Avoid
Napabuntong hininga ako. "Tita, kaibigan ko po." napapikit ako saglit nang medyo napalakas ang boses ko!
"Hello po, I'm Zaichen. Nice to meet you po." inilahad ni Anz ang kanyang kamay.
"Ang guwapo rin ng pangalan mo! Ako si Chellan, pero Tita Che na lang." aniya at nakipagkamayan kay Anz.
Halatang kinikilig si Tita.
"Hinihintay ko lang iyong ibibigay ng kumare ko, Kezz. Pero may kasama ka na palang umuwi. Sige, mauna na lang kayo."
"A-Ah... hindi po, Tita. Hihintayin na po kita." sagot ko at tumingin kay Anz. "Sige na Anz, umuwi ka na. Magsasabay na kami ni Tita."
Tututol sana siya pero biglang napatango na lang at nagpaalam na sa amin.
"Mare!" tawag ng kumare ni Tita.
"Sige Kezz, hintayin mo na ako dito dahil kukunin ko na lang naman."
Tumango ako at kaagad nang pumasok si Tita.
Nilingon ko si Anz na naglalakad na pauwi. Nasaktan ko na naman siya.
"Uy Kezz, sino ba kasi iyon? Ito naman, parang hindi tayo magkaibigan, ah!"
Kanina pa siya nagtatanong at nagdadabog.
"Wala, kaibigan ko nga lang kasi! Kulit!"
No'ng pauwi kami ni Tita, hindi talaga niya ako tinigilan.
Bakit ko raw pinaalis at halatang nalungkot si Anz. Paulit-ulit ko namang sinabi na kailangan na niyang umuwi dahil gabi na kaya tumahimik rin si Tita.
Pero akala ko lang pala 'yon!
"Gail, anak, itong si Kezz, may kasamang lalaki kanina. Naku, ang guwapoooo!" saad ni Tita pagkarating namin sa bahay.
Napailing na lamang ako't naglakad na papuntang hagdanan nang hilain ako ni Mesh.
"Hep. Sino iyon, ha? Kaya pala hindi mo ako sinasama dahil may gusto kang ma-solo, ah!"
Tiningnan ni Mesh si Tita Chellan.
"Ma, ano pong itsura? Matangkad ba? Maputi? Makapal ang kilay? Mahaba ang pilikmata? Maganda ang mata? matangos ang ilong? Mapula at kissable lips? Maganda ang katawan at may muscle?"
Ang babaeng talaga na 'to! Ang daming alam pagdating sa lalaki!
"Naku anak, tumpak! Ganoon na ganoon iyong lalaki! Nasa kaniya na lahat! Sayang nga at hindi mo nakita dahil pinauwi ni Kezz!"
Hindi ko maipagkakailang tama lahat ang sinabi ni Mesh. Mas tumangkad at lumaki ang katawan niya ngayon. Iyong mukha? Aaminin ko, lalo siyang guwumapo.
Nagtataka nga ako kung bakit ako iyong minahal niya e. Iyong buhay namin, ako iyong nasa ibaba at doon siya sa itaas. Pero sabagay, wala naman iyon sa kung anong estado ng buhay, kung 'di sa nararamdaman.
Parehas kaming taga La Union ni Anz. Sa Sudipen ako, at sa San Fernando naman siya. Matalik na magkaibigan si Tita Apet, kapatid ng nanay ko, at ang Mommy ni Anz. Nagkayayaan silang mamasyal noon sa Baguio at dinala ako ng Tita ko. Walong taong gulang pa lamang ako noon. Doon kami unang nagkakilala ni Anz.
Binibisita ako ni Anz kapag namamasyal sila ng Mama niya kina Tita. Pero noong third year high school ako ay namatay sa aksidente si Tita. Akala ko hindi na kami magkikita ni Anz, pero pinupuntahan niya pa rin ako. Kapag walang pasok, nagkikita kami at pati rin bakasyon, pero mahigit isang linggo lang dahil nagpupunta silang Cavite.
BINABASA MO ANG
Found Love In La Union (Probinsyana Series 1)
RomanceUnder Major Editing Warning: Mature Content/R-18 In order to ease the heaviness she felt, Kezzrah Chareel Sandilio was forced to leave the place where she grew up. But everything suddenly becomes complicated when her former boyfriend, Zaichen Anzley...