Dream
Isa si Rid sa pinakaguwapo at pinakamatalino sa school namin. Matangkad pa, maputi, at maganda ang kaniyang pangangatawan. Athletic si Rid. Siya rin ang Vice President Internal ng Supreme Student Council at Class Vice President namin.
Siya palagi iyong ka-partner ko tuwing may pageants, sa school man, o sa ibang paaralan.
"Ayiee! Kinikilig-ah oo Rid, bagay sa 'yo, hehe."
Itinuon ko ang tingin sa daan nang may nakita akong pamilyar na tao.
S-Si Anz 'yon, ah?
Sino iyong kasama niyang babae? Girlfriend niya? Sabi niya mahal niya 'ko, pero bakit may iba kaagad?
E ano naman, Kezzrah?
"Kezz, may naghahanap sa 'yo kanina, ang guwapoooooo! Pero sinabi kong may pinuntahan kayo kaya babalik na lang daw bukas." turan kaagad ni Tita pagkauwi namin.
"Mamaya na ako makikichika, ah. Ang sakit ng tiyan ko!" sabay takbo ni Mesh sa hagdan.
Sa dami ba kasi ng kinain. Pero kasalanan niya rin naman dahil ang daming inorder e.
"Sino raw po?"
Pumunta ako sa sala at umupo sa sofa.
"Hindi ko natanong e. Pero guwapo, matangkad, maputi, singkit, tapos nakakotse pa ng kulay blue!"
Singkit? May naiisip ako, pero itim naman iyong sasakyan na nandoon kina Ma'am She.
Umupo ako sa kama. Katatapos lang naming maghapunan.
Pagkatapos naming kumain sa Celicious Restaurant at dumiretso kaagad kami sa mall. Naglaro kami, nagkaraoke, nanood sa sine, kumain ulit, tapos bumili na rin ng magagamit namin dahil pasukan na next week.
"Hep, Kezz. Huwag ka na munang matulog. May ikukuwento ka pa sa akin!" si Mesh nang makitang pahiga na ako.
"Sa susunod na lang, Mesh. Pagod ako." humiga na ako.
"Hoooo! Ayan din sinabi mo kahapon e! Ang sabihin mo, ayaw mo lang!" aniya habang umaakyat papunta sa kaniyang higaan.
"Basta, kasi. Sa susunod na lang talaga." sagot ko.
"Ewan ko sa 'yo!"
Tumagilid ako sa paghiga at pinilit matulog.
"Akala ko ba mahal mo 'ko?"
"My feelings for you were gone years ago. What do you think of me? A stupid person that will still come back to you? All I said was just a lie, so you could feel what I've felt before!"
"A-Ano? Pinaniwala ko iyong sarili ko na hindi mo magagawa 'yon dahil may tiwala ako sa 'yo at mahal kita! Manloloko ka!"
"Wow! Coming from you? It was you who lied first!"
"Pero hindi iyon sapat na rason para lokohin mo ako!"
"Tigit atin ayna eti asitin ting ting ting tang tang ting tang ting ting ting tang tang tang uwuuuuut."
Mabilis kong iminulat ang aking mga mata at pinunasan ang luhang tumulo. Panaginip lang pala!
Mabuting hindi na naituloy dahil sa pagkanta ni Mesh. Parang ipinamumukha sa akin na kasinungalingan lang lahat.
Totoo kaya iyon? Paano kung oo at mensahe na iyon sa akin para kalimutan na talaga siya?
"Maligo ka na, Kezz! Baka nakakalimutan mong linggo ngayon?"
BINABASA MO ANG
Found Love In La Union (Probinsyana Series 1)
Lãng mạnUnder Major Editing Warning: Mature Content/R-18 In order to ease the heaviness she felt, Kezzrah Chareel Sandilio was forced to leave the place where she grew up. But everything suddenly becomes complicated when her former boyfriend, Zaichen Anzley...