"Tara punta tayo Starbucks!" aya ni Kyle. Nakatunganga lang kasi kami dito sa labas ng University dahil half day lang kami kaya wala kaming magawa, hindi naman ako susunduin ni Deigo ngayon kasi may trabaho din yun at pupunta sya dito mamaya pang hapon kaya no choice ako kundi sumama sa kanila.
"geh!" saad ni Olivia
"guys sa akin na kayo sumakay!" saad naman ni Philip
Nagtungo na kami sa Starbucks at mabuti naman ay hindi ito masyadong malayo."hoy pa send naman ng files beh, nabura kasi yung akin" saad ni Jane
Nag send naman kami ng kanya kanyang files at nagpatuloy na sa aming ginagawa. Nakaupo lang kami dito sa loob ng shop at tinatapos ang mga paperworks namin habang painom inom lang ng milktea.Sobrang dami ng gawain namin kaya dito namin trinabaho, buti nalang at half day lang kami kaya may time kaming lima para taposin to.
Bandang quarter to five ay tinawagan ko si Deigo na dumeretso dito sa shop at dito nalang ako sundin. Nagtaka pa sya kung bakit ako nandito pero sinabi ko naman na kasama ko kaibigan ko.
"oh mauna na kami, bukas nalang ulit" paalam ko sa kanila at niyakap sila na parang group hug
"mag ingat kayo!" saad nila
Sumakay na kami ni Deigo at bumyahe na kami."Imee, hindi ka dapat sumasama sa kanila" mahinang sabi nya
"bakit naman?"
"for your safety, ang tanging bilin lang ni Rod is mag aral ka at dapat nasa university ka lang hindi yung pumupunta ka sa ibang lugar"
mahinahon nyang sabi"pero kasama ko naman kaibigan ko, at half day kasi kami kaya sumama ako sa kanila kasi niyaya nila ako at tsaka nagtrabaho din kami sa mga paperworks namin" tapat na sagot ko
"kahit na, pag nalaman to ni Rod paniguradong magagalit yun"
"hindi naman sya magagalit kung hindi ka magsumbong diba? at tsaka Deigo, college na ako, hindi na ako bata para pagbawalan nyo na sumama sa mga kaibigan ko"
"Imee, is not like that, we're just protecting you because you are his wife"
"and? wala ngang nakaka alam na asawa nya ako diba? at ano naman ngayon kung malaman ng iba na asawa ko sya?"
"there's a possibility na patayin ka, remember what they've done to tito, and now their eyes is on Rod, pag nalaman nila na ikaw ang asawa nya, pwede ka nilang kidnappin or what"
Natahimik ako dahil sa sinabi nya. Akala ko si Rod lang ang gustong patayin ako, marami pala sila.
Ang malas ko naman."p-pero hindi naman nila ako kilala hindi ba?"
"not yet, napapansin mo ba kung bakit ka nya pinapag suot ng scarf at sunglasses 'pag lumalabas kayo? it is because he doesn't want people to know you, he is hiding you..you're life is in danger since he married you, so please Imee, listen to us"
Tumango lang ako at hindi nagsalita pa. Dahil sa narinig ko mas lalo akong natakot, nasa panganib ang buhay ko dahil asawa nya ako. Pero bat naman nila ako idadamay kung si Rod ang kailangan nila diba? at tsaka bat nila gustong patayin si Rod? for what?
Pagdating namin sa bahay ay hindi muna ako dumeretso sa kwarto ko, pinuntahan ko nalang si manang at nagpahanda ng pagkain.
"kamusta anak? mukang wala ka sa mood ah" saad ni manang habang nakatitig lang sa akin
"hmm pagod lang po" sagot ko at sumubo na ng pagkain
"oh umm sya nga pala, pinapapunta ka ni sir Rod sa office nya, bilin nya sakin na pag dumating ka dumeretso ka raw dun" saad ni manang na ikinatindig ng balahibo ko.
Ayoko, hindi ako pupunta dun, baka ulitin nya yung ginawa nya sakin kahapon.
YOU ARE READING
Your Deadly Kiss
RomancePaalala: Magulo ang kada chaps at hindi naaayos, kaya kung tinatamad kayong mag adjust, wag nyo nalang basahin. Imee, a young lady who was forced to marry a heartless man just for the sake of her family, little did she know that it will change her...