CHAPTER 28

252 16 1
                                    

Maraming buwan na ang nakalipas pero wala paring pinag bago ang buhay ko. Pinagpapatuloy ko parin ang pag aaral ko at ilang buwan nalang ay graduating na ako. Bumibisita din ako sa pamilya ko at sinasamahan ako lagi ni Deigo.

Si Rod naman ganun parin, palaging masungit at mainit ang ulo sakin. Parang routine na nya ang sigawan ako halos araw-araw at pag kaharap naman nya ang Melanie na yun ay parang sinapian sya ng anghel.

Tulad ng dati, wala paring balita tungkol sa kaso. Parang nawawalan na ako ng pag-asa at hindi ko nalang pinapakialaman yun dahil mukang malabo na na makuha pa namin ang hustisya.

Naghanda na ako ng damit ko at naligo. Sabado ngayon and guess what? Birthday ni Don Francisco. Balak ko syang bisitahin at sasamahan naman ako ni Deigo sa sementeryo.

Wala si Rod dito, mga tatlong araw na syang hindi umuuwi. Umalis kasi sya kasi may importante lakad daw tungkol sa trabaho kaya sa tatlong araw na yun ay walang demonyo na nagkokontrol sakin dito.

Nagsuot lang ako ng simple dress na kulay puti at flat shoes. Hindi na ako nagpaganda kasi kahit walang makeup o ano pa man, maganda na talaga ako. Chos!

Dumaan muna kami ni Deigo sa isang flowers shop para bumili ng bulaklak at dumaan rin kami sa isang bakeshop para bumili ng bento cake. Kahit ito lang ay may iaalay na ako sa kanila.

Nang makarating kami ay agad kong inalay ang mga bulaklak at nilagay sa lapida ni Don Francisco at nilagayan ko rin ang isa para kay Doña Margarette. Sinindihan ko ang kandila at sinabayan naman ako ni Deigo na kumanta. Kusang namatay ang kandila dahil sa umihip na hangin kaya tinabi ko na ito at nilagay sa tapat ng puntod.

"you're so sweet" bulong ni Deigo habang nakatitig lang sakin

"nambola ka nanaman" bahagya akong tumawa habang inaayos ko ang mga bulaklak.

"I'm serious, kung nakilala ka ni tita, I'm sure magugustohan ka rin nya" nakangiti nyang sabi. Dahil sa curiousity ko ay napatanong ako.

"Deigo, pwede ko bang matanong kung anong nangyari kay Doña Margarette?" Natigilan lang sya at nanlaki ang mata sakin.
"wag na lang pala" saad ko at ngumiti

Nakatulala lang akong nakatitig sa lapida ni Don Francisco at nagmumuni-muni sa mga ala-ala na kasamo ko sya.

"she died 18 years ago" rinig kong sabi ni Deigo dahilan upang mapatingin ako sa kanya. Bakas sa emosyon nya ang lungkot at pangungulila sa tiyahin.

"Deigo I'm sorry, kahit hindi mo na sabihin naiintindihan ko naman" saad ko at hinawakan ang braso nya

"it's better so that someday you'll understand everything at hindi ka na mabigla" saad nya. Tumahimik nalang ako at nakinig sa kanya.

"teenagers kami nun ni Rod, siguro mga 15 y.o. , i remember, kasama ko syang pumunta kay tita at naabutan namin sila ni tito na nagaaway, umiyak si Rod nun kasi ayaw nyang nag aaway ang parents nya which is naintindihan ko naman kasi ganun din ang parents ko. The next week, nagkakagulo na yung kompanya, pati na rin kina Rod at sa bahay namin. Malapit lang kasi kami, magkapitbahay lang sila dad at tito kaya kung anong gulo, damay kami" kwento nya nya na ikinatigil ko.

"dali-dali akong pumunta kay Rod at naabutan ko syang nakakulong lang sa kwarto nya, sinabihan ako nila manang na samahan ko lang muna si Rod kasi parang nababaliw na ito dahil sa gulo. Kahit ako di ko alam kung anong nangyayari kasi nga mga bata pa kami, hindi pa nmin alam ang tungkol sa negosyo, then suddenly, nabalitaan namin na kinidnapped si tita ng isa sa mga kalaban nila dad at tito sa negosyo at kahit man hindi sa negosyo ay mortal na talaga silang magkaaway at ginamit nila si tita sa di ko alam na dahilan, siguro para kontrolin ang mga Duterte at pabagsakin. Agad na sumugod sila tito at pati na rin si dad, pero pagkabalik nila, wala na si tita at malaki ang naging epekto nun kay Rod"

Your Deadly Kiss Where stories live. Discover now