Chapter 12
Pagkaalis ni Daddy ay nagkulong ulit ako sa kwarto ko, I even have a hard time to convince him that I'm fine here alone but then, matigas ang ulo ko at pinilit ang gusto ko.
I really can't believe it. Sa mismong kaarawan ko sila magpapakasal. What an advance gift it is, right?
Hindi man lang ba tumutol si Lavin? Paano naman ako?
With that question, napatakip ako sa aking mukha at napahagulhol.
Sa sabado ang alis namin patungo sa France, bago matapos ang 1st semester ay sisiguraduhin ko munang mataas at maayos ang grades ko para maayos akong makapasok sa University sa France. I know it would be hard for me pero pipilitin ko para makalayo sa sakit na dinudulot sakin ni Lavin.
Dalawang araw akong hindi pumasok. Walang katao-tao sa bahay kundi ako lamang, pero minu-minuto akong tinatawagan at tine-text ni Kuya Lexus.
Papasok na ako bukas dahil midterm exam na namin bukas, I make sure that I will get a high scores and make myself to the top para hindi na mahirapan pa si Daddy na humanap ng papasukan ko sa France.
Nakapag impake na rin ako, at isang maleta lamang ang dala ko, puro mga libro naman ang laman niyon at bilang lang sa kamay ang binili kong mga damit.
Hindi ko alam kung bakit walang luhang lumalabas sa mata ko kahit na naiiyak ako, tingin ko naubos ko na lahat, namanhid na rin siguro ako. Hindi ako tinatawagan o pinupuntahan man lang ni Lavin, pero ayos lang, naiintindihan ko iyon. He needs to take care of Trina and their baby. At alam kong abala na rin siya sa kasal niya kaya bakit niya pa ba ako iisipin, di'ba?
Sa mga kaibigan ko naman ay si Nia lang ang nakakaalam kung bakit wala ako ng dalawang araw. Pumupunta siya rito pagkatapos ng klase at may dala palaging ice cream. And that makes me feel better, for now.
"Xena, are you sure about this?" Seryosong tanong ni Nia at naiiyak na, tumango naman ako sa kanya. "Why? You don't have to do that! Nandito naman kami! Bakit ka pa aalis?! Ha?" Humagulhol naman na siya. OA.
"I really want to stay, you know. But I feel like I'm losing myself. I need this, to stay away from him is the only thing I have in my mind and I think this is better than being a martyr. Hindi ko kaya, Nia. Ang makita siyang ikasal sa iba ay hindi ko kaya." I said, hinawakan ko ang kamay niya. "I hope you understand that. My decision is final, Nia. I'm sorry." I sighed.
"You don't have to say sorry, you're hurt and if you think this is the best way to move on then, I will support you no matter what happens." She said and wipe her tears then she hug me so tight.
"Thank you, Nia. Ikaw na lang ang bahalang magsabi kina Ethan ha?" Nabasag ang boses ko sa pagkakataong ito at napaiyak na ulit.
KINABUKASAN. Maaga akong nagising dahil may test kami mamaya, nagsalamin ako at nang makita ang repleksyon ko sa salamin ay may parte saaking naaawa sa sarili at may parte namang masaya para sa sarili. I can go through this.
Nagpuyat ako kagabi para mag review, at confident ako sa sarili ko dahil alam kong makakasagot ako sa mga test kahit na hindi ako umattend ng klase ng dalawang araw.
Kumain lang ako ng tinapay para sa umagahan at lumabas na ng bahay. Susunduin ako ni Daddy ngayon, dahil ibibigay ko pa sa kanya ang mga papeles ko para sa mga kailangan para makaalis ng bansa.
"Good Morning, nak. Nag breakfast ka na? Do you want to eat before your exams?" Bungad saakin ng aking ama pagkapasok ko sa sasakyan.
"Yes Dad, I'm full, but a black coffee will do." I said and put on the seatbelt.
"Sure." He smiled at me. Hindi na nagtanong kung bakit ganito ang mata ko.
Nang makaorder na si Dad ay umalis na din kaagad kami at nagmaneho na siya papunta sa University. He kissed my cheeks before he left, then I walked alone while sipping on my coffee. May dala rin akong makapal na index card na puno ng reviewers ko at binabasa ko habang naglalakad ako.
Papasok na ako sa building ng PolSci ng may tumawag sakin. Napangiti agad ako ng makita ko si Shan.
"Good Morning, Ms. Beautiful!" He greeted and he jokingly bow his head like I'm a highness. Natawa ako.
"Loko, good morning din Mr. Handsome!" Bati ko din.
"Okay ka na? Two days rin yon ah?" Tanong niya at balak pa yatang makipag chismisan saakin at ihatid ako sa room namin. "Wag mo akong tawanan Xena, okay ka na ba? Alam kong exam niyo na pero pag hindi na maganda ang pakiramdam mo tawagan mo ako, ihahatid na kita sainyo, okay?" Seryoso niyang pinagmasdan ang mukha ko.
"Yes po, Doc." Biro ko at nawala na rin ang pagkaseryoso sa mukha niya. "Engineering ka pero parang med student ka." Sambut ko at patuloy kami sa paglalakad.
"Concern lang po Atty. Miller, lunch tayo mamaya? Libre ko." He said
Napatawa ako ng malakas, alam niya nang hindi ako sasama pag hindi libre. "Sure, uubusin ko laman ng wallet mo."
"Sige ubusin mo, lagot ka kay Mama." He pouted.
Puno ng tawa ang umaga ko dahil kay Shan, at sobrang na appreciate ko iyon, marunong pa pala akong tumawa noh? Akala ko kasi puro sama na ng loob ang meron ako. May karapatan pa pala akong sumaya? Akala ko rin kasi pinagkait na sakin yon.
Nang nakaakyat kami sa 3rd floor at tumapat na kami sa room ko, doon na siya nagpaalam at doon rin ako dinumog ng mga blockmates ko.
"Uyyy!!! Si Xena may love life na!" Kutya ni Ethan.
"Aysus, nahabol sa pasko!" Sigaw pa ng mga lalaki sa likod.
"Tantanan niyo ako!" Sigaw ko
"SHAXEN for the win!!!"
"Habol pa ang hahabol!!!"
"Sige habulin natin mga requirements natin!!!!"
"Ikaw lang maghahabol!"
"Lahat tayo maghahabol!!!"
"Hindi kami aso!!!"
"Pwes mukha kang aso!!!"
Umupo na lang ako sa likudan at tumabi kay Nia. Sobrang ingay sa room namin at mukha yatang hindi na ako makakapag review.
"Ano? Okay ka na?" Tanong ni Nia at pinagmamasdan ako ng maigi.
"I don't know. Just this morning, Shan makes me feel better at sana tuloy-tuloy na." I sighed.
"EXCUSE ME POLSCI CLASS 1!!!" Sigaw ng isang Prof na napadaan sa room namin. "Napaka ingay niyo! Rinig na rinig ko ang mga boses niyo sa entrance pa lang ng building! Who's your scheduled Prof at this time?" Pagsusungit saamin.
"Prof Catillo po." Sagot ng ilan.
"Be quiet until your Professor came in. Your disturbing another class." Sabi ng Propesor bago umalis. Marami ang takot kay Prof Catillo, hindi namin alam kung bakit. Mabait naman, strict lang when it comes to recit.
Being busy at acads makes me forget my problem at the moment, but this is reality, hindi pwedeng takasan na lang.
______________________
A/N: Sorry po at natagalan ang UD naging busy sa school, and this is a short update of the story, hope you like it!✨
![](https://img.wattpad.com/cover/347790105-288-k906778.jpg)
BINABASA MO ANG
Finding Peace In The Missing Piece
RandomAlexena Alaina Miller had always a secret love for Lavincent Atlantius Sevilla, her brother's charismatic and kind-hearted friend. Lavin often visited their home, and every time he did, Xena's heart fluttered with unspoken emotions. Despite her feel...