Chapter 13
Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakikita si Lavin. Hindi ko maintindihan kung tinataguan niya ba ako o talagang busy siya sa pag-aasikaso ng kasal nila ni Trina.
Para akong tanga kakaisip kung anong sasabihin o gagawin ko kapag nasa harap ko na siya. Sasampalin? Mumurahin? Sasapakin? Tatadyakan? O iiyak na lang sa harap niya?
Ang hirap talaga pag walang label, umaasa na lang talaga sa wala. Ilang araw na lang aalis na ako, at ilang araw na lang ikakasal na siya.
"Xena? Uyy? Natulala ka diyan?" Inabot sakin ni Nia ang ice cream at naupo sa tabi ko. Nasa harap kami ng soccer field kung saan palaging naglalaro sina Lavin. "Siya na naman? Move anteh, move on kahit walang label." Biro niya and I glared at her, she just laughed.
"Wag mo nang ipamukha sakin, alam ko naman yon. Pero sana man lang kinausap niya ako di ba? Tapos bridesmaid pa ako sa kasal nila, ayos ah?" Natawa na lang din ako sa sarili ko.
"Baka hindi talaga si Lavin ang para sayo, maraming lalaki diyan na mas gwapo don, nandyan si Shan! O dun pa lang swerte mo na."
"Heh! Tigilan mo ako." Siniringan ko siya at bumalot nga ang katahimikan saaming dalawa.
"Xena." Pagbasag niya sa katahimikan.
"Hmm?" Sinenyas niya ang likod ko.
When I looked at my back. There was a guy I was waiting for, my tears began to fell like a waterfalls.
"Sige, maiiwan ko na kayo." Paalam ni Nia.
Umupo naman sa tabi ko si Lavin. "X-Xena..." His voice trembled when he called my name. Matiim lang akong nakatungo at handang pakinggan ang sasabihin niya.
"I-I'm so sorry." His words make me cry even more. "I'm really sorry, alam kong hindi sapat ang paghingi ko ng tawad, I love you and you know that but... S-Si Trina, she's p-pregnant-"
"Ilang araw akong naghintay!!!" Parang sumabog lahat ng hinanakit at sama ng loob ko.
"I'm so sorry, Xena. I just-"
"Ilang araw akong naghintay! Naghintay ako na magpakita ka, pero wala! Para akong tanga kahihintay sa taong hindi ko naman sigurado kung may balak pa bang magpakita sakin! Ano ba? Imbis na ikaw ang magpaliwanag ang magpaintindi ng lahat ay sa mga chismis ko pa nalaman! At ano? Tangina Lavin, ginagawa mo akong tanga. Alam kong wala namang tayo pero sinabi mo mahal mo ako di ba? Umasa ako don. Pinanghawakan ko iyon. Kasi yon na lang ang kinakapitan ko, yung salita mo. Ginawa mo akong tanga! Ginawa niyo akong tanga!" I cried even more.
"I'm really sorry Xena-"
"You don't have to apologize, Lavin." I cut his words off. "Hindi mo ako responsibilidad, si Trina ang girlfriend mo at kahit sinabi mong mahal mo ako, hindi non mababago ang lahat, Lavin." Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili. "P-pero, bakit naman umabot sa ganito? Ang sakit mo namang mahalin, ito pala yung kapalit nung sandaling masasaya nating oras? Sana hindi na lang, sana hindi na lang kita minahal, sana hindi na lang kita nakilala sana-"
"Xena! Hindi ko ginustong mangyari ito!"
"At sa tingin mo ba gusto ko rin na mangyari toh? Huh? I hate you Lavin." I said and looked into his eyes. "Let's stop this stupid thing, ayoko na."
"Don't make things hard for me, hmm?" Hinawakan niya ang braso ko pero tinabig ko iyon at tumayo. He let his tears fall as he trying to hold me.
"I am making things easier for you, Lavin. Marry, Trina and everything will be fine." Labag sa loob na sabi ko.
"Please Xena, don't do this to me, I love you! Mahal kita, mahal na mahal, please, don't leave me..." He pleaded, at lumuhod sa harapan ko at niyakap ang mga binti ko.
BINABASA MO ANG
Finding Peace In The Missing Piece
RandomAlexena Alaina Miller had always a secret love for Lavincent Atlantius Sevilla, her brother's charismatic and kind-hearted friend. Lavin often visited their home, and every time he did, Xena's heart fluttered with unspoken emotions. Despite her feel...