Chapter 10- Pregnant

36 11 1
                                    

Chapter 10

KINABUKASAN. Kadi-dismiss lang ng klase namin ay inaya na agad ako ni Trina sa labas. Nagtataka ko namang sinundan si Trina. She was tense at alam kong may problema siya, siguro ay gusto niyo ng irant ang problema niya sakin.

Naupo ako sa bench sa ilalim ng malaking puno na madalas naming tambayan. Hindi oa umuupo si Trina and there's a worried expression in her eyes.

"Trina, what's the problem? You can tell me, what it is?" I asked. Palakad lakad naman siya sa harapan ko, at hindi pa rin siya nagsalita. "Trina, are you alright?"

"I think I'm pregnant, Xena. Magdadalawang buwan na akong delayed... natatakot ako."

"S-sigurado k-ka?" Paniniguro ko.

"Hindi ko alam. Natatakot akong magpatingin sa doktor. What will I do? Papatayin ako ni Daddy!" Hysterically said.

Hindi magawang sumagot. Kung nanatakot si Trina, mas natatakot naman ako. Si Lavin ang ama. Hindi pwede, hindi. Pero paano kung si Lavin ang ama? Anong gagawin ko? I wanted to die right now! Ayoko sa mga naiisip ko. Hindi! Pero si Lavin ang boyfriend ni Trina!

"Xena, natatakot ako." Nanghihinang naupo siya sa tabi ko.

"I don't know what to say, Trina. Perhaps you could get married." I said. Labag na labag sa loob ko ang mga sinasabi ko pero tangina kaibigan ko si Trina, I should worry about her and the baby, I should forget myself for now.

"Pero Xena!" Napatayo siya at napasabunot sa sariling buhok.

I don't know what to do either. Namamanhid ang buo kong katawan at hindi ako makapag react ng maayos.

"C'mon, we need to confirm it." Nauna na ako sa paglalakad. I was bothered by uncertainties. Hinihiling na sana ay hindi si Lavin ang ama ng dinadala niya kasi kung si Lavin man, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Gusto kong umiyak sa mga iniisip ko pero ewan ko at namanhid ako sa nalaman ko

Isang bilyong beses akong magpapasalamt kung makaligtas sa responsibilidad si Lavin. Hindi ko kakayanin.








SUNDAY. Nasa swing namin ako sa backyard at nagrereview para sa midterm exams para bukas. I was engrossed in memorizing almost four chapter of books in Social Science about Constitution. May ilang beses kong inulit ang meaning ng reclusion perpetua ay hindi ko masaulo.

Naiinis ko namang nilaksan ang boses ko at binasa pa ng paulit ulit at halos isigaw ko pa ang meaning ng lintek na ito.

"Easy lang babe. Magagambala mo buong subdivision sa lakas ng bunganga mo."

Biglang bumilis ang tibok ng aking puso. Napalunok ako. "Kanina ka pa?" Tanong ko.

Umupo siya sa swing katabi ko. "Medyo. And I've been listening to you, gusto ko na ngang maawa sayo."

"Paano ka nakapasok?"

"Simple. Nakasalubong ko si Lavin sa gate papunta kina Lyxa. May date ang kapatid mo. Hindi pwede siya lang. Syempre ako rin."

I rolled my eyes.

Umisod siya ng umisod patabi sakin hanggang sa wala na ako halos maupuan. Muntik naman na akong mapatili nang kandungin niya ako at lumakas ang ugoy ng swing.

But my screams were suppressed nang mabilis niyang bihagin ang mga labi ko. Napayakap ako ng mahigpit sa leeg niya, allowing him to fondle me intimately.

"That was sweet!" Pang aasar niya.

Pinagmasdan ko ang gwapo nitong mukha. While he was doing the same.

"May problema ka? Parang wala ka sa sarili mo." He kissed my temple.

Na-confirm na ang hinala ni Trina na buntis siya. At hindi ko alam kung sinong mas apekyado saaming dalawa. Trina already knew she was pregnant even before we visited a doctor, confirmation lang talaga ang kailangan.

Paano nga kung si Lavin ang ama? Kakayanin ko kaya?

Sumandal ako sa matigas niyang dibdib. "Lavin, mahal mo ba talaga ako?"

"What kind of question is that?"

"And what kind of answer is that?" Mataray kong tanong.

He sighed. "Of course, Babe. I love you. I wouldn't be here if I didn't. Kung hindi, si Trina dapat ang kasama ko ngayon."

Saglit akong natigilan. Sa halip na bigyan ako ng security sa sagot niya ay mas lalong lumawak ang doubts ko. Siniksik ko na lang ang katawan ko sa kanya. And instinctively, he drew me closer.

Matagal kami sa ganoong ayos. And while he was kissing my hair, sa wakas nakabisado ko na rin ang perpetua na yon.

Tinulungan niya akong mag review at masasabi kong matalino nga ang gunggong na ito. I was memorizing the preamble at nauna niya pang masaulo iyon.

"Tanghali na pala, magluluto na ako ng lunch natin." Tatayo na sana ako pero pinigilan niya ako.

"Hindi ako makakasabay mag lunch sayo, may usapan kami ni Trina ngayon, Xena. I'm sorry." He said, at taimtim na pinagmamasdan ang mukha ko, but I just smiled at him.

"No worries, I'm cool." I said.

"I'm going to break up with her, Xena."

"W-what?"

How about the baby? No. Wag mong isipin yan kasi hindi pa naman sinasabi ni Trina kung sinong ama.

"I'm breaking up with her, para mas makagalaw na tayo ng malaya, mahal kita and I don't want you to doubt my love for you." The sincerity is evident in his eyes.

Walang mapaglagyan ng kaligayahan ko dahil gagawin talaga iyon ni Lavin para sakin, pero ang konsensiya ko ay hindi ako tigilan, paanong nagiging masaya ako despite the fact na baka si Lavin ang ang ama ng dinadala ni Trina at bakit naging ganito ang sitwasyon namin?

Baka ngayon ay magkasama na sila at baka sabihin na rin ni Trina na buntis siya. Ano na? Alam kopaninindigan ni Lavin kung ano man ang mangyari, but how about me? Did I deserve this?

Habang nagluluto ay para akong tangang umiiyak. Iiwan ako ni Lavin, Iiwanan niya ako.

Nakatulala lang ako at kung hindi pa nag ring ang phone ko ay hindi ako magigising sa isang bangungot.

It was Trina.

"Hey, Xena. Did you tell Lavin?" Ang boses ay parang kakatapos lang umiyak.

"No, I don't have the right to. It's your decision." I said.

"He broke up with me, Xena. I don't know what to do anymore. I don't have the courage to tell him, natatakot ako."

"Calm down, okay? Baka makasama pa iyan sa baby mo, ako na ang magsasabi kung hindi mo kaya." I said at ibinaba na ang tawag. Napahawak na lang ako sa sentido ko, ang tanga ko!



___________________________________________

A/N: Hope you like it! I'm doing my best to improve and please don't bash me🌷✨

Finding Peace In The Missing Piece Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon