It's been a week pero simula nung nakauwi kami galing Italy ay hindi ko na ulit nakita si Rod. Hindi sya umuwi dito sa bahay at ni anino nya di namin naramdaman. Kahit si Deigo ay hindi rin alam kung nasaan ang pinsan nya."hija, tara na kain na tayo" Pagtawag ni manang kaya agad akong bumaba at nagtungo na sa kusina.
"wala pa po ba si Rod?" Tanong ko at umupo na."wala pa rin eh, sige na kumain ka na" Saad nya at hinanda na ang pagkain. Tahimik lang ako habang sumusubo. Nag-aalala na ako kay Rod. Baka kung ano nang nagyare sa kanya at hindi parin sya umuuwi. Or baka naman, iniiwasan nya lang ako? Pero bakit naman? May ginawa ba ako?
"si Deigo po?" Tanong ko.
"kaaalis lang papunta sa trabaho, baka mamaya pa yun uuwi" Sagot nya at nagpatuloy na sa pagkain.
Inubos ko nalang ang pagkain ko at nagpaalam nang umakyat sa kwarto. Ang boring, gusto kong lumabas at magligaliw. Pero kanino naman ako magpapaalam? Hindi naman papayag si manang kung ako lang mag-isa.
Dahil hindi naman ako makalabas, ay nagbasa nalang ako ng libro para naman malibang ako kahit papano.
Pagsapit ng gabi ay hindi ako makatulog. Pasado alas onse na ng gabi pero buhay na buhay parin ang diwa ko at hindi pa ako inaantok. Iniisip ko parin ang asawa ko kung, nasaan sya, maayos lang ba sya, at kung uuwi pa ba sya.
Miss ko na sya. Sobra.
Pinunasan ko ang luha na hindi ko mapigilang tumulo. May kasalanan ba ako? Anong ginawa ko?
~
Pagkagising ko ay mugto na ang mata ko kakaiyak kagabi. Naisipan ko namang maghilamos muna bago magtungo sa baba at magpatimpla ng gatas. Sana naman mamaya ay umuwi na si Rod.
"nako dalian nyo na dyan! baka maabutan kayo ng ulan" Rinig kong sigaw ni manang mula sa labas. Nagtungo naman ako dun at nakita ko na lamang yung mga malalaking box na kinakarga ng mga tauhan papasok ng bahay.
"oh Imee, gising ka na pala, may gatas na dun bagong timpla" Saad ni manang nang makita akong nakatayo sa likod nya. Nagtungo na kami sa kusina at napatanong naman ako tungkol sa mga box na nasa labas.
"manang ano po ang mga yun?" Tanong ko at umupo na sa dining.
"ah yung mga box ba? mga gamit ata ni sir Rod, pinadala nya sa mga tauhan nya" Sagot ni manang na ikinakunot noo ko.
"so wala pa po sya?" Tanong ko.
"wala eh, hindi naman sinabi kung kelan sya uuwi" Tugon nya na ikinabagsak ng balikat ko. Ininom ko nalang yung gatas ko at hindi na ulit nagsalita pa. Pagkatapos ko ay nagtungo na ako sa sala at naupo lang muna sa couch.
Napansin ko namang pumasok ang isang lalaki na tauhan ni Rod malamang. Puro itim ang suot nya at naka sombrero pa. Ganito ba talaga silang lahat? Nagulat naman ako nang pagbaba ng aking tingin ay nakita kong may dala itong malaking baril.
Napaatras pa ako ng upo dahil sa takot. Bat may baril syang dala dito sa bahay? Nilagpasan lang nya ako at nagtungo na sya sa loob.
Ano bang meron?
"manang!" Pagtawag ko kay manang at dali-daling pumunta sa kusina.
"oh bakit?" Tanong nya at nagpunas ng kamay matapos maghugas.
"bat may mga baril ang mga tauhan dito?" Takang tanong ko na ikinanlaki ng mga mata nya. Agad naman nya akong hinawakan at hinila.
"wag mo nang intindihin yun, magpahinga ka nalang sa kwarto mo ha" Deritsahang sabi nya at hinatid na nya ako sa kwarto ko.
"pag may kailangan ka, tawagan mo lang ako" Dagdag nya bago isara ang pinto. Naiwan akong nakatayo at nakakunot noo. Ang weird. Ano bang nangyayari?
YOU ARE READING
Your Deadly Kiss
RomancePaalala: Magulo ang kada chaps at hindi naaayos, kaya kung tinatamad kayong mag adjust, wag nyo nalang basahin. Imee, a young lady who was forced to marry a heartless man just for the sake of her family, little did she know that it will change her...