Chapter 49 - Taste

3 3 0
                                    


WARNING : SPG| R18

Naiiyak akong tumawag kay Mommy na nasa new york.

"Oh my God! Magkakaapo na ulit ako! Alexander! Come here! Your lovely daughter is pregnant!" Sigaw niya. "Sinong doktor mo? I will recommend you to my friend! Alam na ba ito ni Lavin?" Sunod sunod niyang tanong.

Umiling ako kahit hindi nila nakikita. "Si Dra. Mendes po ako nagpatingin." Sabi ko.

"That's good! How's your baby daw ba?"

"The baby is fine."

"Are you okay? May mga symptoms ka na ba?" Tanong niya. Nasa backseat naman ako habang nagdidrive si Shiela.

"I'm fine, nahihilo at nagsusuka lang po." I said. "Shiela diretso tayo sa mall." Utos ko kay Shiela.

"Bakit hindi mo pa sinasabi kay Lavin?" Biglang sumulpot si Daddy.

I sighed. "This is secret, Dad, okay? I will surprise him in his birthday this week."

Humalakhak ang ama ko. "That's a good idea!"

"Take care Xena, don't stress yourself too much, eat nutritious foods, also take some vitamins. Uuwi rin kaagad kami ng Daddy mo!"

"Yes po."

"May cravings ka ba or you want something? I'm sure Lavin can provide." Dad laughed at my Mom.

"TEN thousand seven hundred eighty four pesos po Ma'am." The cashier smiled, inabot ko naman ang card ko. Bumili ako ng laruan para kay Lui dahil bibisita ako. Nasabi na din ng parents ko sa kapatid ko ang pagbubuntis ko. 

Kumain muna kami ni Shiela sa ice cream parlor. Naka ilang scoop yata ako pero hindi ko talaga mapigilan ang pagkain.

"Ang sarap talaga pag libre!"

Natawa ako. "Ako ilibre mo next time ha."

"Pagnakaluwag ako Attorney! Tsaka balita ko po tumulong po kayo sa homicide case? Kaya po pala wala kayo! Sikat talaga ang pangalan niyo ngayon!" Her eyes twinkled.

"Hindi naman." Sabi ko. Slight lang naman hindi naman ako si Taylor Swift para gastusan ng milyon para sa concert at lalong hindi naman ako si Satorou Gojo para hanapin at iyakan ng marami.

"Sus, pahumble pa talaga si Attorney!"

"THANK YOU. Shiela! Dagdagan ko na lang sweldo mo ah? Thank you so much." I said before going to Lavin's office.

"Ahh, may meeting po si Sir Lavin, Attorney." Bungad saakin ng sekretarya niya.

Tumango ako at doon naghintay sa labas ng opisina niya. Umupo ako sa upuan at sa tagal na naghintay ay nakatulog ako.

Nagising lang ako dahil sa ingay.

"Sorry Sir, hindi na po mauulit." Rinig ko ang boses ng sekretarya ni Lavin.

Kinusot ko ang mata ko, napaigik na lang din ako dahil masakit ang leeg ko. Tumayo naman ako at nilapitan ang galit na boyfriend ko. "What's wrong, Lavin?" Hinawakan kp siya sa braso at hinila sa loob ng opisina niya.

Kumunot ang noo niya. "Kanina ka pa do'n?" Mariin niyang tanong.

Tumango naman ako at ngumiti sa kanya. "Yup! May meeting ka kasi kaya hindi muna ako pumasok, tapos inantok ko." Sabi ko.

He sighed. "Tsk."

"What?" Natawa ako at nahimas ang masakit na parte ng leeg ko! Dapat pala humiga na lang ako do'n!

"Sit." Utos niya saakin na para bang aso niya ako! Pero agad naman akong sumunod sa kanya. Umiling siya ng naupo ako sa harapan ng kanyang lamesa. "In my lap, Xena." He gazed.

Finding Peace In The Missing Piece Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon