Chapter 44 - Case

19 4 0
                                        

Case

Pagkatapos kong magluto para sa pagdating ni Nia ay naligo na muna ako dahil wala pa naman siya.

Kanina pa ako naghihintay pero wala pa din. Natapos na akong maligo at lahat ay wala pa rin kay ang text na ako.

Me:
Nasaan kana? Bili ka Ice Cream ah.

Binuksan ko na ang tv dahil bagot na bagot na ako kahihintay. Narinig ko na lang na bumukas ang pinto ng unit ko at bumungad doon si Nia na may dala ngang ice cream tsaka maleta?

Mukhang pagod na pagod siya at pabagsan na umupo sa sofa. "Nakakapagod! May pagkain ka diyan?"

Tumango ako. "Oo, kanina pa kita hinihintay, tara at nagluto akong sinigang."

Sumunod siya saakin at naupo sa may dinning area habang ako ay naglalagay ng plato at mga kutsara.

"Problema?" Tanong ko.

"Madami."

"Spill the tea."

Pinagsandok ko siya ng kanin at paborito niyang sinigang.

"Yung bwi–"

"Stop, nasa harap tayo ng pagkain." Sabi ko.

She laughed. "Yung senior ko kasi! Sakin binibigay halos lahat ng mabibigat na trabaho, homicide, murder, at marami pa!"

"Baka masyado lang nagagalingan sayo?" Sabi ko at natawa.

Sumimangot siya. "Ang epal mo." At sumubo siya ng pagkain. "Sarap ha, ikaw nagluto?" Tanong niya.

"Malamang. So ano next na happenings?"

"Eto nga yung Senior ko nakainitan ko sya sa review center! Natapunan ko kasi ng kape! Nag sorry naman agad ako, tapos kanina lang sa trabaho sinumbat niya sakin yung kape na natapon sa libro niya!"

Bi ef ef talaga kami! Parehas kaming may kwento sa kape!

"Anteh kung ako din yung lalaki, baka nasampal na kita! Libro tatapunan ng kape? Tapos pa'no kung law books yon? Akala mo ba pinupulot lang basta iyon?" Sermon ko.

"Ehh nag sorry naman ako eh! Kaya ko naman iyong palitan ng bago kaso nagsungit at inenglish pa ako sabay walk out pa!"

"Dapat nag effort ka pa din na habulin."

"Xena, alam mong hindi ako naghahabol." Masungit niyang aniya.

Natawa ako. "Weh? Naalala ko si Ma'am Castro noon, di'ba hinabol mo iyon? Absent pa, yan bumagsak ka tuloy."

"Hoy iba ang acads life sa love life noh!" Singhal niya.

"Ehh gwapo ba naman yang lalaki?" Usisa ko, baka end game zila, like enemy to lovers.

Natigilan siya. "Oo… pero antipatiko! Feelingero pa! Hinarangan ba naman ako sa office tapos kung ano ano ang binubulong!"

"Oh, gwapo naman pala eh, plus points na pagiging matalino."

"Bhe wag mo akong igaya sayo! Wala akong Kuya Lexus at Lavin na sasapak sa kanya pag niloko niya lang ako! Siguro si Tatay, hahabulin sila ng itak!"

Parehas kaming natawa.

"Kamusta na nga pala si Tatay Nern?" Tanong ko, nakalimutan kong padalhan ng pasalubong!

"Ayun, maayos pa din! Masigla pa sa akin."

Natapos kami ng pagkain ay hinugasan ko ang pinagkainan namin habang siya naman ay naliligo.

Dito daw muna siya saakin dahil may hearing siya na dito gaganapin sa maynila, eh sa batangas siya nakadistino.

Finding Peace In The Missing Piece Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon