Chapter 11
APAT na araw nang hindi pumapasok si Trina. Kapag naman tumatawag ako ay palagi niya akong binababaan.
Pauwi na sana ako, naalala kong kailangan kong dumaan sa faculty room para i-confirm sa professor namin ang tungkol sa report ko bukas.
Inaayos ko lang ang mga gamit ko at pagkatapos ay aalis na rin. Sobrang ingay sa room namin at parang may giyera. Yung iba naman ay nagtatalo sa harapan ng white board at doon sinosolve ang kinginang equations na iyon.
"Xena, nandyan na ang sundo mo! Labas na." Sigaw ni Liam na nasa pinto.
Doon ako napalingon. Nandon si Shan at nakangiti saakin. Naka black polo siya na naka tuck-in sa black slacks niya, paired with white shoes. Gago ang gwapo. Naka salmin din siya ngayon at may dalang libro.
"Wag ka nang babalik!" Sigaw ni Ethan.
Tinaboy naman ako ng mga kaklase ko at pinagsarhan pa ako ng pinto! Mga traydor.
"Hi?" Bati niya.
"Hello, Shan. What are you doing here?" I asked.
"Sinusundo ka?" He laughed. "May pupuntahan ka pa ba?" He asked, at kinuha ang laptop at mga librong hawak ko.
"Nakakahiya, may dala ka na oh." Turo ko sa tatlong makakapal na libro.
"Hindi naman mabigat toh. Just let me." Pilit niya pa.
"Sige, sabi mo eh. Dadaan pa muna ako sa faculty, okay lang?"
"Sure."
Pinagtitinginan naman kami ng mga taong nadadaanan namin, pero wala na kaming pakialam don.
At nang nasa harapan na kami ng faculty ay kumatok muna ako bago pumasok.
"Excuse me, Sir."
Napaangat ito ng tingin saakin. "O, Miss Miller! Is there anything I can do for you?"
"Ico-confirm ko lang po kung tuloy ang report ko po bukas."
"Definitely." He said while reading my report
"Miss Miller, kaibigan mo si Miss Trina Hidalgo, right?" Tanong ng isang propesor na babae.
Napatango naman ako.
"Kumakalat ang balitang buntis siya. At ang ama raw ay taga Engineering Department, a certain Mr. Sevilla. Do you know him."
Pakiramdam ko'y binuhusan ako ng malamig na tubig. My face turned pale, as if I was going to faint.
Nagpatuloy ang propesor na babae. "Nagtataka akong sa batang iyon, nagiisang anak pa naman. Ang balita ko pa ipapakasal ni Mr. Hidalgo ang dalawa. But what I don't know is kung handa ba naman yung lalaki sa responsibility niya-"
Napalunok ako. I summoned all courage na hindi isigaw sa mukha ng propesor na tigilan na ang tsismis. But the information was factual.
Nanghihina naman na akong nagpaalam dito.
"Hey, Xena. What happened? Rejected ba?" Salubong saakin ni Shan.
"Can we go home now? I'm sorry, I'm tired." Mahina kong sabi at tumango naman siya at hindi na nagsalita.
KUNG paano ako nakauwi ay hindi ko na alam. Nagpunta ako sa kwarto ko at nagkulong. Pagkahiga ko sa kama ay doon ko binuhos lahat ng sama ng loob ko.
Umiyak ako ng umiyak, hindi ko alam kung sinong sisisihin sa nangyari.
Lord! I wanted to die at the very moment! Buntis si Trina at si Lavin ang ama! Paano kong tatangapin yon!
Napahagulhol ako ng iyak, nagsisikip ang dibdib sa sama ng loob. Pakiramdam ko ay pinarusahan ako ng napakabigat, though I didn't deserve this kind of punishment.
Mahal ko si Lavin, and perhaps will love him till my dying day. Ikakasal na siya sa iba. Sa sarili ko pang kaibigan! At hindi ko magagawang ipaglaban tong pesteng pagmamahal na ito sa kasalukuyang sitwasyon.
Not with Trina expecting a baby. Hindi ko kayang pagkaitan ng ama ang isang inosenteng sanggol. It would be selfishness on my part.
With that thought, I cried again. This time uncontrollably!
KINAGABIHAN. Puktong-pukto ang mata ko. At kapag tinitingnan ko ang sarili ko sa salamin ay naiiyak na naman ako. Hindi na maubos ang luha ko nakakaiyamot. Ang sakit! Ang sakit sakit!
My brother was calling me but I always declined it. Nasa Manila siya ngayon dahil may event sila doon. Kaya siguro siya tumatawag kasi nalaman niyang ikakasal na ang kaibigan niya.
Nagbukas naman ako ng message sa phone ko.
Kuya Lavin:
Xena!Kuya Lavin:
Answer my call!Kuya Lavin:
Xena! Ano ba!Kuya Lavin:
Wag mong hintaying makauwi ako.Kuya Lavin:
Xena, please hang up!Kuya Lavin:
I'll beat up Lavin for you,Kuya Lavin:
Xena, mahal ka ni Kuya huh? Alwys remember that. No matters what happens I'm always on your side. Be brave, okay? Uuwi ako bukas. I love you!Naiyak na naman ako. Tangina. Ano ba!
Nianna Jane:
Xena, I'm here. I love you!Shandrell:
Good Evening, Xena. Hope you feel better now:)Isang text lang nila, bumuhos na naman ang mga luha ko.
Napasabunot ako sa sarili kong buhok. Wala na talagang katapusan ang luhang ito! Masakit na ang mata ko pero ayaw pa ding tumigil.
Kinuha ko ang selpon ko at tinawagan ang numerong alam kong kaya akong ilayo sa lugar na ito. I want out of this!
Sa pangatlong ring ay sinagot na niya ang tawag.
"Hello?" Tugon nito sa kabilang linya.
"D-daddy!" Napahagulhol ako at napaupo sa sahig.
"Xena? Hey? What happened?" He paused. "Are you alright? Xena? Susunduin kita, where are you?" Sunod sunod niyang tanong.
"N-nasa b-bahay po." Sagot ko at ibinaba naman na ang tawag.
Naghintay lang ako sa ama ko sa may couch namin, wala naman akong magawa kundi tumulala sa kawalan.
Ilang minuto pa ay dumating na ang hinihintay ko at narito na sa harapan ko. He looked really worried at me. He wipes my tears and hold my hands.
"Anong problema?" Tanong niya na nakapagpahagulhol ulit saakin, niyakap naman niya ako doon ako umiyak sa balikat niya.
Ganito pala ang pakiramdam nang isang aruga at pagmamahal ng ama, ganito pala ang pakiramdam na may masasandalan ka sa mga panahong kailangan mo ng masasandalan, ganito pala.
"Napag-isipan ko na po iyong sinabi niyo. Sasama po ako sainyo sa france, ayoko na po dito, ilayo niyo po akp dito." Napapailing akong umiyak sa kanya.
"Are you sure? Naipagpaalam ko na ito sa Mommy mo at hindi naman siya tumutol. Pero ikaw na ang bahalang magpaliwanag sa kapatid mo huh?" Hinaplos niya ang buhok ko at muling niyakap. "Kung sino man ang dahilan ng pagiyak mo ngayon, I'm sure that he'll regret this." Bulong pa nito.
I can't imagine myself being a bridesmaid of my bestfriend and my lover's wedding.
Ikakasal na sila sa isang linggo, ganon kabilis ang mga pangyayari, nasa social media ng ina ni Trina ang mga detalye sa kasal nila, at ang mas nakakaiyak pa rito ay sa mismong birthday ko pa ang kasal nila!
BINABASA MO ANG
Finding Peace In The Missing Piece
RandomAlexena Alaina Miller had always a secret love for Lavincent Atlantius Sevilla, her brother's charismatic and kind-hearted friend. Lavin often visited their home, and every time he did, Xena's heart fluttered with unspoken emotions. Despite her feel...