CHAPTER 5

243 10 2
                                    

Habang naghahanda ako ng damit ko ay bigla namang pumasok si manang Belen at may dalang paper bag.

"good morning ma'am"
"hello po...ano yan?"

"umm binili po ni sir Rod pinapabigay sa'yo ma'am"
"manang naman, ilang beses ko ng sinasabi sa inyo na wag nyo'kong tatawaging ma'am, Imee nalang" nakangiti kong sabi

Nahihiya talaga ako pag tinatawag na ma'am, dyos ko ang bata ko para tawagin ng ganon tapos mas matanda pa ang tumatawag sakin ng ganyan.

"eh ma'am yan ang sabi ni sir Rod samin eh na ma'am ang itawag sa inyo"

"basta wag nyo'kong tatawaging ma'am, ako ang nahihiya sa inyo eh para nyo na akong anak kaya Imee nalang ho" tumango naman sya at
sabay kaming napatawa

"hija masakit pa ba sugat mo?"

"hindi na po, magaling na po at mawawala na din 'to"

"hija naman wag ka kasing lumalaban kay sir Rod, alam mo namang hindi mo sya kaya...ikaw lang ang masasaktan nyan"

"pero sumusobra na po sya" mahinang sabi ko

"wala tayong magagawa, kami nga eh nag iingat nalang kasi dati nung bago kapa lang dito napakahigpit nya samin...sabi nga ng isa naming kasamahan na parang hawak daw ni sir Rod ang mga buhay namin"
medyo natawa sya sa kanyang sinabi

"tumatakas din po ba kayo?"

"umm hindi naman"

"bakit po? natitiis nyo ba ang ugali ng taong yun?"

"nasanay na kami...at tsaka hindi naman sya ganyan dati eh, napakabait ng batang yun, pero lumipad papuntang espanya at nagbago lang sya simula nung nawala si Don Francisco" saad nya na ikinatahimik ko

mabait?

"hija  pakisamahan mo nalang ang asawa mo, nasaktan lang sya sa pagkawala ng ama nya"

"manang matanong ko lang po ah...sino ba talaga ang pumatay kay Don Francisco?"

"hindi ko alam, pero karamihan sa mga tauhan dito tinutukoy sina Anton daw at Susan"
"pero hindi po yun magagawa nila mama at papa" saad ko
"hija  hindi natin alam, wala tayo dito nung nangyari yun kaya walang may makapagsasabi kung sino ang tunay na may kasalanan"

"eh kayo manang, naniniwala po ba kayo sa kanila?"

"hindi, kilala ko ang mga magulang mo...mababait sila at mabuting kaibigan kaya alam kong inosente sila at napagbibintangan lang"
ngumiti lang ako sa kanya at napayuko

"ohsya maligo kana, ihahatid ko nalang mamaya ang pagkain mo"

"wag na manang, ako nalang po pupunta sa baba"
napatingin naman sya sakin

"wag po kayong magalala, hindi na po ako tatakas, promise" saad ko at tinaas ang kamay ko
"oh sige, hintayin ka nalang namin"
Pagkalabas ni manang ay naghanda na ako para maka ligo.

Pagkatapos ay inayos ko muna ang sarili ko bago lumabas ng kwarto.
Nakasalubong ko naman si Rod na nakakunot noo at halatang galit.

anyare dito?

"san ka pupunta?"

"umm s-sa baba kakain" utal na sagot ko. Tumingin lang sya sakin at linagpasan na ako, kaya nagpatuloy lang ako sa paglakad papuntang kusina.

"nako hija, dapat hinatid ko nalang sa taas...baka mamaya magalit pa sayo yun eh dumating na parang galing sa away" mahinang sabi ni manang,
napangisi ako ng bahagya

"ayos lang manang, kakain lang naman ako eh at hindi na ako tatakas"
ngumiti lang sya sakin

"oh kain na, tawagin ko lang si sir Rod"

Your Deadly Kiss Where stories live. Discover now