"tungkol saan ba?" tanong ko
"our marriage" sagot nya at dahan-dahang lumapit sa akin. Hindi ako makagalaw at napako lang ako sa kinatatayuan ko.
"i need to clarify this marriage, dahil sa'yo, pwede akong masira" saad nya na nagpagulo sa akin. Dahil sa akin babagsak sya? Well understand ko naman yun dahil nasabi nga sa akin ni Deigo na may mga kalaban sila sa negosyo at pwede rin akong madamay dahil kasal ako sa lalaking to. Pero binaliktad nya eh. Ako ngayon ang nasisira, hindi sya.
"ikaw masisira? well Rod ako, wasak na wasak na ako dahil sa kasal na to!" saad ko at medyo may tono
"buti nga't naisipan mong i clarify dahil ako, hanggang ngayon gulong-gulo ako tapos sasabihin mo ngayon na masisira ka? bakit sino ba nagpakasal sa atin ha? namilit ba ako na pakasalan mo'ko?!""will you please stop for a moment?! hindi pa nga ako tapos magsalita eh!" masungit na tugon nya, palihim akong umirap
"the purpose na i clarify to ay para magkaintindihan tayo, hindi naman yung palagi nalang tayong ganito!""hindi ko naman kasalanan kung palagi tayong ganito, ikaw lang naman ang mainitin ang ulo" mataray na sabi ko at pinag cross ang braso ko
"because of this marriage, possible na mapahamak ka, I'm your husband and you're connected to me of course, naisip ko na para malayo ka sa gulo, let's act that you're not my wife, and I'm not your husband, especially when we're in public" Seryoso lang akong nakikinig sa kanya at hindi umiimik.
"kapag private lang, we can be together, but in public, we're strangers" dagdag nya
"alam mo para hindi na tayo mahirapan, at para hindi na tayo magpanggap, maghiwalay nalang tayo" saad ko dahilan upang maging matalim ang tingin nya sa akin
"no!" deritsahang sabi nya
"hindi yun mangyayari!""Rod! ikaw na mismo nagsabi na masisira ka at mapapahamak ako dahil sa kasal na to! tapos ayaw mong makipag hiwalay?!"
"why? gusto mong maghiwalay tayo? bakit may lalaki kaba?!" sigaw nya
"wala!" sigaw ko pabalik. Anong akala nya sakin lalakiro? At kahit wala akong ibang lalaki wala naman syang paki dun. Oo asawa nya ako, pero sa papel lang yun.
"siguraduhin mo lang na hindi ka nakikipag relasyon sa iba, kundi humanda ka sakin! kayo ng lalaki mo!" gigil nyang sabi at mahigpit na hinawakan ang braso ko.
Napayuko na lamang ako at bigla nalang tumulo ang luha ko. Nagbalik na ang tunay na Rod. Akala ko lang pala na nag-iba sya, pero hindi.
"si Deigo na ang palagi mong makakasama, hindi na rin kita isasama sa mga lakad ko, tulad ng pagbisita kina papá, at wag mo'kong ituring na asawa kapag nasa public tayo, ayokong mapahiya at masira dahil sa'yo, naiintindihan mo?!" saad nya at pinanlakihan ako ng mata. Hindi ako nagsalita at tumango lang ako bilang sagot.
Nang bitawan na nya ako ay lumabas na sya ng kwarto. Pinahiran ko muna ang luha ko at huminga ng malalim. Malabo talaga na maging mabait sya sakin, at magkaayos kami. Okay na sana eh yung nangyari kahapon. Gusto ko palagi nalang ganun, pero mananatili syang si Rod.
Nagulat naman ako nang bigla nanamang bumukas ang pinto. Iniluwa si Deigo na nakakunot noo at dali-daling lumapit sa akin.
"i saw Rod coming out from your room, he seems upset, did he hurt you?" nag aalalang tanong nya at hinawakan ang kamay ko
"no" bulong ko at tumulo nanaman ang luha ko
"why are you crying?"
"i-i don't know" sagot ko at umupo sa kama, tumabi naman sya sakin
"stop crying" saad nya at hinagod ang likod ko
"i just don't get it, magulo...magulo" saad ko at hindi parin tumutigil sa pagagos ang luha ko
YOU ARE READING
Your Deadly Kiss
RomancePaalala: Magulo ang kada chaps at hindi naaayos, kaya kung tinatamad kayong mag adjust, wag nyo nalang basahin. Imee, a young lady who was forced to marry a heartless man just for the sake of her family, little did she know that it will change her...