Chapter 5- Victimized

31 12 0
                                    


Kabanata 5

Maaga akong umalis ng bahay para iwasan ang kapatid ko lalo na si Lavin, nag iwan na lang ako ng note sa may ref namin at sinabing may early class kami ngayon. Totoong may klase kami ng ala-sais.

Hindi ko na nga alam kung anong oras umuwi ang kapatid ko, ni hindi niya ako ginising kahapon para kumain. Kakatampo na.

Nag commute na lang ako. Sanay naman ako, lalo pa at lumaki ako sa probinsiya.

Pagkarating ko ng University ay marami ng mga estudyante. Pagkapasok ko naman sa room ay may mga tao na din. Umupo ako at nag review na lang.

"Psst. Ikaw ha? Nakita ko kayo ni Shan kagabi!" Tumabi naman sakin si Nia. "Kayo ba?" Tanong niya.

"No, kaibigan ko lang siya, and I like someone else." Ngumiti ako ng maalala ang nakangiting mukha ni Lavin.

"Ayy! In love ang ferson! Sino ba yan?" Usisa niya.

"Secret." Ngumiti ako at siya naman ay bumusangit at hindi na lang nagsalita dahil dumating na ang Prof.

Habang discussion naman ay tuloy ang daldal sakin ni Nia, tapos nakisali pa si Niko, kaya ang ending ay wala akong naintindihan.

BREAK TIME. Papunta na sana ako sa cafeteria nang mag chat sakin si Trina na puntahan ko siya sa isang bakanteng room sa building nila. May sasabihin raw kasi siya sakin, importante. Nagmadali naman akong pumunta doon. Pero pagdating ko naman ay wala pa siya, kaya naghintay na muna ako.

Malinis ang room, at mga upuan lang ang tanging naroroon. Siguro ay ginawa nang stock room. Tambayan rin nila Trina at mga kaibigan niyang babae kaya tukoy ko na ito.

Ilang oras pa akong naghintay sa kanya kaya nagpasiya na akong umalis. Pero nagulat ako ng makita si Preston na nakangising bumungad sakin.

Gulat man ay pinalakas ko ang loob ko. Wala nang tao sa floor na ito. Break time at nasa labas ang lahat.

"Kapag sineswerte ka nga naman." Ngisi ni Preston.

"Anong ginagawa mo dito?" Umattas ako.

"Wala naman. Nakita kita dito kaya pinuntahan kita, mag isa ka lang kaya sasamahan na kita, sinong ba ang kikitain mo dito? Kapatid mo? O si Lavin?" At malakas siyang tumawa.

"Hindi. At wala ka nang pakialam pa don!" Mas lalo pa akong napaatras ng humakbang siya papalapit sakin.

Trina! Nasaan ka na ba? Tangina!

Dalawa ang pinto sa room na ito, kapag tumakbo ako nang mabilis, makakatakas pa ako sa lalaking ito! Napayakap ako sa bag ko. Hindi! Maraming nakaharang na upuan!

Paano na ako?! No! Hindi pwede!

Nagsimula na naman siyang humakbang at umatras naman ako. Dinakma niya ako, pero mabilis akong tumakbo, para lang mabunggo sa upuan na naroroon kaya napatama ang ulo ko sa upuan bago lumagapak sa sahig.

Hinablot niya ang buhok ko at pasabunot niya akong itinayo. Dumaloy ang kaunting dugo mula sa ilong ko, pero hindi ko pinansin iyon. Ang iniisip ko ngayon ay kung paano ako makakatakas sa manyak at adik na ito!

Nagpumiglas ako at hinampas-hampas siya. "Lavin!!!" Ang pag iyak at sigaw na lang sa pangalan niya ang tanging nagawa ko.

Napatigil ako nang ipinakita niya sakin ang balisong niyang hawak. "Ano?! Nasaan ang tapang mo? Hah?! Sa wakas naman ay makakaganti na ako sa kapatid mo!" Humalakhak siya at tinutok ang balisong sakin.

"Please, don't do this, Preston. Wala naman akong ginawang masama sayo, kaya parang awa mo na!" Humagulhol na ako nang tumawa na naman siya na parang isang demonyo.

Finding Peace In The Missing Piece Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon