Kabanata 3
DALAWANG linggong hindi nagpakita sa akin si Lavin.
Sa University naman ay iniiwasan niya rin ako at kapag pumupunta siya sa bahay ay palaging wala ako. Si Kuya Lexus na ang naghahatid-sundo saakin.
Nasasaktan man at gustong magtanong kay Kuya kung nasaan si Lavin ay hindi ko na lang ginawa.
All of my life, nasanay na akong palagi siyang nariyan, in fact mas malapit pa kaming dalawa kaysa sa kapatid ko. Lexus just love me so much. Pero iba si Lavin.
Lavin was my brother and my bestfriend. Tutor at tagagawa ng mga projects ko noong nasa high school pa ako. And whole lot more.
Nagbuntong-hininga ako at tinuon na lang sa lupa ang paningin. Imagining Lavin's face on the soft, green grass. I smiled at myself na parang tanga. Pero mabilis ding naglaho at napalitan agad ng lungkot.
I miss him so much.
Bakit niya ba ako iniiwasan? Anong ginawa ko?
KASALUKUYANG pinapasok ko ang ibe-bake kong cookies ng marinig ko ang paghinto ng isang sasakyan sa harap ng bahay namin. May kung anong kilabot ang naging dala niyon.
He's here!
I'm sure that it was Lavin! Tunog pa lang ng sasakyan niya ay kilala ko na. And I wanted to reprimand myself sa pagso-somesault ng puso ko.
I drew a deep and calming breath bago lumabas ng kusina patungonsa sala. Kasalukuyang naliligo ang kapatid ko kaya ako lang ang makakapag bukas ng gate.
"Xena?" Pumasok na sa loob si Lavin matapos kong pagbuksan. Nag angat ako ng tingin at binigyan siya ng matamis na ngiti. And he did the same, he smiled at me.
"Are you busy, babe?" He asked, umiling naman ako. "Where's Lexus?
"Naliligo." Sagot ko.
Nagsalubong naman ang kilay niya. "Well then, prepare yourself. Ipagpapaalam lang kita sa Kuya mo. I'll take you for a ride." Saka niya ako iniwang nakatulala.
I smiled foolishly.
NAPAHIGPIT lalo ang pagkakayakap ko sa bewang ni Lavin nang mas binilisan niya ang pagpapaandar sa motor niya.
I wanted to scream in joy but we're in a public place. Nanginginig ang tuhod ko dahil sa lamig. Inihilig ko na lang akong ulo sa likod ni Lavin. Ang bango bango niya.
Very manly!
Wow! Saang dictionary ko naman nakuha ang adjective na description iyan?!
Muntik na akong mapahagukhik. Nabawasan na ang takot ko dahil narinig ko siyang tumawa. This is my first time to ride a bigbike!
Bumaba ako ng itinigil niya ang sasakyan sa tapat ng isang magandang puno, ay may makikita ding malinaw na lawa, at makikita roon ang bilog na buwan. Peace. That's the first thing that I had in my mind.
Ito ang farm ng pamilya nila. Puno ng mga tanim na palay at kung ano ano ang makikita sa bukid na ito. At dito niya ako dinala sa malapit sa treehouse nila.
"Babe."
May kung anong kiliti ang hatid tinig niya. I smiled.
Umupo ako sa bench na naroon sa ilalim ng puno. Pinagmasdan ang mga bituin sa kalangitan. Napaka payapa ng langit, mga maningning na bituin nagbibigay kulay sa mga titingin. Malamig rin ang hihip ng hangin.
"L-Lavin?" He caressed my soft cheeks while staring at into my eyes. Walang emosyon sa mga mata niya. As if they were hooded. Fire followed the trail his fingers were making. Napalunok ako. "L-Lavin?" My voice was dancing in warm delight.
BINABASA MO ANG
Finding Peace In The Missing Piece
RomanceAlexena Alaina Miller had always a secret love for Lavincent Atlantius Sevilla, her brother's charismatic and kind-hearted friend. Lavin often visited their home, and every time he did, Xena's heart fluttered with unspoken emotions. Despite her feel...
