CHAPTER 10

266 12 4
                                    

Lumabas na ako ng shop at sinigurado na nakaalis na si Nico. Hindi kami pwedeng magsabay dahil malalaman nya na may kasama ako.

"natagalan ka ata" saad ni Imee nang nakasakay na ako sa kotse

"pwede ba wag mo'kong pakialaman?! ano naman ngayon kung natagalan ako? ikaw ba nagdedesisyon sa oras ko?!" medyo galit kong sabi
Napayuko nalamang sya at hindi na sumagot pa.

"bwesit"

Dumeretso na kami sa sementeryo at hinintay muna na umalis si Nico bago kami bumaba ng kotse dahil baka makita nya si Imee.

"ikaw magdala" utos ko sa kanya at inabot ang mga bulaklak
Wala akong pakialam kung mabigatan sya, bagay lang sa kanya yan, ang utos utosan gaya ng mga magulang nya.

"san ko ilalagay?" tanong nya at lumuhod sa harap ng puntod ng mga magulang ko

"isa kay mama, yung isa naman kay papa" saad ko
Nilinis muna nya ang lapida bago ihalad ang mga bulaklak.

"birthday pala ngayon ng mama mo" saad nya, napalingon sya sakin at ngumiti bago binalik ang tingin sa lapida ni mama

"kaya pala maaga kapa umuwi kasi bibisita tayo dito" saad nya na parang may saya sa kanyang tono
Hindi ko nalang sya pinansin at lumuhod nalang din ako sa tapat ng puntod nila mama.

IMEE'S POV

Nanatili kaming nakaluhod sa damuhan at nakatitig lang sa lapida ng magulang nya. Sana buhay pa ang mama nya, hindi ko man lang nakilala, siguro maganda yun, mabait tulad ni Don Francisco.

Napalingon naman ako nang marinig ko ang pagsinghot nya. May isang butil ng luha ang tumulo sa pisnge nya pero agad nya iyon pinahid at naging seryoso.

"it's okay" saad ko at hinawakan ang braso nya sabay hagod at inalo sya.
"siguro proud ang mama mo ngayon, masaya sya para sayo, pati si Don Francisco" Pagkasabi ko nung huli ay tumingin sya sakin ng masama at tinanggal ang kamay ko sa braso nya.

"masaya? sa tingin mo magiging masaya sila?! dahil sa ginawa nyo hindi sila matatahimik... hanggang ngayon hindi pa nabibigyan ng hustisya si papá dahil hindi ko napaparusahan ang may gawa nito sa kanya! ang dapat sa inyo patayin!"
sigaw nya at tinulak ako dahilan para mapaupo ako sa damuhan

"wag na wag mong babanggitin ang pangalan ng papá ko, pare pareho lang kayo ng mga magulang mo! mamamatay tao!"

Akmang hihilain nya ako patayo pero agad akong lumayo sa kanya at tumakbo.

"Imee!" sigaw nya at hinabol ako

Ito na...makakatakas na ba ako?
Mabilis akong tumakbo at hindi ko alam kung saan ako pupunta. Nagkaroon ako ng pagkakataong lumingon sa kanya para tignan kong mahabol ba nya ako pero sa huli... nahuli parin ako.

"Bitawan mo'ko!" sigaw ko at pinaghahampas sya sa dibdib, pero mahigpit ang pagkakahawak nya sa bewang at braso ko.

"Stop!" sabi nya pero hindi ako nakinig at sinampal ko nalang sya ng malakas
"i said Stop!" Hinawakan nya ang pulsohan ko at piniga. Napasigaw ako sa sakit at para bang binali nya ang buto ko.

"Ahhhhh!" nawalan na ako ng lakas at napaupo na sa damuhan at hinawakan ang aking kamay. Sobrang sakit, parang binali nya ang kamay ko. Nanginginig ang kamay ko at hindi ko magalaw. Magkaka injury pa ako.

"you're evil!" sigaw ko sa kanya pero hinawakan lang nya ang kamay ko at hinila patayo

Hindi paba sya nakukuntento na nasasaktan na ako? wala talaga syang puso...kulang nalang ilibing nya ako ng buhay

"wag mo'kong sisigawan, ikaw na itong may kasalanan ikaw pa ang galit!" Hinila na nya ako pabalik ng kotse at pinasakay.

Dumating kami sa bahay at hindi parin ako tumitigil sa pag iyak, hanggang ngayon masakit parin ang kamay ko at wala man lang pakialam ang lalaking to.

Your Deadly Kiss Where stories live. Discover now