Chapter 1- First Love

100 12 3
                                        

Kabanata 1

"Goal! Lavin! Goal!" Sigaw ng maraming kababaihan na halos magwala at pumunta sa soccer field.

Kasalukuyang si Lavin ang nagdadala ng bola at papalapit sa goal. Binabantayan naman siya ng player mula sa kalabang department.

He approached the goal, so sure of himself, at handa na sanang sipain ang bola nang biglang sumulpot ang defender ng mga taga Computer Science Department. Nagsala ang sipa ni Lavin sa bola kaya malakas akong napahalakhak at sinabayan ko pa ng palakpak, tumunog naman ang buzzer hudyat na tapos na ang 3rd quarter.

"Hmp! Ang tanga tanga kasi!" Inis na asik ni Trina at nakapinta sa mukha ang disappointment, siniringan niya si Lavin na boyfriend niya, tinawanan ko na lang ang dalawa. Napakamot na lamang si Lavin sa batok.

"Yon ba? Don't worry, Trina. Kayang bawiin ni Lavin ang mistake na yon." I said.

"I can't decide whether you worship him o talagang bilib na bilib ka sa boyfriend kong iyon!" Nagmamaktol na sabi ni Trina.

Nagkibit balikat lang ako at tinuon na muli ang atensyon sa laro.

Ako? Bilib kay Lavincent Atlantius Sevilla? For heaven's sake! Gusto kong pangilabutan.

Napatingin naman ako sa scoreboard, lamang ng isa ang Engineering Department. Kung na ipasok ni Lavin yung bola kanina edi sana wala sa peligro ang department nila. Hayst.

I closely watched him play. At muntik na akong mapasigaw dahil naagaw niya ang bola. Malinis na malinis. Sabay takbo sa designated goal at pinasa kay Kuya Lexus ang bola. Maraming humarang kay Kuya Lexus kaya pinasa niya ulit ang bola kay Lavin.

Malayo ang bantay ng kabilang department kaya malaya niyang nasipa ang bola, dahilan para magsigawan ang lahat.

"Oh, Lavin! I love you!" Napatayong hiyaw ni Trina.

I rolled my eyes.

Kanina lang ay minumura niya!

Kung ako yan...

What the hell Xena!?

Kung ako yan lalayasan ko yan!

"XENA, ang bag ko." Nakangiwi kong tiningala si Lavin dahil sa tangkad niya at binato sa mukha niya ang towel. Saka isinaksak ang bag niya sa matigas niyang dibdib. "Ayan!" Bulyaw ko.

"Ba't may topak ka na naman?" Tanong niya saka binalingan ang girlfriend niya na pinupunasan siya. "Ano na namang problema ng kaibigan mo? Nanalo naman kami ah!"

Matamis namang ngumiti si Trina sa kaniya. "Don't mind her, love. Kilala mo naman yang si Xena, laging mainit ang ulo."

Ewan ko ba! Naiiyamot ako sa relasyon nila? Or naiinggit lang ako sa kanila?

"Teka nga pala, nasaan si Lexus at Lyxa nang makauwi na?" Tanong ni Lavin sa'kin.

"Ha? Kala ko ba mag mamall tayo?" Paalala ni Trina.

"Tria, pagod na pagod ako, ilang ektarya na ang natakbo ko kanina." Palusot ni Lavin.

"Can you please stop being maarte, Lavin?" Nabubugnot kong sabi. "Nasa labas na iyon kasama si Lyxa."

Nauna na akong tumayo at lumakad palabas ng field. Matagal akong nag intay sa labas ng naka park na sasakyan ni Lavin kasi ang pusta ko ei naglalandian pa ang mga kasama ko. Sigurado din akong malapit lang sila Kuya Lexus at Lyxa, baka nandon sa malaking puno naka tambay.

And of course, I didn't want to interfere. Third wheel na naman ang role ko sa mundo kung ganon. Lantang lanta talaga ang love life ko, hindi ko alam kung bakit. No, alam ko pala kung bakit, kasi ang tingin sakin ng kapatid ko ay bata pa ako kaya hinaharangan niya mga nanliligaw sakin.

Naiinis akong sumandal sa kotse ni Lavin, ng bigla akong tamaan sa mukha ng mamasa-masang tuwalya. Kahit mabango ang towel at mabilis ko iyong tinanggal sa mukha ko at binato kay Lavin.

"O, babes, naiinip ka na? Uwi na tayo?" Nakangising binuksan niya ang pinto ng sasakyan at pinapasok si Trina sa backseat. Nanggigigil kong tiningnan ang impakto tsaka pumasok at tumabi kay Trina.

"May gagawin ka ba mamaya?" Tanong ni Trina.

"Marami. Sobrang dami." I sighed.

"Ah ganon ba? Sayang, isasama sana kita sa mall ei, next time na lang pag wala ka nang ginagawa." She said.

I'm really very stressed out. I'm suffering very badly with my mental health.

Halos masubsob ako nang biglang nagpreno si Lavin. "Ano ba?!" Nanlilisik ko siyang tiningnan. Tinawanan lang nila akong dalawa.

Nakababa na sina Lyxa at Trina sa kabilang subdivision kaya kami na lang tatlo nina Kuya Lexus ang andito.

Bumaba si Lavin at pinagbuksan ako ng pinto. "Sorry, Babe. Can you cook for me? I'm hungry." Hinimas pa niya ang tiyan niya.

Siniringan ko siya. Palaging ganito pag may laban sila, dito siya kumakain sa bahay kaya sanay na ako. Natuto naman akong magluto nong grade 9 ako dahil cookery ang napasukan ko.

Pumasok na ako sa bahay na nabuksan na ng kapatid ko. Sinundan niya pa ako hanggang kusina. Inusisa ko ang laman ng ref namin, at mayroong baboy at mga panlahok sa sinigang kaya iyon lang ang lulutuin ko.

I wear the apron at naghugas ng kamay, bago hiwain ang mga sangkap. At hindi ko alam kung bakit naiilang ako, hindi ko alam kung bakit nanginginig ako sa paghihiwa. Nag angat ako ng tingin at sinalubong ang tingin ni Lavin. Nag iwas ako ng tingin at pinagpatuloy ang paghihiwa.

Tahimik lang siya habang pinapanood ako'ng magluto hanggang sa matapos na, at nag volunteer naman siyang mag handa ng mga plato't kutsara.

"You'll make a good wife, Xena, you know?" Pagbasag niya sa katahimikan. Inilapag ko na ang niluto sa lamesa. "And you've grown up, babe! Kaya lang..."

"Why don't you just shut up?" Singhal ko.

Natawa siya. "Naglambing ka naman. But really, babe, talo ang ganda mo kanina sa tabi ni Trina." He said.

Tangina? Mahal kita pero tangina ka! "E, ano? I don't give a damn kung sinong mas maganda samin. What more? Beauty is in the eye of the beholder. And one more thing, I don't need your opinion."

"Oh? Really?" Pang-iinis niya pa.

Kung hindi lang siya kaibigan ng kapatid ko, malamang at nasampal ko na siya sa inis. "Kuya! Ano ba?! Tapos na kong magluto at lahat hindi ka pa tapos maligo?" Sigaw ko, sa tapat ng hagdan para marinig niya.

"Wait! Magbibihis na ako." Sigaw niya pabalik.

Silence filled the dining area, walang umibo saamin hangga't wala pa ang kapatid ko.

"Sorry, natagalan. Let's eat." Ayon sa wakas at dumating na rin ang katatir ko.

Pinag-sandok ko sila ng kanin, bago ako kumain.

"Ang sarap! Pwede ka na talagang mag asawa, Xena!" Lavin said.

"No, bro! Hindi pa pwede, ayoko." Naiiling na sabi ng kapatid ko na tinawanan ko na lang.

Nagkatitigan kami ni Lavin, na parang may tinatago kami sa kapatid ko.

Lavin was my first love. I love him. But this is wrong, loving him is really wrong. First of all, boyfriend siya ng bestfriend ko, tapos, kaibigan siya ng kapatid ko which means na kapatid lang ang turing niya saakin.

Hanggang doon lang.

Finding Peace In The Missing Piece Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon