Sa gitna ng malamig na simoy ng hangin at mga ilaw na nagliliwanag sa dilim, naglakad ako pauwi kasama si Harvey pagkatapos ng simbang gabi. There's a lot of people and I really miss this kind of event. Every Christmas for the ten years I have been with Harvey or Auntie Glynda. Nakakapanibago makihalubilo sa ibang tao.
Hinawakan ni Harvey ang kamay ko na nagbibigay ng konting init sa malamig na gabi. Kanina niya pa din yan hawak, para namang mawawala ako.
Ang liwanag ng mga parol at ilaw sa mga bahay ay nagbigay ng kakaibang saya sa puso ko, isang ramdam na di ko maipaliwanag.
Ang simbang gabi ay hindi lamang simpleng pagsimba para sa akin, chance rin ito para muling magbukas ng ating puso sa mga blessings dala ng Pasko.
Bar exam lang po, okay na!
"Are you sure?" Tanong niya.
Tumango at at ngumiti. "Ayos lang Harvey, tsaka first christmas natin toh na hindi magkasama noh! Bawing bawi ka sa'kin ng 10 years!" Sabi ko.
He chuckled. "Sure ka ah? Babawi ako sa new year!" Sabi niya.
"Mas mahalaga ang pamilya noh, tsaka baka sabihin ni Tita Haven inaagaw na kita." Biro ko, napakabait ng parents niya sakin, nag offer pa ang Papa niya tulungan ako mag ready para sa bar exam dito next year.
Puro abogado ang pamilya ni Harvey at siya lang talaga ang naligaw ng landas.
He laughed at inakbayan ako. "Yeah, nagrereklamo din si Mama minsan pero malakas ka dun."
"Sus!" Inakbayan niya ako at masaya kaming naglakad.
Ngunit biglang naging mabilis ang tibok ng aking puso nang makita ko si Lavin at isang babae na hindi ko kilala na nauunang maglakad saamin.
Kadarating ko lang at ito ang bubungad sakin?
Ang kanilang mga mukha ay hindi ko maaninaw masiyado pero alam ko at ramdam ko kung sino ang lalaking ito sa harap namin. Hindi ko alam kung ano ang kanilang ginagawa roon, kasi madilim pero ang sigurado ako ay may something sa kanila?
Hindi ko mapigilang hindi magtaka at mag-isip ng mga bagay-bagay.
Bakit may kasamang babae si Lavin? Sabagay, kung iiwan ako ng isang tao sa araw ng kasal namin ay ganyan din ang gagawin ko, siguro masyado siyang nasaktan sa ginawa ni Trina.
Ang mga tanong sa aking isipan ay hindi mawala-wala habang naglalakad kami patungo sa aming bahay.
Mas lalo akong nagulat ng halikan siya nong babae! What the freaking hell?
"Don't look at them, Xena." Bulong ni Harvey sa tabi ko.
"Kalalabas lang nila ng simbahan tapos ganyan?" Sabi ko.
He just laughed.
Pinili na lang naming tumahimik habang patuloy kaming naglalakad. Ang katahimikan ay nagbigay-daan sa aming pagpapasya na huwag munang magtanong o makialam sa ginagawa nila. Gross.
Ang mga kalyeng aming pinagdaanan ay tila humahantong sa aming tahanan pero ang aking isipan ay nasa malalim na pagmumuni-muni. What's the meaning that Lavin? Talaga bang pinapamukhs niya sakin na naka move on na siya? Tangina niya!
Gosh! Stop that Xena! May boyfriend ka! Magka-holding hands pa kayo oh!
Sa wakas, nakarating na kami sa harap ng aming tahanan. Hindi ko alam kung dapat kong sabihin kay Harvey ang aking mga alalahanin tungkol sa nakita namin. Ngunit sa halip na magbukas ng bibig, tanging ang pagkibot ng aking puso ang naramdaman.
Huminga ako ng malalim at tiningnan si Harvey. Ang kanyang mga mata ay bumalik sa akin, puno ng pag-aalala at pagmamahal. Sa isang tingin ay alam kong naiintindihan niya ang nararamdaman ko kahit hindi ko pa sinasabi.
"Anong nangyari?" tanong ni Harvey, ang kanyang tinig ay puno ng pag-aalala at pagmamahal. Shesh, para sa'kin yon.
Nagpasya akong magsalita, upang maibahagi ang aking mga nararamdaman. "Nakita mo ba sila? Si Lavin, kasama natin kanina."
Tumango si Harvey, ang kanyang mukha ay nagpapahiwatig ng pag-aalala. "Oo, nakita ko sila. Parang mayroon silang ginagawa?."
Nilingon ko ang aming tahanan, nag-iisip kung ano ang nararapat gawin sa sitwasyon na ito. "Alam mo ba kung anong ginagawa nila? Kagagaling lang sa simbahan?!"
"Well, you cursed a lot tonight. I think it's fair." Sabi niya, hinampas ko siya at tinawanan niya naman ako. "Don't mind them Xena. Mas mabuti kung hindi na tayo makialam. Baka mayroon silang mga bagay na kailangang ayusin sa kanilang sarili." He shrugged. This guy really!
Tumango ako, nakaramdam ng kahit kaunting kaginhawaan sa kanyang mga salita. "Tsk. You're right, we shouldn't interfere with their personal things."
Nagsimula kaming maglakad patungo sa gate ng bahay namin, pero ang mga tanong sa aking isipan ay hindi pa rin mawala. Ano yon? Bakit sa harap namin?
As we entered our home, I couldn't help but think about what was going on outside. The darkness that hung over the night seemed to press against our walls, giving even the slightest chill to my chest.
The most important thing in a relationship is trust. Trust that in the end, everything can find clarity and order. What matters is the trust and love we spread to each other, even in times of uncertainty and darkness. Kampante ako na hindi ako lolokohin ni Harvey dahil may tiwala ako sa kanya.
At sana nagkaroon din ako ng assurance kay Lavin noon. Sana, pero syempre hindi na maibabalik pa ang nakaraan.
"Harvey! My dear student!" Sinalubong kami ni Daddy at inakbayan na ang boyfriend ko.
Iniwan ko na sila don sa sala at pumunta sa pamangkin ko.
Kahapon siya pinakilala sa'kin pero nahihiya yata at laging nasa likuran ng hita ni Kuya o kaya ni Ate Lyxa.
Meet my nephew, Luigi Dreixus Anderson Miller.
"Hi baby Lui! Ate Xena's here na! I have pasalubong for you." I said at umupo sa sahig katabi kung saan nakaupo siya sa mat.
"Heard that baby? Ate Xena have something for you!" Lyxa said to his son.
Tumango ang cute na baby namin! Gosh! Ang sarap pisilin ng matataba niyang pisngi! Hindi talaga maipagkakaila na anak ito ni Kuya Lexus! Parang carbon copy talaga!
Binigay ko kay Lui ang laruan na binili ni Harvey. Ngumiti ang pamangkin ko sakin at kinuha ang laruang kotse saakin.
"Xena I'll leave Lui to you, have fun medyo malikot na. I'm just going to cook dinner. Lexus also has a guest." Sabi ni Ate Lyxa.
Nagugulat ko siyang tiningnan. "What?" Pabulong kong naturan.
She laughed.
Malamang sa malamang na imbitado ang bastos na lalaking kalalabas lang ng simbahan ay may kahalikan na agad!
__________________
Happy reading my Twilights! 💚✨
![](https://img.wattpad.com/cover/347790105-288-k906778.jpg)
BINABASA MO ANG
Finding Peace In The Missing Piece
RandomAlexena Alaina Miller had always a secret love for Lavincent Atlantius Sevilla, her brother's charismatic and kind-hearted friend. Lavin often visited their home, and every time he did, Xena's heart fluttered with unspoken emotions. Despite her feel...