Chapter 8
Habang naghuhugas naman ang kapatid ko, I took the chance to talk with Lavin.
"Lavin." Tawag ko habang nakaupo kami sa bench sa labas ng bahay namin.
"Hmm?"
"I know you. Anong problema?" I asked. Alam ko at ramdam ko palgi kapag may iniisip siya o problema.
"Nothing to worry about, babe." He said, at inakbayan ako.
"Ano yon Lavin? I want to know. Tungkol kay Tita Lissel?" Usisa ko pa.
"Chismosa talaga" bulong niya. "Yes, it's Mom, I really don't know what to do with her, she still wants to work knowing that she's feeling strange this past days and she don't want to consult her doctor. Hindi ko naman mapilit at matigas ang ulo at nagagalit sakin. Out of country naman si Dad for business, and I can't disturb him, so I'm the only one to look after my mother." He sighed.
"Bakit ka nandito kung ganon? Sinong nagbabantay kay Tita? Huh?" Kinakabahang tanong ko.
"Nag text ka kasi na gusto mo ng jollibee." Kalmado niyang sabi.
"What?!" Halos mapatayo ako at hindi makapaniwala sa kanya.
"Dumating si Kuya Rence kanina. I was surprised, at umuwi siya." He shrugged.
"Omg!!! Really? Can I visit you tomorrow after class?" I excitedly said. Kuya Rence is kinda close to my heart, he used to play with me in my doll house when I was a kid.
"Ako o ang kapatid ko?" Tinaasan niya ako ng kilay. Kaya napangisi ako.
"I want to visit Tita Lissel too, I want to check her noh, I'm a concern citizen as well." I said at yumakap sa kanya.
"Sinungaling. Hindi ka nga nagbayad sa jeep non eh." He revealed.
"Bata pa ako non, past is past." Siniringan ko siya at lumayo sa kanya. Tinawanan niya lang ako at hinigit pabalik sa kanya.
"My home." He whispered and closed his eyes.
Hinawakan ko ang mukha niya at hinaplos iyon. Sanaol, ang kinis naman ng mukha ng gagong ito. Anong sabon kaya nito? Huhu.
"Dove." He chuckled when I removed my hand on his face.
"Hoy, gago ka. Dove ba talaga? Sure ka?" Tanong ko pa. Nagkwentuhan pa kami at ng mga alas otso na ay tinawag na kami ng kapatid ko para linisin na ang sugat ko.
MGA 10PM umalis si Lavin sa bahay namin, tsaka ako natulog, kinabukasan kasi ay papasok na ako, kahit masakit pa ang balikat ay kailangan nang pumasok kasi mapagiiwanan na ako sa klase.
"Papasok ka na bukas? Agad?" Tanong ni Lavin while my brother was cleaning my wounds at my back.
"Yes, natatambakan kasi ako at hindi ko ma-aral ng magisa yung mga lessons, ayaw kong napagiiwanan, you know that." I said at napapaigtad kapag napapadiin ang paglilinis ng kapatid ko. "Dahan-dahan naman, Kuya." Reklamo ko.
"Your wounds are healing already, ilang araw na lang yan, ayos na yan." Barumbado niyang sabi sabay baba ng damit ko.
"Dati ka bang siga, Kuya? Bagay sayo." Biro ko, at napatawa sa sariling sinabi.
Pinaakyat na nila akong dalawa at binilin na matulog daw ako ng maaga, pero habang nakahilata naman ako ay hindi naman ako makatulog.
Pinagiisipan ko rin kung sasabihin ko ba kay Lavin ang tungkol sa relasyon nila ni Trina kasi kung mahal niya ako, makikipaghiwalay siya diba?
"XENA, wake up!" Sigaw ng kapatid ko ang nagpabangon saakin, natunog rin ang alarm ko kaya pinatay ko muna. "Tanghali na, bumangon ka na diyan." Sigaw niya ulit mula sa labas ng kwarto ko.
4:34am. Okay. Tanghali na daw.
"OO NA!" Tanghali na daw kaya naligo na ako, tanghali na daw nak ng. 8am ang start ng klase namin at ang aga niya kong ginising, kainis talaga.
Nahirapan pa akong naligo kaya natagalan ako, baka kasi mabasa ang bandang likudan ng balikat ko.
Sa University, bawat course yay may kaniya-kaniyang uniform, at ang saamin ay palaging formal attire, I wear a white blouse na naka tuck-in sa aking fitted black slacks, at sa pang paa ko naman ay black shoes na 3inches ang takong. At since mainit sa pilipinas bitbit ko na lang ang blazer ko na may logo ng University namin sa kaliwa. Pinatuyo ko naman ang mahaba kong buhok, mamaya ko na lang papasuklayan kay Kuya Lexus.
"Xena! Anong oras na!" sigaw na naman ng kapatid ko
"6:45am Kuya, bakit? Sira na ba yang orasan diyan sa baba at saakin mo pa talaga itatanong?"
"Hindi ako nakikipagbiruan Xena, bumaba kana dito kung tapos ka na. Maaga ang klase namin ngayon."
At dahil maaga daw sila ay bumaba na ako bitbit ang bag ko at pumuntla na agad sa dinning area kung saan nakasimangot ang kapatid ko.
Pagkatapak ko pa lamang sa university feeling ko artista na ako, mga nakatingin sakin ang mga estudyante. Yung iba naman na kakilala ko ay nilalapitan ako at kinamusta, halos lahat ng depertment na nadaanan ko ay nakangiti sakin ang mga student, siguro ako rin yung naging way kung bakit nawala si Presto dito sa school na ito.
Pagkapasok ko ng room namin ay may pasabog na mga confetti at may tarpulin ng mukha ko na ang background ay langit. Mga hayop talaga. Mato-touch na sana ako.
"Welcome back to school, Xena!!!" Sabay-sabay nilang sigaw, nakita ko si Ethan at Liam na hawak ang lintek na tarpulin.
Niyakap pa ako ng iba kahit na hindi ko naman kilala ang iba sa kanila, but I really appreciate them, even if were not close they still welcomed me.
"Ganyan pala epekto ng balisong ano? Lalong gumaganda." Biro ng isang kablockmate kong lalaki.
"Oo nga eh, blooming ka ngayon, hindi ka na mukhang stress, dati papasok pa lang tayo mukha ka nang stress ehh." Nagtawanan pa ang iba kaya napasimangot ako.
"President yan ng department natin, sinong hindi maiistress ha?" Bulyaw ni Liam.
"Dumali ang torpe na iyan." Sigaw ng hindi hindi ko kilalang kaklase.
Nang makita kong makalat ay inutusan ko na silang linisin iyon dahil mapapagalitan kami ng professor na dadating.
"Good Morning." Pagkapasok ni Mr. Vasquez ay napasinghap na ang lahat, lalo na ang mga babae, siya kasi ang pinaka batang propesor dito, at the age 22 ay napakalaking achievement na ang nakamit niya.At nang magtama naman ang mata namin ay nginitian niya ako. "Good to see again, Ms. Miller, how are you?" He asked. Shet, ang gwapo pa.
"I'm fine, Mr. Vasquez, thank you." I smiled.
"I believe that I send a lot of lessons to you, do you mind if ask you, Ms. Miller?" He sat on the table which made him looked hot.
"Yes, Sir. You may." I said.
"What is the difference between Instigation and entrapment?" He smirked.
I stood up confidently and faced my blockmates. "In instigation, it is the officers of the law or their agents who incite, induce, instigate or lure an accused into committing an offense, which he otherwise would not commit and has no intention of committing. The accused is therefore cannot be held liable. Instigation is a "trap for the unwary innocent." And in entrapment, the criminal intent or design to commit the offense originates from the mind of the accused and law enforcement officials merely facilitate the commission of the offense. The accused cannot therefore justify his conduct. " Entrapment is a trap for the unwary criminal." Mahaba kong paliwanag, which made my professor praise me.
"Good, Ms. Miller. I think you understand the lessons that I gave you, let's proceed to our next topic, then we will have a recitation tomorrow." He said, at maraming umangal don.
![](https://img.wattpad.com/cover/347790105-288-k906778.jpg)
BINABASA MO ANG
Finding Peace In The Missing Piece
RandomAlexena Alaina Miller had always a secret love for Lavincent Atlantius Sevilla, her brother's charismatic and kind-hearted friend. Lavin often visited their home, and every time he did, Xena's heart fluttered with unspoken emotions. Despite her feel...