paniguradong hindi talaga papayag si Rod.
"peroo--" Hindi ko pa naman nasasabi ang sasabihin ko nang sumingit si Kyle
"oh see? may dahilan nanaman yan" sambit nito at inirapan ako
"gustohin ko man pero hindi ako papayagan" malungkot na sabi ko
Gusto kong pumunta. Hello? Bruno Mars na yun noh! Sasayangin ko pa ba eh idol ko rin yun."ipapaalam ka namin sa parents mo" saad naman ni Olivia at seryoso ang mukha
Hindi nalang ako sumagot at sinubsob ko nalang at mukha ko sa dibdib ni Kyle. Gusto kong pumuntaaaaa!
"ay bakla wag ka sa'kin sumandal, dun ka sa Philip mo!" reklamo nya at tinulak ako kay Philip dahilan upang mapayakap ako sa kanya. Nagkalapit ang mukha namin at randam na randam ko ang hininga nya dahil sa sobrang lapit namin kaya agad akong umiwas.
"magsitigil nga kayo!" saway ko at hinampas si Kyle pero tumawa lang sila. Muntik na yun ah.
"sige na Imee pleaseeeee, sumama ka na" pakiusap nila at sabay-sabay na ngumuso at nagpabebe, napatawa na lamang ako
"try ko" tanging sabi ko at ngumiti
*
*
*
*
*"Deigo, pag ba magpaalam ako, papayagan mo'ko?" tanong ko sa kalagitnaan ng byahe namin. Takang tumingin sya sakin at agad na binalik ang tingin sa daan.
"what is it?"
"uhmm a-ano kasi--" utal na sabi ko at kinakabahan
"don't be shy, sabihin mo na"
"uhh mamaya kasi" bulong ko
"anong meron?"
"umm g-gusto ko sanang sumama sa mga kaibigan ko k-kasi may concert na magaganap" sagot ko habang nakayuko
"pwede ba akong pumunta?" tanong ko. Huminga muna sya ng malalim bago sumagot sa akin."Imee, you already know the answer" anya at nakatingin lang sa daan
"pero Deigo--"
"kay Rod ka magpaalam, kung sa akin, ayos lang kasi alam ko naman na ikasasaya mo, pero hindi papayag si Rod" sagot nya. Tumango nalang ako at hindi na nagsalita pa. Naging tahimik kami pareho hanggang sa makauwi kami sa bahay. Agad naman akong nagtungo sa kwarto ni Rod at nakiusap kahit na ayaw kong humarap sa kanya.
"Rod?" pagkabukas ko ng pinto ay nakita ko syang nakaupo sa couch habang nag la-laptop
"what do you want?" malamig na tanong nito at binalik ang tingin sa kanyang ginagawa. Dahan-dahan akong pumasok at lumapit sa kanya.
YOU ARE READING
Your Deadly Kiss
RomancePaalala: Magulo ang kada chaps at hindi naaayos, kaya kung tinatamad kayong mag adjust, wag nyo nalang basahin. Imee, a young lady who was forced to marry a heartless man just for the sake of her family, little did she know that it will change her...