Tahimik lang ako habang nakaupo dito sa may canteen at nakatingin sa malayo. Kasama ko ang mga kaibigan ko at paniguradong nagtataka sila dahil sobrang tahimik ko. Kanina ko pa kasi sila hindi pinapansin.
"Imee" hindi ako nakasagot
"Imee!" mahinang sigaw ni bakla"huh?" lutang na sagot ko
"ay gaga bat ka ganyan? kanina kapa lutang" tanong ni Kyle
"ah wala, hindi lang maganda mood ko" sagot ko habang nakapangalumbaba
"are you okay?" nag-aalalang tanong ni Philip
"yeah" tipid na sagot ko
"tara, gala tayo!" aya ni Olivia
"may pasok pa tayo mamayang alas dose tapos gagala tayo" sambit naman ni Jane
"mamaya pag natapos, hanggang alas tres lang naman tayo eh, so wag muna tayong umuwi, pasyal lang muna tayo o kaya punta ng mall" sagot ni Olivia
"oh sinong sasama?" saad nya at tinaas ang kamay nya"I'm on" ani ni Jane at Kyle at tinaas din ang kamay
"ikaw Imee sama ka?" tanong nila
"baka kasi pagalitan ako ni--"
"madali lang naman at hindi naman tayo magagabihan, isa pa, college kana huy!" sambit ni Olivia at bahagyang tumawa
"eh ano naman gagawin natin dun?"
"maglilibot, mamamasyal, para naman gumanda mood mo" saad nila na ikinangiti ko
Pinapasaya talaga nila ako.
"oh sige na nga, sama na ako, pero madali lang ha"
"oo ba"
"sama din ako" sagot naman ni Philip
"ayeieieie, sasama sya kasi kasama si Imee" pang-aasar nina Kyle. Pabiro akong umirap at hindi na sila pinansin. Alam ko naman na hindi sila titigil.
Pumasok muna kami sa klase ngayong alas dose at natapos naman iyon nang sumapit ang alas tres. Agad kaming nagsilabas at naghanda patungo sa mall. At dahil wala akong service ay nakisakay nalang ako kay Philip habang sila Jane naman at Kyle ay sumakay kay Olivia.
Hindi na ako tumawag kay Deigo dahil alam kong hindi nanaman nila ako papayagan at isa pa, maaga naman akong uuwi.
Pagkadating namin ay nagpark muna kami bago pumasok sa mall. Naglilibot lang kami at namili naman ng mga snacks at tumambay sa food gallery.
"hoy guys, wag tayong magtagal ha? baka kasi pagalitan ako paguwi" saad ko
"don't worry Imee, maglilibot lang tayo dito after that uuwi na" saad ni Olivia. Nanatili kaming nakatambay sa food gallery habang kinakain ang snacks namin.
Naglibot talaga kami sa buong mall at naglibang din sa Tom's World. Wala akong ginastos kasi lahat puro si Philip ang bumayad at nilebre kami.
"sana all Imee" tukso ni Kyle at tinutulak ako payakap kay Philip
"tumigil ka nga bakla!" mahinang saway ko
"suss!" saad nya at tumawa
"Philip, hiramin muna namin ang princess mo ha? punta lang kami cr" sambit ni Jane at hinila na ako kasama si Olivia.
"ay gaga magsitigil nga kayo" nahihiyang saway ko at matalim na tumingin sa dalawa
"hayaan mo na, pag kasi tinutukso namin si Philip alam naming mas kinikilig yun lalong lalo na pag tumatawa ka" sagot ni Olivia habang patungo kami sa ladies restroom
YOU ARE READING
Your Deadly Kiss
RomancePaalala: Magulo ang kada chaps at hindi naaayos, kaya kung tinatamad kayong mag adjust, wag nyo nalang basahin. Imee, a young lady who was forced to marry a heartless man just for the sake of her family, little did she know that it will change her...