DIEGO'S POVIsang linggo na ang lumipas matapos mamatay ang pamilya ni Imee. Simula nun, nagbago ang lahat. Naging tahimik ang bahay, hindi na umuwi si Rod, at naging miserable ang buhay ni Imee.
Hindi na rin sya nakikipag usap sa amin. Kahit sila manang ay ayaw nyang makita. Palagi lang syang nakakulong sa kwarto at halos di kumain maghapon.
Nag-aalala na ako sa kanya. Gabi-gabi naririnig ko ang hagulgul nya. At kada pumapasok ako sa kwarto nya, laging nakakalat at sira ang mga gamit. Parang, mawawala na sya sa isip.
"sir Deigo" Rinig kong tawag ni yaya. Pagkalingon ko ay nakita ko syang nakatayo sa likod ko at may hawak na tray ng pagkain.
"hindi na naman po kinain ni ma'am Imee" Sumbong ni yaya. Tumango lang ako sa kanya sinyales na ihatid nalang sa kusina yung pagkain.
Pagkaalis nya ay napabuntong hininga ako. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Rod. Gusto kong malaman nya na, hindi kumakain si Imee at baka may mangyare pa sa anak nila. Baka sakaling sumunod si Imee kay Rod. Kasi kung kami lang nila manang, hindi sya nakikinig.
"oh?" Sagot nya sa kabilang linya.
"Rod, kelan ka uuwi? paulit-ulit akong tumatawag sa'yo nung nakaraan, ngayon ka lang sumagot" Bungad ko agad.
"I'm in Ilocos, ano ba sadya mo?" Tanong nya.
Huminga muna ako ng malalim bago magsalita.
"si Imee"
"ano naman ang problema sa babaeng yun?" Tanong nya na ikinakunot noo ko. Yung tono nya, parang wala lang syang pakialam sa 'asawa' nya. Buntis si Imee tas hindi man lang nya ma alagaan?
"Rod naman, buntis si Imee tas iiwan mo dito? alam mo bang hindi sya kumakain at palagi lang nakakulong sa kwarto nya? hindi sya nakikinig o sumusunod sa amin" Madiin kong sabi.
"problema mo na yun" Sagot nya na ikina inis ko. Anong sinabi nya? Gago sya. Wala talaga syang pake kay Imee.
"putang ina mo Rod, naririnig mo ba sinasabi mo? bubuntisin mo tas hindi mo man lang mabantayan? ganun ka na ba ka sama?!" Medyo mataas na tono kong pagkakasabi. Hayop sya. Kung ako ang asawa ni Imee, hinding hindi ko gagawin ang pinaggagagawa ni Rod sa kanya.
Hindi sya nakasagot.
"eh wala ka rin namang pakialam sa kanya diba? pwes, hayaan mo'kong ako ang mag alaga sa kanya, ilalayo ko sya dito para hindi na sya masaktan pa--"
"wag mong susubukan Deigo!" Sigaw nya. Napairap ako.
"wala kang karapatan sa asawa ko!" Dagdag nya."eh wala ka namang silbing asawa!" Tugon ko sa galit. Hindi ko na narinig pa ang sagot nya at agad nyang pinatay ang tawag. Napahawak ako ng mahigpit sa telepono dahil sa galit.
Masusuntok ko talaga ang pinsan ko pag magpakita yun dito.Makalipas ang ilang oras, ay nagpakita din yung gagong yun. Mabilis syang lumakad palapit sakin at hinawakan ang damit ko ng mahigpit sabay hila.
"buti naman at nakauwi ka na, kung hindi pa kita tinakot baka di ka na nagpakita" Suplado kong sabi.
"itong tatandaan mo Deigo, wala kang karapatan kay Imee, wala kang ibang gagawin sa kanya dahil asawa ko sya" Galit nyang sabi sabay bitaw ng marahas sa kwelyo ko.
"ito rin ang tatandaan mo kasi baka nakalimutan mo na, HINDI mo sya asawa! wala ka ring karapatan para saktan sya" Sagot ko na ikinakunot noo nya.
Imbes na tumugon sya sakin, ay mabilis nyang tinaas ang kanyang kamay at sinuntok ako. Syempre gumante rin ako. Matagal na syang namumuro sakin, kulang pa ang bugbog sa lahat ng pananakit nya kay Imee.
YOU ARE READING
Your Deadly Kiss
RomancePaalala: Magulo ang kada chaps at hindi naaayos, kaya kung tinatamad kayong mag adjust, wag nyo nalang basahin. Imee, a young lady who was forced to marry a heartless man just for the sake of her family, little did she know that it will change her...