Chapter 33 - Brother

25 6 0
                                    

CHAPTER 33 - Brother

Pinaghahanap ako nina Kuya Lexus at nakita nila ang sasakyan niya na itinakas ko malapit sa labas ng subdivision.

Pinagalitan ako ni Kuya Lexus pero pinigilan siya ni Ate Lyxa kalaunan. Sigaw kasi siya ng sigaw!

Kung dala ko lang phone ko malamang na hindi nila ako maaabutan at matatawagan ko si Kuya Dryx at don magpalipas ng gabi sa kanila.

"Anong pumasok diyan sa ulo mo at bigla bigla ka na lang umalis ha?" Tanong niya ng padabog kong binuksan ang pinto ng kwarto ko.

Kinuha ko ang cellphone ko na naka charge at iniwasan ang tanong niya.

"Xena!" Tawag niya ulit tila malapit ng sumabog.

Tumingin ako sa kanya na luhaan ang mata.

Nanlambot ang kanyang ekspresyon at tumabi saakin. "Anong problema? Tell me." He softly asked.

"T-tinatanong p-pa ba yan K-kuya?" Nahihirapan kong sambit sabay hagulhol sa balikat niya. "B-bakit? B-bakit ganon?" Pumikit ako ng mariin ng yakapin niya ako ng mahigpit.

"I'm sorry Xena. I shouldn't have invited him, but he's my friend you know, and it's rude if I invite our friends except him but that's not an excuse and I'm really sorry, I know you feel the discomfort and I really think you already moved on." He said while caressing my hair.

"Y-yun nga K-kuya eh!" Hindi matigil ang hikbi ko pero marami akong sasabihin na matagal ng namamalagi sa dibdib ko. "A-akala ko okay na. Pero hindi pa pala. Ang tagal na no'n! Okay kami ni Harvey, maayos lahat tapos akala ko naka get over na ako pero no'ng nakita ko siya, traydor 'tong pusong 'to! Ang bilis ng tibok, yung pakiramdam ko parang tatalon ang puso ko at sa lahat ng sakit na dinulot niya sakin ganon pa rin ang nararamdaman ko."

"You really love him, Xena." He said.

Tumango ako. "Tuwing may mga babaeng lumalapit sa kanya no'ng high school pa tayo palagi akong nagagalit sa kanya."

Kuya Lexus laughed. "That explained kung bakit ka masungit palagi."

Ako pa?

"Tapos no'ng malaman ko namang girlfriend niya na si Trina, talagang–"

"Lumevel up ang kasungitan mo." Dugtong niya at tumawa ulit.

Ako pa talaga?

"Mahal ko si Lavin, matagal na. No'ng nalaman kong iniwan siya ni Trina sa mismong kasal nila don ko napagtanto na mahal ko pa rin siya." I said at pinahid ang luha sa pisngi.

"How about Harvey? Don't you think he deserves the truth?"

I sighed. "This is really difficult Kuya. I really don't know what to do."

"At first, I didn't like Harvey for you not because of himself, but because your eyes are telling me that someone is already in your heart. Remember that love and debt of gratitude is different." He said.

"Utang na loob nga lang iyon? I really care for him, Kuya."

"You care for Harvey because you used to be with him, that's the difference on how you feel about Lavin. Always choose your heart but with intelligence. Sa ginagawa mo kay Harvey parang pinipigilan mo na rin siyang makilala yung babaeng para sa kanya. Think about it Xena. It's about time to finally chose yourself nang walang iniisip na balakid." He said.

Tumango ako. Sinasabi niya pa lang alam ko na kung sino ang nasa isip at puso ko. I want to give him a chance without telling him I'm giving it.

"Ikakasal ka na." Pagbasag ko aa katahimikan namin kanina pa habang nakasandal ang ulo ko sa balikat niya.

"Hmm."

"I was thinking about your wedding, Kuya." I said.

"Ayaw mo pa ba akong ipamigay?"

"It's not like that, but–"

"Kaya lang?"

"I don't know." I shrugged. "It's new to me. After all these years, iiwanan mo na ako and I need a lot of adjustments." I said.

"But you've grown up, Xena. Tsaka na kaya mo nga akong iwanan dito when you studied in france. You will getting married soon, too. At the age of twenty-seven, nasa marrying age ka na. You can build a family with whoever you choose between the two dick." Ha laughed.

"Are they even coming home? Parang sa hospital na sila nakatira ah?" Pagtukoy sa magulang namin.

"Hayaan mo sila." Sabi niya at parehas kaming natawa.

"Ano yon?" Tanong ko dahil pakiramdam ko may gusto pa siyang sabihin.

He sighed. "You've changed a lot. Ang bilis mong lumaki, pakiramdam ko hindi na ikaw yung makulit na bata na inalagaan ko noon."

"Duh, lumilipas ang panahon Kuya, and I've learned how to grow. And don't expect na maging bata ako habang buhay, you should take the change seriously."

"Tsk. I already announced your arrival in the employees. They're expecting to see you as soon as possible."

"At ano? Naghihintay na ba ang tambak na trabaho sa'kin?"

"Yup, matagal na silang naghihitay sayo! Pero tinatapos no'ng isa pang naghihintay sayo!" He laughed.

"What?"

"Yeah, Lavin is doing your work. Pinaayos niya agad ang opisina mo do'n." Kuya Lexus said.

"You don't expect me to work in the middle of christmas, don't you?" I sarcastically said at him.

__________________

Dumaan ang pasko at mga ilang araw na maayos ang pakiramdam ko. Siguro ay dahil sa comfort na binigay sakin ng kapatid ko. It really made me happy, palagi kaming nag aaway pero nandiyan siya sa panahon kailangan ko siya.

My parents did the same. Alam na nila na si Lavin ang dahilan kung bakit ako umalis ng bansa but despite the truth hindi sila nagalit kay Lavin, because they understand his situation that time.

Alam ko ang tama, I want make this right as soon as Harvey arrives.

"What's your name baby?" I asked my nephew while were playing at my room.

I'm stressed but happy at the same time. Ganito pala yon, nakakapagod pero masayang mag alaga ng bata. Lalo na pag ganitong ka-cute at gwapong baby.

"Luwibi Dekus Anson Mier." He said.

I clapped my hands and laughed.

It's Luigi Dreixus Anderson Miller. Ang dudurog siguro sa puso ng maraming babae.

I knew I didn't changed tulad ng sinasabi ng kapatid ko.

____________________

Happy reading my Twilights! 💚✨

Finding Peace In The Missing Piece Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon