Tahimik lang kami na nakaupo habang yung magaling naming prof ay kanina pa daldal ng daldal at umuusok na sa galit dahil palpak daw yung mga ginawa namin. Halos hindi ko na maimulat ang mga mata ko dahil sa sobrang puyat tapos ngayon magrereklamo sya at sasabihing hindi tama ginawa namin. Edi sya gumawa."ulitin nyo yan!" sigaw nya sa buong klase. Lahat kami ay napamaktol at napakunot noo dahil sa sinabi nya.
"tangna! uulitin natin lahat?!" bulong ni Kyle
"pota hindi pa nga ako nakakabawi sa puyat ko kagabi...ay hindi, kaninang madaling araw" saad ni Jane
"aaaaahhhuuuh ayoko na" saad ko naman at kinusot ang mata ko
"puyat talaga ako tapos ipapaulit pa ng panot na yun""grabe na talaga sya, pano yan magagabihan nanaman tayong maka uwi mamaya" ani ni Olivia
"magagalit nanaman si dad sakin""ulitin nalang natin para hindi na magalit si sir, magtiwala lang kayo matatapos natin yun" nakangiting sabi ni Philip
"nanggigigil talaga ako sa panot na yan" gigil na sabi ni Kyle na ikinatawa naming lahat
"mamaya talaga sya sakin"Pagkatapos ng klase ay pumunta na kami sa cafeteria at kumain, habang sumusubo ay inuulit naman namin yung pinagpuyatan namin kagabi na hindi tinangap ni panot. Busy kaming tinatrabaho yun at nung narinig namin ang pagbell ay nagsipasok na kami sa klase at walang ganang makinig dahil nga halos lahat kami ay puyat.
Natapos nalang ang klase pero wala kaming may natutunan dahil nga wala kami sa mood at pinoproblema yung pinapagawa ni panot. Agad kaming dumeretso sa faculty at dun trinabaho ang mga workshits! nayun.
"ano kaya pa?" tanong ni Kyle na parang nang-iinis
"kakayanin beh, hindi lang makatanggap ng tres!" saad ni Jane
"magagabihan nanaman ako" mahinang sabi ko
"ako nga rin eh, magagalit nanaman si dad tulad kagabi" sambit naman ni Olivia
"magtrabaho nalang tayo para matapos to" rinig namin na sabi ni Philip
Halos lahat naman sila napatingin sa akin nang biglang tumunog yung phone ko. Nag paalam ako na sagutin ko muna yun bago lumabas.
"hello Deigo?"
"Imee where are you?"
"umm nasa university pa ako"
"don't tell me na mamaya kapa uuwi"
"ah ganun na nga"
"Imee, dito mo nalang--"
"Deigo, hindi pwede... kailangan kong taposin dito at magagalit yung prof namin" paliwanag ko
"pero--"
"please Deigo, hindi pa kami tapos... I'm sorry talaga pero hindi ako susunod sa'yo ngayon, kailangan ko talaga tong taposin"
Hindi ko na hinintay ang sagot nya at pinatay ko na ang tawag.
Akmang papasok na ako sa faculty nang bigla nanamang mag ring yung phone ko."Deigo, mamaya na nga"
"you will go home!" madiin na sabi ng isang lalaki at halata sa boses nya ang galit
"R-Rod?" halos mabitawan ko na ang phone ko dahil si Rod pala ang kausap ko
"try to disobey me, you know the consequences Imee" Saad nya dahilan upang tumahimik ako at tumindig ang mga balahibo
"papunta na si Deigo, kung ayaw mong magalit pa ako, umuwi kana!"
Pinatay na nya ang tawag.Agad akong bumalik sa faculty at nagpaalam na uuwi na. Sa una nagmaktol pa sila dahil maaaga pa naman daw at mamaya na daw ako umuwi pero nagsinungaling ako sa kanila at sinabihang may emergency kaya naintindihan nalang din nila ako at nagpaalam na akong umalis.
YOU ARE READING
Your Deadly Kiss
RomancePaalala: Magulo ang kada chaps at hindi naaayos, kaya kung tinatamad kayong mag adjust, wag nyo nalang basahin. Imee, a young lady who was forced to marry a heartless man just for the sake of her family, little did she know that it will change her...