Distressed
Lumabas si Lavin sa dressing room dahil magbibihis na muna ako. Agad namang lumapit ang mga babaeng model saakin at sinabing gwapo ang boyfriend ko.
I know. Matagal na.
Nangingti ma lang ako dahil sa mga papuri nila lalo na ng mga elite class na mga tao na nandito sa event. Maraming kakilala si Lavin, mga kateam niya noon sa soccer game noong college kami.
"It's been what? Eleven years? Welcome back, Xena!" Bumati saakin si Leonell na ngayon ay isang successful business man na.
"Yeah, thanks." I smiled at nakahawak ang kamay sa braso ni Lavin.
"This is my wife, Kyla meet Xena, Lexus's sister and Lavin's girlfriend. Xena, si Kyla my wife." Pakilala niya sa isang chinitang babae.
She smiled. "You're so beautiful, Xena." She said.
"Thank you, Kyla. Hindi ka naman ba naiistress diyan kay Leo?" Biro ko.
Tumawa si Lavin. "She's stress, that's for sure."
Sumimangot si Leo. "Shut up Lavin." Angil nito.
"Yes, he's a stress." Sabi ni Kyla at doon kami nagkatawanan.
Sumulpot naman ang kapatid ko kasama ang asawa.
"Oh, isa pang stress." Pang-aasar ni Lavin.
"What?" Salubong ang kilay ng kapatid ko. "Congratulations sissy, you're so amazing." Bumaling siya sakin at yumakap.
"Thanks Kuya."
"Ohh? Kyla! Long time no see!" Ngayon niya lang napansin si Kyla.
"Stop it, Lexus." Humarang agad si Leon sa asawa at hinila na iyo papalayo.
Natawa ako.
"What's wrong with that idiot?" My brother stated.
Humiwalay muna kami ni Lyxa dahil nagkumpulan na silang mga engineer doon.
"I didn't know, ang galing mong lumakad at magdala ng damit! I'm pretty sure, mabibili agad iyon." She said.
"Thank you Ate Lyxa. But are you okay?" I asked.
Natigilan siya at parang alam niya na alam kong nag aaway sila ng kapatid ko.
She sighed. "I don't know, Xena. He's been cold and distant. Hindi siya umuuwi ng bahay at kung uuwi naman ay susunduin lang si Lui para ihatid sa school." She blubbered.
What the hell Kuya!
"Kung ano man ang problema niyo, ayusin niyo. Wag niyo lang idamay ang pamangkin ko. Hindi sa nanghihimasok ako pero anong pinag-aawayan niyo?" Tanong ko.
Pumunta kami sa parking lot para walang makarinig.
"Ikaw." She muttered.
"Ako? Anong kinalaman ko?" Nagulat ako dahil hindi ko inaasahan ito! Anong ginawa ko? "Dahil ba don sa eksena sa opisina?"
Umiling siya. "Listen carefully, Xena. Nitong mga nakaraang araw ay may nagpapadala sa kanya ng sulat."
"Anong mga sulat?" Tanong ko kaagad.
"Tungkol iyon sa kaso tungkol kay Preston, natatandaan mo ba?" Tanong niya.
Tumango ako.
"Si Trina–"
"What about her?" I shrieked.
Anong meron kay Trina? Preston? Ano naman ito?
"Nalaman ng kapatid mo na magkasabwat silang dalawa sa nangyari sayo years ago sa university niyo. Napaamin si Preston at sinabing si Trina ang nagsabi sa kanya. I'm so sorry, Xena. Matagal ko na dapat itong sinabi sa'yo pero ayaw ni Lexus na masaktan ka pa but you need to know the truth, this is about you." She mumbled and hold my hands for support.
BINABASA MO ANG
Finding Peace In The Missing Piece
RandomAlexena Alaina Miller had always a secret love for Lavincent Atlantius Sevilla, her brother's charismatic and kind-hearted friend. Lavin often visited their home, and every time he did, Xena's heart fluttered with unspoken emotions. Despite her feel...