CHAPTER 22 - Family Dinner
"Good Day, Dad! Auntie! Kuya Dryx!" Masaya kong bati sa kanila pagkapasok ko sa dinning area.
Hinatid ako kagabi ni Harvey na halos madaling araw na kami nakauwi dahil pinilit ko pa siya na mag stay roon sa bundok kung saan niya ako dinala.
"Good mood ah?" Ngumisi si Dad.
"Of course, life is good." I smirked back.
"Anong oras ka na umuwi? Huh?" Masungit na sabat ng magaling kong pinsan.
"Ikaw? Sinong kasama mo kagabi? Huh?" Pabalik kong tanong at pinagtaasan siya ng kilay.
"Mamaya na yan. Kumain na muna kayo." Saway ni Tita Glyn.
Hindi naputol ang titigan namin ni Dryx. Mas inasar ko siya dahil nakita ko siya kagabi sa labas ng gate may kasamang babae.
Sumandok na ako ng kanin at baka malate pa ako mamaya. Susunduin daw ako ni Harvey kaya maaga akong nagising.
And as usual, naka formal attire na naman ako. Wearing my favorite pairs of black heels na birthday day gift saakin ni Lavin nong nag college ako.
I sighed. I think it's not bad naman.
"Where have you been Xena? Late ka na umuwi." Tanong ni Dad.
"I'm on my date, Daddy." I simply said.
"Really?" Biglang lumiwanag ang mukha niya. "Tell me, it's Harvey? Right, hija?" Pinunasan niya ng table napkin ang kanyang bibig at binigyang atensyon ako ngayon.
"Yes Dad. He's courting me and I will formally introduce him to you and Mom over dinner later." I smiled at him.
"Ohh that's nice hija. I'll cancel my meetings for that, I'll reserve–"
"He already did, Dad." Agap ko.
Nakapagpa-reserved agad si Harvey sa isang resto, hindi naman halatang excited siya.
"Ma'am Xena, nandyan po yung kaibigan niyo sa labas, hinihintay po kayo." Aniya ng katulong.
"Let him in, Linda. Thank you." sabi ni Auntie Glynda.
Tumayo kaagad ako para samahan si Linda sunduin sa labas si Harvey.
Napangiti ako ng matanaw ko ang nakasandal na si Harvey sa kanyang kotse. Naka white polo shirt siya na naka tucked in sa kanyang slacks partnered with white shoes. Ayy pakshett. Ang gwapo niyang tingnan sa suot niya though palagi naman siyang gwapo lalo na kapag ganitong maayos ang kanyang mahabang buhok.
He smiled and give me a bouquet of flowers. "Good Morning, my highness." He said.
"Sweet naman niyan, doc." Napatawa ako at tinanggap ang bulaklak. "Tara sa loob. Did you eat your breakfast?" Tanong ko.
"Yup." Maikli niyang sagot. Tumingin ako sa kanya at napatawa. "Why?" Nagtataka niyang tanong.
"You look pale, are you okay?" Tanong ko at hinawakan ang noo niya, hindi naman siya mainit.
"I'm fine, Xena. Just nervous, your Dad…" He said.
"What? He won't bite you naman. Mahigpit ba magturo ha?" Tanong ko.
"Kind of." He chuckled.
"Don't worry, boto yon sayo, favorite ka pa nga eh." I winked.
Sumimangot siya. "Your just saying that para mawala ang kaba ko."
Tumawa ako.
"Oh? Harvey!" Sumalubong si Dad saamin at agad niyakap si Harvey.
"Doc! Good Morning po." Magalang namang bumati si Harvey. Tapos pag ako ang kasama napaka bolero at ukitero naman.
BINABASA MO ANG
Finding Peace In The Missing Piece
De TodoAlexena Alaina Miller had always a secret love for Lavincent Atlantius Sevilla, her brother's charismatic and kind-hearted friend. Lavin often visited their home, and every time he did, Xena's heart fluttered with unspoken emotions. Despite her feel...