Boys
"Ingat ka, singkit."
Pababa na sana ako nang sasakyan nang hawakan niya ang kamay ko.
Ngumiti siya. "Thank you again, Kezzrah. I really enjoyed this day."
"Wala 'yon, ano ka ba. Pero salamat din kasi ngayon na lang ulit ako nakapunta sa dagat. Last year pa iyong huling punta namin nina Tita, Mesh, at Rid.
"Oh, do you want to go there again? We will bring food."
Masyadong excited si singkit. Pero sabagay, ayos na din iyon since ilang days na lang bago magpasukan.
"Sige. Pero isama sana natin sina Tita, Mesh, at Rid, kaibigan ko."
"Okay. I'll also ask Rech later." aniya.
Tumango ako.
Nagpalit na agad ako pagkarating rito sa kuwarto.
Umuwi na si Prim pagkatapos naming mag-usap at magpaalam kina Tita.
Nasabi ko na rin sa kanila na pupunta kami sa dagat bukas, at gustong-gusto naman nila.
"Kezz, diyan ka na sa harap. Dito kaming tatlo sa likod." ani Mesh.
"Oo na. Pero puwedeng huwag mo 'kong itulak, Mesh?"
Pasakay na kami ngayon sa sasakyan ni Prim. Sa likod sina Tita kasama si Rid. Sinabihan naming huwag na niyang dalhin iyong kotse niya dahil kasya naman kaming lima rito.
Sinabi ni Prim na susunod na lang daw sina Rech at Ma'am She. Sa kotse ni Anz sila sasakay.
Makikita ko na naman siya mamaya. Pero paninindigan ko iyong desisyon kong iwasan siya.
"Hala, ang ganda dito!"
"Oo nga anak e, sarap pa matulog dahil mahangin."
"Maligo tayo mamaya!"
Nagustuhan din nila tulad ko.
Kaagad nilang inilapag ang mga banig. Wala kasing cottage dito.
"Picture tayo, Kezz! Sama ka na rin, Prim."
Hinila kami ni Tita.
Sa kaliwa ko si Prim at sa kanan naman si Rid, tapos si Tita at Mesh.
Si Mesh ang may hawak ng phone at nag-take kami ng ilang pictures. Isinandal niya pa iyong phone sa bag at ni-set ang timer.
Inakbayan ko parehas si Rid at Prim. Ang tatangkad ng mga 'to! Nilingon pa nila ako't nginitian. Sabay kong naramdaman ang paghawak nila sa aking baywang at parang nag-aagawan sila. Sobrang higpit ng hawak ni Prim kaya sa balikat ko na lang humawak si Rid.
Biglang nawala ang ngiti ko nang makitang may papalapit na sasakyan.
"Isa pang take. Smile ka naman riyan, Kezz. Napagigitnaan ka na nga ng dalawang pogi, e!" ani Mesh.
Ipinagsawalang bahala ko ang nakita at naramdaman. Ibinalik ko ang ngiti at nakailang take pa kami.
Nagyakapan kaagad kami nina Rez, Rech, Ma'am She at Manang Pina nang makalapit sila. Nagkumustahan din sina Ma'am at Tita.
"Dito niyo na lang ilagay ang mga dala ninyo." si Tita habang tinuturo ang bakanteng espasyo sa banig.
Mabuting apat na malalaking banig ang dinala namin. Marami kaming dala at may espasyo pa kung nanaisin naming matulog.
Lumapit sa akin si Mesh matapos naming mag-picture ulit, pero kasama na sina Rech.
"Grabe, Kezz! Ang pogi no'ng kasama nila Ma'am She!"
Narinig iyon ni Tita Chellan kaya lumapit na rin siya! Hindi maganda 'to!
"Gail, anak. Siya iyong sinasabi kong nakasama at naghintay kay Kezz sa bahay!"
"Hala, talaga po, Ma? Oh my, Kezz! Ang haba talaga ng buhok mo! Nabihag mo lahat ng mga lalaking kasama natin ngayon!" aniya habang tinutulak-tulak pa ako.
"Anong lahat ka diyan? Tigilan mo nga 'ko!" sabay layo ng kaunti kay Mesh.
Muli akong nilapitan ni Tita.
"Totoo iyong sinabi ni Gail, Kezz. Nakita ko 'yong mga tinginan nilang tatlo sa 'yo, yiee! No'ng nag-picture tayo, masama iyong tingin ni Zaichen kay Prim dahil hawak ka niya. Tapos si Rid naman, halatang naiinis dahil nauunahan siya sa paghawak sa 'yo!"
Palihim pala nila kaming ino-obserbahan!
"Sorry to interrupt you, Tita, but can I excuse Kezzrah for a while?"
Napatingin ako sa kaniya. Ano na naman kayang sasabihin nitong si singkit?
"Oo naman, Prim. Sa 'yong-sa 'yo si Kezz-ouch!' daing ni Mesh nang tampalin ko ang kaniyang braso.
"Oh Zaichen, hijo, ayos ka lang ba?"
Nilingon ko sina Ma'am She.
"Yes, Ninang. I'm fine."
Ano kayang nangyari?
"Umiinom kasi ng tubig, pero nabulunan nang marinig iyong sinabi ni Gail." bulong sa akin ni Tita.
Ha? Bakit naman? Hindi niya naman talaga ako mahal, kaya bakit siya maaapektuhan?
"Alam mo, Kezz, mas boto ako do'n kay Zaichen. Itong so Gail, 'di ko maintindihan e. Parang parehas boto kay Prim at Rid para sa 'yo."
Boto? Pero wala naman silang gusto sa akin. Siguradong binibigyan lang nina Tita nang kahulugan iyong mga sinasabi at ginagawa nina Rid at Prim.
"Kezzrah, can I have a favor?"
Tanong ni Prim nang medyo makalayo kami sa kanila.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Ano 'yon?"
"Ano ba yang mga pose mo, puro pa-macho! Ang yabang mo!"
Kinukuhanan ko siya ng litrato ngayon. Akala ko naman kung anong seryosong favor, magpapa-picture lang pala! Tapos iyong mga pose, ini-aangat ang braso para makita iyong muscles!
"Tumalikod ka!" Sigaw ko.
"What? This face? You want me to hide this face?" sabay turo sa kaniyang mukha.
Ang kapal talaga ng singkit na 'to! Pero sabagay, may point din naman siya.
"Iba-ibang angle lang, singkit!"
"Ayieee!!!"
Nilingon ko 'yong tumili.
Oh, sh*t! Nakatingin silang lahat rito!
May ibinibulong si Mesh kay Rid na lalong nagpasama ng tingin niya. Medyo seryoso naman iyong tingin nina Ma'am She, Tita Chellan at Manang pina.
Si Rech ay nakangisi habang buhat-buhat si Rez na nakabusangot, at pilit inilalayo ang katawan sa kaniyang ina.
Napasulyap naman ako sa taong tinanggal ang sando at pumunta na sa may tubig.
"Is this okay?"
Napaigtad ako.
Ano ba, Kezzrah! Huwag mo na siyang tingnan, okay? Ang rupok mo!
"A-Ah... oo sige, kukuhanan na kita."
Tiningnan ko ang mga nakunan ko. Lutang na lutang ang kaguwapuhan ng lalaking 'to kahit sa anong pose!
Nabigla ako nang inakbayan niya ako.
"I'll take pictures of you too.".
Kinuha niya sa akin ang kaniyang cellphone at itinabi ako malapit sa tubig.
"Smile, Kezzrah."
Nag-alangan at nahiya pa ako no'ng una, pero nagawa ko rin.
Lumapit siya sa akin at muli akong inakbayan.
"Let's selfie."
BINABASA MO ANG
Found Love In La Union (Probinsyana Series 1)
RomanceUnder Major Editing Warning: Mature Content/R-18 In order to ease the heaviness she felt, Kezzrah Chareel Sandilio was forced to leave the place where she grew up. But everything suddenly becomes complicated when her former boyfriend, Zaichen Anzley...