CHAPTER 42

251 26 14
                                    


"ang gandaa" Saad ko habang nakatingin sa paligid at nagpipicture din sa mga buildings at tourist spots dito. Nandito kasi kami sa Grand Canal dito sa Venice. As in nakakalula ang ganda. Napakalinaw ng tubig, fresh ang hangin at mababait ang mga tao.

Inalalayan naman ako ni Rod na sumakay sa pinaka bangka nila at namangka sa magandang kanal. Puro lang ako picture sa piligid kasi napaka ganda talaga. First time to be here noh.

"picture naman tayo" Saad ng katabi ko. Kinuha naman nya ang phone nya at nag selfie kaming dalawa. Ang cute.

"you're so beautiful" Bulong nya habang nakatingin sa phone nya at zinoom pa yung mukha ko. Kinilig ako ng palihim. Like aghh tumigil ka Rod enebe!

Matapos kami dun ay nagyaya akong kumain kasi nagugutom na kami ni baby. Dinala naman nya ako sa isang 5 star resto at inorder nya lahat ng nasa menu para daw mabusog kami ng anak nya.

"if kulang pa, sabihin mo lang ha" Saad nya at kumain na rin sya. Napatawa na lamang ako. Nakakahiya naman katakawan ko. Naubos ko naman yung ibang dishes kasi yung iba naman hindi ko nagustohan at parang masusuka ako kaya si Rod nalang yung kumain.

Nag serve naman yung waiter ng another dessert at sadyang napakasarap na halos malilimutan mo ang pangalan mo. Chos!

"hay nabusog kami ni baby" Saad ko nang matapos akong kumain. Napangiti naman si Rod. Nang matapos na syang magbayad ay hinawakan na nya ang kamay ko at lumabas na kami ng resto.

"san tayo next?" Tanong ko. Napanguso naman sya at tumingin sa kanyang relo.

"we still have time before evening, sa Colosseum naman tayo" Sagot nya na ikinatuwa ko. Sa Rome?! omg dream place ko din yun!

Aaminin ko, full storage na ako kaka picture kung saan-saan dito. Nung hindi na talaga kinaya ng phone ko ay hiniram ko pa yung kay Rod para lang makuhanan yung mga magagandang lugar dito. At sya naman, puro mukha ko ang kinukuhanan. Mga stolen shots daw pero puro epic naman.

"iloveyou" Bulong ko habang nakatitig lang ako kay Rod at kinukuhanan ko sya ng palihim. Ayaw kasing magpa picture. Kaya pa sekreto nalang.

"Iloveyou too" Sagot naman nya at hindi tumitingin sakin. Natigilan ako at dahan-dahang binaba ang phone nya. Did he just say that?

Nanatili akong tahimik at tulala sa kanya. Lumingon naman sya sakin at tinaas ang dalawang kilay na parang nagtatanong.

"uhm n-nothing" Sagot ko at nag-iwas ng tingin sa kanya sabay kagat ng ibabang labi ko. Sobrang kapal na ata ng blush on ko kasi namumula pati pisnge ko.

"believe it or not, i really love you" Sambit nya at hinawakan ang kamay ko dahilan upang tumingin ako sa kanya.
"iloveyou, iloveyou, iloveyou!" Sunod-sunod nyang sabi at humalik sa aking labi na ikinatawa ko.

"Rod we're in public" Saway ko sa kanya. Humalik ulit sya sa akin bago kumalas at mahigpit na yumakap. Ganun din ginawa ko.

"let's go back to the hotel, i want you now" Bulong nya na mas lalong ikinatawa ko. Pinagsasabi nito.

"tumigil ka nga" Saad ko at mahinang hinampas sya sa braso.

Nagpatuloy kami sa paglilibot at pag picture sa kung saan-saang anggulo ng Colosseum. Nag request pa ako sa isang estranghero na kunan kami ni Rod ng litrato at buti nalang ay pumayag naman ito.

"umayos ka, smile ka sa camera" Saad ko at tumabi na ako sa kanya at nag posing na kami habang pinipicturan kami ng babae. Magalang naman akong nagpasalamat matapos nya kaming kunan.

"ay ang gandaaa" Tili ko nang makita ang picture namin. Pang Instagram ang peg, nako nako ipopost ko talaga to.

"ang gwapo mo dito oh" Saad ko sa kanya na ikinangiti nya. Jusko mas lalong gumwapo!

Your Deadly Kiss Where stories live. Discover now