Kabanata 4
KADI-DISMISS lang ng klase ko sa Philippine Public Administration nang yayain ako ng mga ka block mate's ko sa labas, mag ce-celebrate kami dahil successful ang ginawa naming presentation.
"Xena? Let's go! Hindi pwedeng hindi ka kasama! Ikaw ang leader namin kaya dapat kasama ka!" Inakbayan ako ni Liam.
"Sasama naman ako, Liam." I laughed.
"Libre kita ah." Nia said, nagyayabang.
"Nako, Xena. Nagpapalakas lang yan dahil may gusto iyan sa kapatid mo." Sabi naman ni Jade na nagpatawa sa buong grupo, pinag-tinginan tuloy kami ng mga student na nadadaanan namin.
Pumunta kami sa isang restaurant, malapit lang sa University namin. And in my surprised, naroon din ang buong soccer team. Bigla naman akong inakbayan ni Liam at inalalayan pa akong umupo.
"Uyy!! Ano yan Liam ha?" Pang aasar ng mga kagrupo ko.
"Lagot ka mamaya." Sabi naman ni Ethan at ininguso ang table kung nasaan ang mga soccer team. "Sisipain ka mamaya." Bulaslas niya pa.
"I'm just being nice, what's wrong?" Liam denied. But my block mate still insisted that he's making a move.
Umorder na kami at nag kwentuhan muna habang wala pa ang pagkain namin. Napatingin naman ako sa katabi naming table. Nagsalubong ang mga mata namin ni Lavin kaya nginitian ko siya, pero naka kunot ang noo niya kaya nag iwas na ako ng tingin.
What? Anong ginawa ko? Pinagpawisan ako sa kung paano niya ako tingnan.
"Kanina, yung tingin nong si Prof. Panochi! Hah! Parang inaabangan niya talagang magkamali si Xena! Tapos yung tingin niya sa presentation parang humahanap ng butas!" Pabulyaw na tumawa si Niko. Tsaka natawa rin ang lahat.
Napaka strikto kasi ng professor na yon, kaya ganyan sila, parang mga baboy na nakawala sa koral!
Naramdaman kong nag vibrate ang selpon ko. I received a message from Lavin.
Lavin:
CR.Nang tumingin ako sa lamesa nila ay wala na siya. Kaya nagpaalam ako na pupunta lang sa powder room.
"Excuse me." I said.
Pagkadaan ko sa lamesa nina Kuya ay nginitian ko siya, tinanguan niya lang ako. Kinabahan naman akong naglakad na ulit. At muntik na akong mapasigaw ng bigla na lang akong hinigit ni Lavin.
Hinalikan niya ako. Nanlaki ang mga mata ko at bahagyang lumayo. "What the hell, Lavin? We're in a freaking restaurant." Bulong ko, baka may mga tao sa cubicle.
"Who's that boy? Huh?" Tinaasan niya ako ng kilay at sumandal sa sink.
"My blockmate." Sagot ko.
"Really? What's with the sweetness a while ago?"
"Ganon si Liam sa lahat ng kaibigan niyang babae, Lavin. Don't be jealous." I smirked.
"What now if I'm jealous, Xena? Don't try me." Ngayon ay siya naman ang ngumisi.
"Tsk."
"Wag mo akong ganyanin, Xena." Pagbabanta niya at pinairal na naman ang pagiging suplado niya.
"Okay, Kuya Lavin." I sarcastically said. Nang kumunot naman ang noo niya ay tumawa ako. "Bye, Kuya." Hinalikan ko siya bago umalis.
![](https://img.wattpad.com/cover/347790105-288-k906778.jpg)
BINABASA MO ANG
Finding Peace In The Missing Piece
RandomAlexena Alaina Miller had always a secret love for Lavincent Atlantius Sevilla, her brother's charismatic and kind-hearted friend. Lavin often visited their home, and every time he did, Xena's heart fluttered with unspoken emotions. Despite her feel...