Nakatulog na si Imee dahil sa kakaiyak. Dahan-dahan ko syang pinahiga at inayos ko din ang pwesto nya. Mugto ang kanyang mga mata at halos mawalan na sya ng boses kanina dahil sa kaka sigaw at iyak.Sobrang nakaka awa sya. Masakit para sa kanya ang mawalan ng anak. Lahat na lang kinukuha sa kanya. Mahirap yun tanggapin.
Nanatili muna ako sa tabi nya ng ilang oras bago ako lumabas. Pumalit naman sa akin si manang at sya lang muna ang nagbantay sa loob at sinamahan si Imee.
At si Rod? Wala sya, ewan ko kung saan nagpunta, pero mas mabuting wag na syang magpakita kay Imee, baka mas lalong mahirapan sya pag makita nya ang demonyong mukha ng pinsan ko.
Umupo lang muna ako dito sa labas ng room at tumambay. Sana pagkatapos nito, magbago na ang lahat. Hindi na mahirapan si Imee, at magbago na ang lagay ng buhay nya.
Sana makatakas na sya mula kay Rod.
Nagulat naman ako nang biglang mag ring ang phone ko. Agad ko itong kinuha mula sa bulsa ko at sinagot.
"oh?"
"sir, may nahanap po kami na maaaring suspect" Sagot ng tauhan ko mula sa kabilang linya. Hindi ko na sila pinatapos at agad akong umalis at pinuntahan sila.
Dati palang ay hinahanapan ko na ng hustisya ang pamilya ni Imee. Sinabay ko na rin kung sino ang totoong suspect, dahil alam kong mga inosente silang lahat. At naniniwala lang si Rod sa pekeng imbistigasyon.
~
Pagdating ko sa building ay agad akong pumasok at sinalobong naman ako ng mga tauhan. Ang isa sa kanila ay may dalang folder at inabot sakin kaya maingat ko itong binasa.
"sir, yung pumatay sa pamilya ni ma'am Imee at ang pumatay kay Don ay iisa, pero hindi pa namin matukoy kung sino" Sagot nila. Ang hirap talagang mahanap kung sino ang lintik na yun. Lahat na ginawa namin, pero ang linis ng trabaho nila at hindi sila madakip. Sino ba sila?
"at isa pa sir, nalaman din namin ang totoong pagkatao ni Angelo Florida na nagimbestiga sa pamilya ni ma'am Imee, he's a serial killer and a drug addict, dati syang PI ng mga drug lord at nag panggap na kababata si Edward na dating may hawak sa imbistigasyon ni Don Francisco" Paliwanag nila na ikinakunot noo ko.
What?
"si Eddie?" Tanong ko na ikinatango nya.
"Angelo was the person behind Eddie's assassination, at sya ang pumalit kay Eddie para mahawakan nya ang kaso ni Don, later on, sya na rin ang pinag imbestiga ni sir Rod sa pamilya ni ma'am Imee, and all of his evidences, were false" Dagdag nya na ikinabagsak ng panga ko.
All this time, si Angelo pala ang pumatay kay Eddie? pero bat nya ginawa yun?
"pero bakit nya pinatay si Eddie? for what aside sa sya ang mag iimbistiga?" Takang tanong ko.
"we're not sure yet, pero alam kong may dahilan sa likod ng mga to, we also assume that, hindi sya nag iisa, may kasama sya na tumutulong sa kanyang gawin ang mga bagay na yun" Tugon nya. Napa isip ako.
May kasabwat si Angelo? But who?
"sino ang kasabwat nya? is it Angel Valz? his partner?" Tanong ko ulit.
"we're still finding information about that lady, baka nga sya ang kasabwat" Sagot nya. Napabuntong hininga ako.
Angel is quite okay for me. Mukha naman syang inosente nung nakilala ko. I hope she's out of here.
Matapos kong matanggap ang mga impormasyon ay nagpaalam na silang umalis. Nanatili ako dito sa loob at binasa muli yung mga files. How dare Angelo kill Eddie, pagbabayaran nya yun. At aalamin din namin kung sino ang kasabwat nya, sabay talaga silang mamamatay.
YOU ARE READING
Your Deadly Kiss
RomancePaalala: Magulo ang kada chaps at hindi naaayos, kaya kung tinatamad kayong mag adjust, wag nyo nalang basahin. Imee, a young lady who was forced to marry a heartless man just for the sake of her family, little did she know that it will change her...