CHAPTER 26

202 10 3
                                    

DEIGO'S POV

Kagigising ko lang at naligo na rin ako bago magtungo sa baba at ihatid si Imee. Naabutan ko si manang sa kusina na tulala lang at nakaupo.

"uh manang, bumaba na ba si Imee?" tanong ko at nagpatimpla ng kape kay Cecelia

"sir, hindi nyo pa po ba alam?" tanong ni yaya Cecelia sa akin

"ang alin?" takang tanong ko

"kagabi pa nasa hospital si Imee" sagot naman ni manang dahilan upang manlaki ang mata ko

"what?!" mahinang sigaw ko

"uh s-sir-"

"anong nangyari sa kanya? bat sya nandon?!" kinakabahan kong sabi at medyo nanginginig na ang kamay ko

"k-kagabi ho, narinig nalang namin na sumigaw si sir Rod at buhat na nya si ma'am Imee na walang malay, kaya agad nya itong sinugod sa hospital" sagot ni yaya Cecelia habang naka yuko

"hayop talaga ang lalaking yun!" galit na sabi ko at agad na umalis. Dali-dali akong nagtungo sa kotse ko at pinaandar papunta sa hospital. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa monobela dahil sa panggigigil at galit. Hayop ka Rod! Sigurado akong ikaw nanaman ang dahilan nito.

Pagkadating ko ay agad kong hinanap ang room ni Imee at dali-daling pumasok sa room nya. Nakita ko si Rod na natutulog sa gilid ng kama habang si Imee naman ay pinagmamasdan lang ang hayop nyang asawa.

"D-Deigo" utal nyang sabi dahil sa gulat

"are you okay?" deritsahang tanong ko

"o-oo"
Napatingin naman ako kay Rod na kagigising lang at agad ko syang hinila at hinawakan ang kwelyo nya sabay tulak sa kanya sa pader.

"Deigo stop!" saway ni Imee

"hayop ka! anong ginawa mo sa kanya?!" sigaw ko kay Rod, ngunit hindi sya umimik at tumingin lang kay Imee

"lahat nalang Rod! paulit-ulit ko nang sinasabi sa'yo yan! pero bakit ang tigas ng ulo mo?! gusto mo ba talaga na palagi nalang nandito si Imee?! pabalik-balik sya dito sa hospital ng dahil sayo!" sigaw ko at mahigpit na nakahawak sa damit nya

"Deigo, tumigil na kayo" saway ulit ni Imee. Dapat talagang patulan ko na ang taong to.

"pasalamat ka nandito si Imee, dahil kung hindi, kanina ko pa binasag ang mukha mo" saad ko, tumingin lang sya sakin ng masama bago ko sya bitawan. Binaling ko ang tingin kay Imee at agad akong lumapit sa kanya at hinawakan ang kamay nya.

"are you okay? may masakit ba sa'yo? anong nangyari?" sunod-sunod na tanong ko

"I'm fine, n-nawalan lang ako ng ginhawa pero okay na ako" mahinang sagot nya at tumingin kay Rod. Si Rod naman ay hindi umimik at lumabas na ng room.

"don't worry, maayos na ako"

"I'm sorry" saad ko at yumuko
"I-i wasn't there to protect you"

"no,no,no, I'm fine.. it's not your fault"

"I'm really sorry" saad ko at niyakap sya ng mahigpit. Yumakap din sya sa akin habang hinahagod ko ang likod nya. Naaawa talaga ako sa kanya. Kung naging akin lang sya, hindi nya to mararanasan.

~

Hapon na at nakaupo lang ako sa gilid ni Imee habang sya naman ay kumakain ng snacks nya. Sheyt, she's so cute. Para syang bata at napaka inosente.

Napatingin naman kami sa pinto nang may kumatok. Pumasok si Doc sabay ngiti sa amin.

"good afternoon" bati nya

Your Deadly Kiss Where stories live. Discover now