Epilogue

4 3 0
                                    


Nagtataka ako kung bakit biglang nag-aya si Lavin sa batangas, ang probinsyang kinalakihan namin. Mahaba-habang panahon na rin naman akong hindi nakakabisita doon.

Well, nakapunta na ako sa batangas nitong mga nakaraang araw dahil kay Nia, pero sa munisipyo lang kami pumunta oara sa mga mahahalagang dokumento.

"Take care, Xena. May kasama kang bata sa tiyan mo, wag kang magaslaw doon lalo na at hindi pa alam ni Lavin!" Paalala ng kapatid ko.

Oo, bati na kami, mabait kasi ako.

"Eto na ang gamit ni Xena." Inabot ni Ate Lyxa ang duffle bag ko kay Kuya Lexus. "Let's go." Anyaya ni Kuya at binuksan ang double door ng bahay nila.

"Excited kang paalisin ako ah? Wala pa naman si Lavin!" Lumabi ako.

"Nandyan na yan." Sabi niya at inalalayan ako!

"Kuya! Kaya ko. Wag kang praning diyan! Hindi ako lumpo o ano!" I said.

Nakakairita kasi! Hindi pa nga bumubundat ang tiyan ko! Kung makaalalay sakin parang anytime manganganak na ako!

Tsk. Palibhasa hindi niya alam ang pagbubuntis noon ni Lyxa pero I understand him in that part naman.

Alas-tres na ngayon ng hapon kaya siguro mga gabi na ang dating namin doon. May mga tinapos pa daw kasi si Lavin sa trabaho.

Saktong paglabas naman namin ng gate ay nandon na ang sasakyan ni Lavin at sinalubong kami.

Napatitig ako sa kanya, ang bilis ng tibok ng puso ko'y hindi ko alam kung normal pa ba, nagwawala ito kapag nasisilayan ko siya.

He snapped. "Are you okay?"

I laughed at hinampas ang kamay niya. "Syempre."

He opened the door of his car for me. At habang umiikot siya papunta sa drivers seat ay hindi matigil ang kapatid ko kaka-paalala. Nakakarindi!

"Let's go, Lavin. I think my ears are bleeding." I whispered.

"Xena nakikinig ka ba…. Hoy! Lavincent! Bastos ka! Kinakausap ko pa ang kapatid ko! You bastard!" Sigaw ng kapatid ko.

Natawa lang kami. Hinawakan niya ang kamay ko habang ang isa naman ay nasa manibela.

"Patay na patay ka talaga sakin." Sabi ko. "Nasosobrahan ka na ha? Ang clingy mo." Biro ko.

"Ten years, Xena. Sampung taon yon what do you expect me to do? I won't waste my time for nothing but to be with you." He stared at me na parang wala nang bukas.

"Baka maaksidente tayo! Eyes on the road! Mamaya ka na lumandi!" Sabi ko.

DUMIRETSO kami sa isang resort. Dito kami mag s-stay kahit mas gusto ko sa dati naming bahay. Gusto daw kasi niya sa beach kasi maganda daw ang sunset sa resort na ito.

Nag check-in na si Lavin at dinala na ang mga gamit namin sa room namin.

Binuksan ko ang glass door sa veranda, sinalubong ako ng malamig na simoy ng hangin at humahaplos sa balat ko.

"Ang ganda dito, Lavin! Bago lang ito?" Tanong ko. Makikita mo ang malinaw at makinaw na asul na dagat, may pool din na napakalaki, may mga slides at maraming modern na kubo na nagsisilbing cottage.

"Yup. Company natin ang gumawa nito." He whispered and snake his arms in my waist.

"Whoa? Let's swim!" Pumunta agad ako sa duffle bag ko at naghanap ng dress.

Humiga naman siya sa kama at pinanood akong maghubad sa harap niya. Hindi na ako nahiya nakita naman niya na lahat.

He chuckled. Fuck that! Bakit ang sexy ng dating?!

Finding Peace In The Missing Piece Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon