CHAPTER 33

489 19 2
                                    

Ngayon na ang birthday ni mama at naghahanda na ako ngayon para pumunta sa celebration nya. Dalawang araw nang wala si Rod at sabi na nasa ibang bansa raw may dinaluhan tungkol sa negosyo. Kaya si Deigo ang sinama ko at paniguradong matutuwa sila mama kasi bumisita ulit si Deigo.

Pagkadating namin ay tinulongan na ako ni Deigo para dalhin yung regalo at pasalobong ko sa kanila. Agad nila kaming sinalobong at yumakap naman ako sa kanilang tatlo.

"Happy Birthday ma!" bati ko at humalik sa pisnge nya. Bumati rin si Deigo at nakita ko naman ang saya nila nung makita sya..

"happy birthday po" bati ni Deigo

"buti nalang sumama ka" nakangiting sabi ni mama kay Deigo.

"syempre po, birthday nyo eh" sagot ni Deigo na ikinatawa naming lahat.
Agad naman kaming nagtungo sa mesa at sinimulang kumain. Pasimple rin kaming uminom ng alak at nagkantahan.

Nang buksan ni mama ang regalo ko ay agad na pumatak ang luha nya. Yumakap sya sakin ng mahigpit at nagpasalamat. Binigay ko rin yung pasalobong ko kina papa at Nathan at lahat sila abot tenga ang ngiti at yumakap din sakin pabalik.

Gabi na nung nagpaalam kaming umuwi. Pasado alas nwebe na kaya nagpaalam na kami at nangako naman akong bibisitahin ko ulit sila sa susunod.

Pagdating namin sa bahay ay nakaramdam ako ng hilo. Hindi naman ako uminom masyado at pinatikim lang ako ni papa ng isang basong alak kasi hindi pa raw ako nakakainom nun. Pero yung isang basong yun parang isang case at iba ang pakiramdam ko.

"are you okay?" tanong ni Deigo at inalalayan akong pumasok sa bahay.
Naduduwal rin ako at parang lumilibot ang buong lugar. Nawalan ako ng balanse.

"Imee, careful" nag-aalalang sabi nya at sinalo ako. Napakapit ako sa batok nya at pinilit na tumayo.
"are you okay? gusto mo buhatin na kita?" saad nya. Hindi pa man ako nakakasagot nang ilagay nya ang braso nya sa likod ko at ang isa naman sa hita ko at binuhat na nya ako.
"you should rest" bulong nya at naramdaman ko nalang na lumakad na sya.

Hindi pa man kami nakakalayo ay naramdaman kong tumigil sya habang buhat nya ako.

"what happened?!" tanong ng isang lalaki at bakas sa boses nya ang galit. Bahagyang lumingon ako at nakita ko na lamang si Rod na nakatayo malapit sa may hagdan at masama ang tingin sa amin.

"she's not feeling well" malamig na sagot ni Deigo at mas humigpit ang pagkakahawak sakin kaya ganun rin ako.

"let me carry my wife" malamig na sabi nya at binawe ako mula kay Deigo at ngayon, buhat na nya ako.

"Deigo" mahinang pagtawag ko at lumingon sa kanya pero tumalikod na si Rod at hinatid na nya ako sa taas.  Nang makapasok kami sa kwarto ko ay malakas na hinagis nya ako sa kama. Mas lalo akong nakaramdam ng hilo at nasusuka na rin ako.

"anong ginawa nyo?!" sigaw nya at nanlilisik ang mga mata. Napasapo na lamang ako sa noo dahil sa sobrang sakit ng ulo ko tapos magagalit pa tong kasama ko.
"dadating ka dito na amoy alak tapos magpapabuhat ka pa kay Deigo?! hindi mo na ako nirespeto!" sigaw nya at mahigpit na humakaw sa braso ko.

Agad ko naman syang tinulak at dali-daling nagtungo sa banyo at hindi ko na napigilang sumuka. Halos lahat ng nakain ko kanina nilabas ko lang ngayon. Kulang nalang pati mga organs ko lumabas.

"a-are you okay?!" Yung kaninang galit ay napalitan ng pag-aalala at kaba.. Hinagod nya ang likod ko at kumuha rin sya ng tubig para painomin ako.

"here drink this" saad nya. Matapos kong sumuka at binuhat na nya ako at dahan-dahang hiniga sa kama. Nakapikit parin ako dahil sa hilo at masama talaga ang pakiramdam ko. Lintik na alak yun. Isang baso lang naman eh.

Your Deadly Kiss Where stories live. Discover now