OJT
Ako: Hello Avee at Raxie! Miss na miss kayun! Pakawanen dak ta haan ak nakapakada kanyayo dati. Adaak tatta ditoy Cavite. Ayos ak laeng met. Sikayo, kamusta ken iti pinagadal yu? BSBA met laeng ba innala yu?
(Hello, Avee at Raxie! Miss na miss ko na kayo! Sorry kung hindi ako nakapagpaalam sa inyo dati. Nandito ako ngayon sa Cavite. Ayos naman ako. Kayo, kumusta at ang pag-aaral niyo? BSBA ba ang kinuha ninyo?)
Avee: Miss ka met permin Kezz! Mayat garud nu kasjai. Ayos ak laeng met. Finally, graduatingen! Haan Kezz. BS-Entrepreneurship innala mi ken Raxie. Nabasbassit solvings na hahaha! Business Implementation iti aramiden mi atuy maudi nga sem Kezz.
(Sobrang miss na rin kita, Kezz! Maganda kung ganun. Maayos naman ako. Finally, graduating na! Hindi Kezz. BS-Entrepreneurship ang kinuha namin ni Raxie. Mas kaunti ang solvings hahaha! Business Implementation ang huli naming gagawin ngayong huling sem, Kezz.)
Raxie: Sika Kezz? Intuloy mo met laeng ba nagadal? Anya course mo? Accountancy?
(Ikaw, Kezz? Itinuloy mo ba ang pag-aaral? Anong course mo? Accountancy?)
Napangiti ako. Masaya akong makapagtatapos na rin sila ngayong taon.
Ako: Mayat garud nu kasjai nga aglako lako kayo. Wen, agad adal ak ditoy. Graduating ak met nga pada yun. Haan Raxie. BSBA Major in Financial Management iti innalak. OJT met iti aramiden mi tatta last sem.
(Maganda kung ganoon na magtitinda tinda kayo. Oo, nag-aaral ako dito. Graduating na rin ako tulad niyo. Hindi, Raxie. BSBA Major in Financial Management ang kinuha ko. OJT maman ang gagawin namin ngayong last sem.)
Humiga ako't niyakap ang unan.
Ilang taon na rin akong hindi nakakauwi ng La Union.
S-Si Mama, kumusta na kaya siya?
Muli kong pinunasan ang luha ko. Pinilit kong huwag humagulgol para hindi na naman lumaki ang eyebags ko, at baka asarin pa akong intsik.
Mahirap rin huminga lalo na 'pag napapasobra ang iyak, kaya hanggat kaya ko, pipigilan ko.
Kaba at takot ang naramdaman ko pagkatapak namin rito sa Munisipyo ng Carmona. Iniisip kong baka dito rin nai-assign si Celi at sa ibang office lang siya.
"Kinakabahan ako! Sana mababait ang mga makakasama natin!"
"Relax, baby. Kasama mo naman kami ni Kezz. Tulungan tayo dito."
Sa Accounting Office kami nai-assign kasama si Anira na wala pa dito. Sabagay, maaga pa naman. Alas siyete pa lang ngayon at nandito kami sa labas. Hinihintay namin si Ma'am Abejo dahil siya raw ang maghahatid sa amin sa office, ganoon rin sa iba.
Noong Biyernes, ipinatawag kami para sa orientation.
"You have to complete 680 hours for your OJT. Wear your Type A uniform. For the girls, it's better if you change your slacks into a skirt, but not too short." sabay tingin sa aming mga babae.
"For boys, there are no changes. But, don't wear earrings, ha?" habang itinuturo ang mga lalaki.
"All of you will be observed by the employees you will work with. It's not only in terms of your performances, but also with your attitude."
Inayos ni Ma'am ang eyeglasses niya.
"You need to be there five or ten minutes before time, especially every Monday. You need to be early for the flag ceremony. You're also required to pass a Weekly Report, which contains your Narrative Report, Accomplishment Report, Documentation, and a DTR or Daily Time Record." kinuha ni Ma'am ang DTR sa kaniyang bag at binigyan kaming lahat.
BINABASA MO ANG
Found Love In La Union (Probinsyana Series 1)
RomantizmUnder Major Editing Warning: Mature Content/R-18 In order to ease the heaviness she felt, Kezzrah Chareel Sandilio was forced to leave the place where she grew up. But everything suddenly becomes complicated when her former boyfriend, Zaichen Anzley...