Chapter 43 - Grocery

24 5 0
                                        

Grocery

Pagkatapos ng trabaho ko ay pinaasikaso ko na kay Shiela ang ibang appointment dahil nagkataong sabay-sabay ang meeting ko kanina. Hindi naman siya mareklamo at katulad nga ng sabi ko.

Hindi makabasag pinggan.

Nag message sa'kin si Nia na makikipagkita daw siya sakin dahil may gusto lang daw siyang ipa-consult na kaso.

Kaya pupunta ako sa opisina ni Lavin para magpaalam. Ala-sais pa lang naman kaya sigurado ay nagtatrabaho pa iyon.

"Bye Attorney!" Hiyaw ni Sherwin saakin, kinawayan ko siya bilang pagbati na din. "Mauuna na ako Atty. Lazaro!" I said.

Pumasok ako sa elevator at pinindot ang floor kung nasaan ang opisina ni Lavin. Ilang saglit lang ay bumukas na ito.

Taliwas sa opisina ni Kuya ang kay Lavin. Kung ang bubungad sayo sa opisina ng kapatid ko ay yung magandang fountain yung kay Lavin naman ay mga empleyado na nasa cubicle nila.

"Good Evening Attorney!" Bati ng ilang empleyado sakin.

"Good Evening din sainyo." Bati ko din.

"Ahh, si Sir Lavin po ba?" Tanong ng kanyang sekretarya na lalaki.

Tumango ako. "Yup."

"Kanina pa po silang umalis tanghali, Attorney."

Sila? Sinong kasama niya?

Kumunot ang noo ko. "Saan nagpunta?" Tanong ko. Hindi man lang nag message saakin!

"Sa site po sa Taguig, kasama po si Architect Pia." He said.

Tumango ako pero nakakunot oa din ang noo. Ang lalaking iyon! Sabi sa'kin sabay kaming uuwi!

"Tatawagan ko po ba si Sir?" Tanong niya.

"What's your name?" Tanong ko.

"Henry, Attorney." He said, para siyang sundalo alam niyo yun? Yung parang palaging sumasaludo.

"Henry, pakisabi diyan sa amo mo hindi ako uuwi sa kanya ngayon!" I said, nagagalit ako pero nasabi ko pa rin iyon ng mahinahon.

Tila ba narinig iyon ng mga empleyado kaya paglingon ko sa gawi nila ay nagsibalikan sila sa kanilang mga trabaho.

Kasama pala si Pia ah.

Hindi ako nagagalit dahil don, nagagalit ako dahil ang sabi niya ay sabay kaming uuwi at ipagluluto niya pa daw ako tapos malalaman kong umalis pala siya at hindi man lang nagpaalam.

Oo, may kasama na rin na selos kasi harap harapang inamin sa'kin ni Pia na may gusto siya kay Lavin and wala akong problema don, ang problema ko lang ay yung lapit siya ng lapit kahit alam niyang merong ako.

Nagtext kaagad ako kay Nia kung saan siya pupunta. Sa condo ko sa BGC dahil malapit lang ang location niya don.

Kaagad kong pinaharurot ang kotse ni Kuya Lexus na ipinahiram niya sakin dahil kuripot siya at ayaw akong ibili though mas prefer ko na mismong pera ko ang ipangbibili ko.

Dumaan muna ako sa market para bumili ng mga kailangan sa iluluto kong sinigang dahil paborito iyon ni Nia at mag grocery narin para sa basic needs ko sa araw araw.

Mamaya pa naman daw siya pupunta dahil nasa byahe pa siya galing sa seminar niya. Kaya mahaba pa ang oras ko.

Habang nagtutulak ako ng lush cart ko ay may nakita akong pamilyar na likod ng lalaki! Kasama niya ang nakangiting si Pia at namimili silang dalwa.

Ano toh? Akala ko nasa site?

"Bhe halika, may nakita akong sugar daddy!" Bulong nitong mga college student sa likudan ko, sinundan ko naman ang tingin nila at don nakatingin sa boyfriend ko!

Finding Peace In The Missing Piece Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon