Chapter 48 - Suspicion

11 3 0
                                    

CHAPTER 48 - Suspicion

Pagbukas ko ng cellphone ko ay tadtad ako ng tawag mula kay Lavin.

Nakalimtan kong magpaalam dahil sa nalaman ko. Nag message kaagad ako na magkita na lang kami sa condo niya.

Hindi ko alam sa kapatid ko kung bakit ba niya hindi sinabi saamin, lalo na saakin. I understand him but this is my problem! Bakit palaging nangingielam? I can handle my own, at naging dahilan pa nga iyon ng away nilang mag asawa!

Hindi ako galit sa kapatid ko, naiinis lang ganon.

Pagdating ko sa condo niya nakapasok agad ako dahil alam ko ang passcode at may card din ako, pati nga susi eh incase na hindi gumana ang passcode.

Pagkabukas ko nga ay sumalubong saakin ang galit na ekspresyon ni Lavin at nakapamewang na nakatitig lang sakin.

I smiled at yumakap sa bewang niya. "Sorry…"

"Where have you been, Xena?" Mahinahon ngunit may diin niyang tanong.

Hindi ako humiwalay sa kanya at mas hinigpitan ang yakap. "I'm so sorry… Lavin…" I sobbed, tinago ko ang mukha sa matigas niyang dibdib.

He sighed and tightly hold me. Lumakad kami sa sala habang magkayakap pa rin. Inupo niya ako sa sofa. Tumungo ako para itago ang mukha ko na may umaagos na luha.

Naramdaman ko ang kamay niya sa paa ko at tinanggal ang heels ko at pinalitan ng malambot kong bunny slippers na binili niya para raw hindi ako naka-tapak na pauli-uli sa condo niya. Mas lalo lang akong naiyak.

How dare me to let go a man like him? He's so caring and responsible, bakit ko nga ba siya ulit iniwan? Tangina, tama… dahil sa kaibigan kong traydor! She ruined everything! Kung sana ay naging maingat ako sa pagtitiwala edi sana maayos ang lahat! Sana walang nasaktan at sana walang nawala.

"Babe…" he cupped my face para tingnan ako sa mata. I see his concerns and love, the sincerity and understanding. "I punched your brother, is that fine with you? Or we can do more?" He asked at pinahidan ang luha ko ng walang halong pandidiri.

Natawa ako ng konti naiyak ulit. "Kasi naman eh… akala ko kaibigan ko… natin, yun pala…" tumigil ako sa pagsasalita para sumagap ng hangin.

"Shhh… stop it, Xena. Your tears are not worthy of her, she'll rot in hell for doing that to us. Hmm?" Niyakap niya ako ng mahigpit.

Ilang oras kaming ganoon ang ayos hanggang sa unti-unti ng pumipikit ang mga mata ko, because of his comforting embrace.

"GOOD MORNING, babe." Pagmulat ko ay tumambad saakin ang nakangiti at gwapong mukha ni Lavin.

Bumangon kaagad ako at nagkusot ng mata, tsaka ko lang napansin na naka tube lang ako at pany! Anong nangyari kagabi?!

Tumawa ang katabi ko. Nagtaas ako ng kilay sa kaniya. "What?" Naiinis kong baling.

"Naka long dress ka kagabi, what do you expect me to do?" He grinned. "Get up there woman, late na tayo sa trabaho mag breakfast ka na." Sabi niya bago naiiling na umalis sa kwarto.

Tsk.

At dahil nandito naman halos ng damit ko kaagad akong nagbihis pagkatapos maligo. I walked in his walk-in closet na ako na halos ang sumakop. Hehe.

I'm wearing my white v-neck pleated maxi dress. I like this dress kasi hindi siya masyadong revealing sakto ang haba na hindi tataas sa tuhod pero hindi din sobrang haba.

I blow dry my hair bago maglagay ng perfume at powder tas konting liptint ayos na, perfection.

"Alexena Alaina, let's go." Ayon na ang kanina pang naghihintay na si Lavin, typically wearing his business attire. Suguro inaalis na lang ang coat pagpupunta sa site tas magpapalit ng safety shoes.

Finding Peace In The Missing Piece Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon