Chapter 45 - Favor

18 4 0
                                        

CHAPTER 45 - Favor

Sinamahan ko si Nia sa presinto para magpiyansa. Naawa ako sa matanda dahil hindi makalakad ng maayos, inalalayan namin siya sa makapasok sa kotse ni Lavin na pinahiram niya.

"Ang kotse ko, Xena."

Natawa ako tuwing naaalala ko na paulit ulit niyang sinabi bago siya umalis.

"Lolo, uuwi tayo sainyo okay?" Tanong ni Nia habang nagmamaneho ako.

Umiling ang matanda at umiyak. Nangilid ang luha ko.

Nakakuha kami ng ilang mga ebidesiya na nagpapatunay na walang kinalaman si Lolo Antonio. Magdamag kaming nagtrabaho. Pumunta sa kung saan saan at ilang beses na rin nasigawan ng ilang tao dahil sa pangungulit namin. Nakakapagod ang trabaho pero kung iisipin mong may nakatayang inosenteng tao, you will really fight no matter what it takes. Nag iisa sa buhay at iniwan na ng mga anak, patay na ang asawa at nagbebenta ng mga candy ang hanapbuhay. Imagine? Paano nila nasisikmura ang gumawa ng ganoong bagay tapos idadamay ang walang muwang na tao?

Sa kalagitnaan ng gabi ay tumawag si Kuya Dryx. Wow! Sa ilang buwan ko dito sa pinas ngayon lang siya nagoaramdam!

"Hey, Xena. Are you busy? Can we talk?"

"Kuya! Yeah I'm busy but sure, saan ba?" Tanong ko.

"Coffee shop, malapit sa place mo."

"Okay."

Parang boses nangangailangan ng pera? Huhu wala ako non.

Magtigil ka nga Xena! Mas mapera pa yan sa'yo!

Baka may problema lang sa babae? Kasi naririnig ko may dine-date siyang fashion designer ayy pak sino ka diyan.

"Aalis ka?" Tanong ni Nia.

"Oo, nakikipagkita si Kuya Dryx. Kaya mo na ba?"

Ilang araw na din kasi akong hindi pumapasok sa opisina at kay Shiela natatambak ang trabaho ko.

"Yupp, kayang kaya na, ikaw ba naman ang tumulong ehh, thank you so much talaga, Xena. I really don't know what to do kung wala ka." She said and embraced me into a tight hug.

"Sus! Goodluck sa hearing bukas! You can do it!" I cheered. "Sige, aalis na ako ah? Matulog ka na. Okay?" I said at kumalas sa pagkakayakap.

Tumango naman siya. "May sasabihin nga pala ako pagkatapos ng trial bukas bago bumalik ulit sa batangas." She said parang something important talaga.

"Sure." Sabi ko bago isuot ang hoodie ko, naka short lang ako kaya natabunan iyon ng hoodie pero palagi naman akong ganitong magsuot dahil nakasanayan na sa france.

Dala ang cellphone at wallet ko ay nag tsinelas na ako at lumabas na. Pumasok ako ng elevator na papasara na sana buti na lang naharang ko ang kamay ko. May kasabay akong babae, siguro college student, naka salamin at may dalang mga libro.

Nakikita ko na pinagmamasdan niya ako. I smiled. "College student?" I asked at ang mata ay nasa numero kung anong floor na kami.

Tumungo siya. "Yes, Ma'am."

"Why are you staring at me?" Friendly kong tanong at sinamahan ko ng mahinang pagtawa.

Tila nagulat pa siya. "Ahh.. ano… I'm sorry po! Nakikita ko po kasi kayo sa mga magazines at article! Nagagandahan lang po ako sainyo! Pasensya na po! Hindi ko po sinasadya." Sabi niya.

Mabilis niyang sabi kaya ang naintindihan ko lang ay maganda ako! HAHA

"Oh? Really? Thank you! You're pretty too." I smiled at her.

Finding Peace In The Missing Piece Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon