Close
Matalim ko siyang tiningnan. "Hoy, singkit! Hindi kita gusto! Kung ayaw mong sagutin-"
"Hey, I'm just kidding." sabay tawa at hawak sa'kin.
"I'm turning 23 this December 1."
Mas matanda pala siya ng dalawang taon sa akin.
"And I graduated with the course, BSIT.
Tumango ako. "Alam ko na ngayon kung bakit wala kang masyadong kaalaman sa business. Pero infairness, marami ng branches, ah."
Sinimangutan niya ako. "You're very straightforward. But, how about you? When is your birthday?"
"January 1. Turning 22 next year. So, ano iyong products na ino-offer mo?"
"Oh. You looked 18."
Tinalikuran ko siya. Nambobola na naman.
"Well, we offer different dishes of meat, seafood and others. We also have desserts, drinks, and a lot more. I can't name each one of those."
Tumango ako.
Nilaro-laro ko ang tubig gamit ang aking mga paa.
"E iyong mga gulay, wala?" pagtataka ko.
"We have vegetable salad and some dishes. Just some because most of our customers aren't vegetarians, especially kids. They prefer the other products."
Napakunot ang aking noo. "So, anong ginagawa mo? Hindi mo sinusolusyunan?"
Kita ko ang pagtataka sa kaniyang mukha. "What do you mean, solution?"
Hinarap ko siya. "Matanong nga muna kita, ano iyong reason mo kaya ka nagpatayo ng business?"
Nagkatitigan kami.
"Well, I really wanted to have a restaurant and, of course, I want to earn lots of profit. That's my goal." sabay ngiti.
So, siya iyong Entrepreneur na profit lang talaga ang goal. Kapag Social Entrepreneur kasi, mas priority nito ang makakatulong sa mga tao at pangalawa lamang ang profit.
Tumango ako. "Okay. Nakulangan lang ako sa sagot mo, pero siguro dahil magkaiba tayo ng pananaw."
Muli akong napatingin sa dagat.
"Alam mo bang mas masaya sa pakiramdam kapag iniisip mo iyong magiging impact ng business mo sa mga customers mo? Mas lalo kang magiging successful, at mas hahangaan ka nila kapag ipina-prioritize mo rin iyong makakatulong sa kanila."
"What do you mean, Kezzrah? Can you elaborate?"
Nilapitan niya ako.
"Sige. Para maintindihan mong mabuti."
Napahalukipkip siya't iba na ang tingin sa akin.
"Una, kailangan mo munang alamin kung ano ang problema ng mga tao, tapos iyon ang bibigyan mo ng solusyon."
"What? The hell do I care about their personal problems? What's the connection of that with my business?"
Matalim ko siyang tiningnan.
"Puwede bang patapusin mo muna 'ko? Tsaka ayoko ng sagot mong 'yan, ha! Palakihin ko mata mo e! Anong nginingiti-ngiti mo diyan?"
"You're so cute-"
BINABASA MO ANG
Found Love In La Union (Probinsyana Series 1)
Roman d'amourUnder Major Editing Warning: Mature Content/R-18 In order to ease the heaviness she felt, Kezzrah Chareel Sandilio was forced to leave the place where she grew up. But everything suddenly becomes complicated when her former boyfriend, Zaichen Anzley...