Chapter 27 - Result

24 8 0
                                    


CHAPTER 27 - RESULT

Nasa airport ako para sunduin at salubungin si Harvey. He told me stay at my condo at mag review na lang daw ako. But wala siyang magagawa hehe.

Naka-abang lang ako sa mga bagong baba ng eroplano, kanina pa nakalapag ang eroplano pero wala pa din siya, kinakabahan ako.

Siguro ay nasa CR? Or natagalan sa pagkuha ng maleta?

Nawala ang pangamba ko ng makita siyang hila-hila ang maleta at naka winter clothes at black boots din, naka shades pa! Beh winter ngayon hindi summer.

Kumaway agad ako sa kanya at nakita ko ang pagkunot ng noo niya. Sa gwapo naman ng nilalang na ito.

Nakangiti ko siyang sinalubong ng yakap.

He laughed. "Sabi ko sa condo ka na lang eh." He hugged me tight. "I miss you so much!" He said and pinched my nose.

"I miss you too!" Sabi ko at niyakap siya ulit. "Dinala ko yung sasakyan mo, ako ang mag da-drive, no buts, no argument." I said.

He chuckled.

Sabay kaming naglakad papunta sa parking lot. I tap the key fob to unlocked the doors. Nilagay niya muna ang mga gamit niya sa likuran bago sumakay sa front seat at ako naman sa drivers seat.

"How are you?" Panimula niya.

"Duhh? I'm fine noh." Mataray kong sabi. "Ikaw? Kamusta ang duties?" Balik kong tanong.

"It's tough, really tiring." He sighed

"Kawawa ka naman" pang aasar ko.

"Sus, umiyak ka lang nong isang linggo ah?" Biro niya. "Hindi ko na kaya!" He mocked my rants last week.

"Shut up!" I said at tinawanan lang ako ng magaling.

Pagdating namin sa condo ay natulog agad siya sa kama ko. Pagod na pagod yata sa pang aasar. Kaya bago pa siya magising nagluto muna ako ng sinigang, pabiro niya kasi at saktong sakto at winter.

Sakto rin pala ang flight ko sa chritmas eve sa pilipinas! Ngayon ko lang sasabihin kay Harvey ang plano ko and I'm sure tuwang tuwa toh.

Habang naglalagay ng mixture sa sinigang nagulat ako ng biglang sumulpot ang yakap ni Harvey mula sa likuran ko.

"It smells so nice." He said at inamoy ang sinigang. "Namiss ko ang luto mo."

"Sus, nambola pa. Maglagay ka ng plato at kutsara natin!"

"Yeah, let's make this fast, you need to study." He said.

Buong hapon kami nagreview, siya ang nag provide ng review materials ko, may kape pa! Nang mag gabi naman ay pinagpahinga niya na ako para daw marelax na ang utak ko. He told to take a bath before going to bed. And it really help me to relax. He also massage my temple hanggang sa makatulog ako.

"Good Night Xena." He kissed my forehead.

Maaga kaming nagpunta sa university dahil ito na ang araw ng bar exam! I'm nervous! Maraming pulis ang nakapaligid sa unibersidad at ang exam na ito ay hindi tulad sa pilipinas na dalawang araw kukunin, isang kuhanan lang dito at maghapon kami, may time limit pa!

"Nandyan na yung lunch mo, pati yung snacks may pain reliver kapag nagka migraine ka, don't forget to drink water. Goodluck love! I know you can do this! I love you no matter what the result is." He said.

"Thank you so much Harv!" I sincerely said and hugged him tight as if I was pulling some strength from him.

_____________

Pumasok na ako sa assigned na room at naghintay ng instructor na magbibigay ng test. Nasa iisang room kami ni Ivy but it seems like she's manifesting? That girl. Tsk.

I'm feeling nervous pero nag aral ako, umattend din ako sa mga review center para may advanced knowledge na ako sa exam.

Everyone is believing in you! Wag mo silang bibiguin.

"Goodluck examiners, you have 1hour to answer the given questions, strictly no erasure." Masungit na sabi nong instructor at binigay na ang mga papel.

I can do this!

_____________

Mga alas kwatro ng hapon kami natapos at sabay sabay na lumabas, palakpakan ng mga tao ang bumungad saamin. Maraming tao doon pero ang atensyon ko ay napunta sa mga magulang ko na nakatayong nakangiti sakin at pumapalakpak.

Hindi ko napigilan ang pagluha ko at tumakbo na ako sa kanila.

Agad ko silang niyakap.

Sa wakas, tapos na.

"Congratulations nak. We're so proud of you."

"You did well, Xena."

"Mom! Dad! Thank you po for coming! It's really good to see you here." Sabi ko habang nagpupunas ng luha.

"Harvey told us! At kung hindi niya sinabi saamin ay hindi pa namin malalaman." Mom said.

Sa totoo lang nakalimutan ko talaga.

Tumingin ako kay Harvey at siya naman ang niyakap ko. "Thank you, love. It really made me happy." I said as he wipe my tears.

"You're always welcome. Flowers for my future attorney!" He gave me a bouquet of chrysanthemum flower that I really want. This man here is really amazing.

"The results will be released tonight, let's have dinner? Your Tita Glyn prepared for this." Daddy said.

I nodded. Kahit anong resulta nandiyan naman ang pamilya ko para damayan ako.

"Tita! Tito!" Parinig kong sigaw ni Ivy at patakbong lumapit sa'amin. "Congrats Xena!" She hugged me.

"Congrats din!"

"Congratulations hija."

"Salamat po Tita, Tito! Kung hindi dahil sa anak niyo hindi po ako makaka-survived!" Sabi niya and that melt my heart. It's my pleasure to help but I think maliit na bagay lang yon, mas malaking bagay yung pagiging magkaibigan naming dalawa!

_____________

Pagkarating sa bahay ni Tita ay niyakap niya agad ako pero knocked out talaga ako sa sofa, pagod na pagod ang utak ko.

Ginising nila ako para mag dinner pero natulog din kaagad ako pagkakain. Ang sakit ng buong katawan ko ultimo ako ay lutang na lutang, siguro nawala na yung mabigat na mga law terms sa utak ko.

Nagising naman agad ako sa malalakas na tili sa loob ng kwarto ko. Ang iingay! Ano na naman bang horror movie ang pinapanood nila?

Pagmulat ko ay bumungad ang mukha ng tiyahin ko at niyugyog ako.

"Tita ano ba?!" Inaantok pang angal ko.

"YOU PASSED THE BAR EXAM XENA!" She happily said. Hindi ako makapaniwala.

Pinakita sa'kin ni Harvey ang laptop kung san nakalagay ang pangalan ko! Thank you Lord!

Napahagulhol na ako sa tuwa!

"Abogado na ako!" Sigaw ko.

This is the happiest day of my life! Abogado na ako!

And I'm excited to strive for the societal transformation!

________________

To those who are dreaming to be a lawyer, always remember that the fellow citizens are waiting for you! People needs a peace maker not a destroyer! Strive for societal transformation!

Always uphold justice and fairness in all that you do. Your role as a lawyer is not just a career but a vocation to serve and protect the rights of others.

Stay true to your values and principles, even when faced with difficult decisions. Integrity and honesty are the cornerstones of a trustworthy lawyer!

Happy reading my Twilights! 💚✨

Finding Peace In The Missing Piece Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon