"sir Rod" Pag-gising sa akin ni manang. Nakatulog na pala ako sa kina-uupuan ko. Nang makita ko si manang na kasama ang doktor ay agad akong tumayo at tinanong ang lagay ni Imee."kumusta sila doc?" Agad na tanong ko. Napatingin naman si doc kay manang at bumaling sa akin na may malungkot na ekspresyon.
"I'm sorry to tell you sir, we tried our best to save the baby, but your child didn't make it." Mahinang sagot ng doktor na ikinabagsak ng balikat ko. Nanigas ako na parang bato, hindi ako nakagalaw o salita man lang. Wala na rin akong ibang narinig kahit patuloy syang nagpapaliwanag. Pero umaalingaw-ngaw sa tenga ko ang sinabi nya.
"your child didn't make it"
"your child didn't make it"
"your child didn't make it"Nanlumo ako at nawalan ng lakas.
Hinihintay ko pa naman yung panahong, makakarga ko na ang anak ko, makakausap, makakasama, at ang magmamana sa akin. My first child. My only child. I waited. But, he didn't make it.
Why?!
"eh doc, si Imee kumusta po?" Tanong ni manang.
"she's in a bad condition, hindi pa sya nagigising at dahil din siguro sa lakas ng impact na tumama sa ulo nya, marami rin ang dugo na nawala sa kanya and we could say that, she's not fine" Sagot nito.
Napaupo na lamang ako habang sila ay nag-uusap. Tulala parin ako dahil sa mga sinabi ng doktor. Hindi parin mawala sa isip ko, yung nangyari kanina, at yung narinig kong balita.
"it was your job to save my child! bat di mo nagawa?!" Sigaw ko.
Napalingon naman sila manang sa akin. Tumayo ulit ako at hinarap ang doktor. He is useless. Akala ko trabaho nya to?
"we're not paying you just for nothing! trabaho mo na iligtas ang anak ko! pero bakit nawala sya?!" Sigaw ko ulit. Nanatiling mahinahon anh doktor habang si Deigo naman ay lumapit na sakin at pinigilan ako.
"would you stop? di ka ba nahihiya Rod?!" Saway nya sakin.
Nag sorry sya sa doktor at pagkatapos ay umalis na ito. Bumaling si Diego sa akin na may masamang tingin.
"really? Rod? after what you've done to them, sa iba mo isisisi?!" Saad nya.
"kasalanan to ng doktor kung bakit nawala ang anak ko! mga walang silbi!" Tugon ko naman sa kanya.
"kasalanan mo ang lahat ng ito! hindi dapat mangyayari to kung hindi ka gumawa ng mga kagaguhan para mapahamak sila! ikaw rin naman ang dahilan eh, kaya nawala ang anak mo! ikaw ang may problema!" Giit nya at tinuro pa ako.
"tama na!" Saway ni manang.
Inirapan ako ni Diego bago umalis. Bumalik na lang ako sa upo ko at hinayaan sila. Mas iniisip ko ngayon ang anak ko. Bat iniwan nya ako?
Paglipas ng oras, ay pinayagan na kaming dumalaw sa kwarto ni Imee. Pagkapasok ko, ay nakita ko syang nakahiga sa hospital bed at walang malay. May tela ring nakapalibot sa ulo nya at maraming nakatusok sa kanyang kamay, maliban sa dextrose.
"kawawa naman si Imee" Saad ni manang at pinunasan ang luha nya.
Sinabihan ko muna syang lumabas at iwan kaming dalawa. Pagkalabas nya, ay nilapitan ko si Imee at umupo sa kanyang tabi.
Nakatulala lang akong nakatitig sa kanyang tiyan. Hinawakan ko ito at dahan-dahang hinaplos. Alam kong wala na ang anak ko sa loob nya, pero kinausap ko parin ito.
"bat nangyari to? bat hinayaan mong mawala ang anak natin?" Tanong ko kay Imee na natutulog lang. Kumuyom ang palad ko dahil sa sinapit ng anak ko. My child didn't deserve this. Inosente ang anak ko para biglang mawala. Dapat hindi sya namatay, dapat si Imee nalang!
YOU ARE READING
Your Deadly Kiss
RomancePaalala: Magulo ang kada chaps at hindi naaayos, kaya kung tinatamad kayong mag adjust, wag nyo nalang basahin. Imee, a young lady who was forced to marry a heartless man just for the sake of her family, little did she know that it will change her...