Chapter 32 - Dirty Kitchen

17 6 0
                                    

Dirty Kitchen

Inutusan ako ng kapatid kong tingnan ang iniihaw niyang barbeque sa dirty kitchen, agad naman akong tumayo dahil kanina pa nila ako pinagtatawanan!

Ang lalakas mang-asar! I can sue them for that! Hindi ba nila naisip na ang awkward para sakin non? Sa'min ni Lavin! Tsaka alam nilang may boyfriend na ako! Anong pumasok sa mga kokote nila?

Suddenly, there was a movement behind me at hindi ko maiwasang kabahan. Bakit siya sumunod? Bakit hindi na lang siya makipag-kwentuhan don!

"Merry Christmas, babe." Kasabay ng tinig na iyon ang pagharap ko sa kanya.

My eyes widened. Our faces almost clashed, sobrang liit ng distansya namin at sa oras na mawalan ako ng balanse… napalunok ako. Hindi ako makaimik.

This is crazy! Pakiramdam ko ay maririnig niya ang tibok ng puso ko. It began thumping wildly.

Napapikit ako when he moved closer at napakapit sa balikat niya.

"Y-you're too close, Lavin."

Gosh Xena! Bakit hindi mo siya itulak?

"Hmm? I don't know what to think of you. I have this feeling you want to scream and slap me because I'm too close to." He traced the bridge of my nose with his finger, then the contours of my lips. "And at the same time you want to close your eyes and feel the nearness. Which is which, babe? Care to tell me kung alin ang totoo?" Nagtayuan ang mga balahibo ko. I swallowed hard.

And when he gently kissed my lips ay lalo akong napapikit nang mariin that my eyes began yo hurt.

"I miss you so much, Xena." He continued teasing me with his light kisses.

Oh, really!  Damn him!

He was withdrawing back nang habulin ko labi niya.

You want to play huh? I will give you a good game.

Tila nabigla siya sa kinilos ko but he obliged willingly. He kissed me as he used to kiss me before. Passionately. But with so much longing this time.

I chuckled inside his mouth, hindi mapigilan ang amusement.

May kahalikan ka kaninang kung sinong babae tapos hahalikan mo ako ngayon? What a game.

Nakayakap ang mga kamay ko sa batok niya while supporting my whole body.

"Xena!" Boses ni Kuya Lexus mula sa labas.

Bigla akong natauhan. Tinulak ko si Lavin, napasadsad si Lavin sa refrigerator namin.

"Hey!"

"I'm sorry!"

"I've never stopped wondering kung bakit palagi kang speechless tuwing hinahalilan kita." Sumandal siya sa pinto ng ref namin at ang mata ay nasa labi ko.

Tinalikuran ko siya at inasikaso na ang pinapakuha ng kapatid ko. "Leave me alone, Lavin."

"Pang-ilang beses mo nang sinabi yan. But I'm sorry Xena. Hindi ko susundin ang mga sasabihin mo. I won't let you go away. I'm done waiting for you, I'll do everything to make you mine." He seriously said.

"I have a boyfriend! " I said.

"Let's start again." He said with his bloodshot eyes.

Isang malakas na sampal ang natanggap niya mula saakin.

"Seyoso ka? Sino ka para sabihin yan? At sino ako para saktan siya kung ang ginawa lang niya ay buuin at pulutin ang mga pinira-piraso mo!" I angrily said. "Sino ka ba? Ha!" Tinulak tulak ko siya.

"I'm sorry." Sabi niya bago pa man ako lumabas ng kusina.

Nakita kong tumingin ang mga tao sa hapag namin habang ako ay dire-diretso papunta sa sala at nakita ang key fob ng kotse ng kapatid ko. Hinablot ko kaagad iyon.

"Xena! Where are you going?!" Sigaw ng kapatid ko. Pero tumakbo na ako paunta sa garahe at agad pumasok sa kotse niya.

"Xena! What's wrong with you? Xena, lumabas ka diyan!"

"Leave me alone Kuya!" I said. Hindi ko na napigilan ang paglandas ng mga luha sa aking pisngi.

"Xena! Gabi na!" Sigaw niya at pinaandar ko na ang sasakyan niya.

Tinapakan ko ang gas para mas mabilis. At nang makalayo-layo na ay tinigil ko ang sasakyan iniuntog ang ulo sa manibela.

Wala akong nadala kahit cellphone! Ang tanga lang. Napaiyak na naman ako. Ang tanga ko talaga.

Natawa naman ako ng maalala ang sinabi ni Harvey.

"Sampalin mo pag nakita mo."

I did! Hinalikan ko nga muna bago sampalin eh! Ang galing! Ang galing ko!

"Harvey, yung tinahi mong sugat ko na akala natin naghilom na, hindi pa pala. I-I'm so s-sorry! I'm really sorry Harvey!" I screamed.

__________________

Happy reading my Twilights! 💚✨

Finding Peace In The Missing Piece Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon