Kabanata 41

42 7 0
                                    

Birthday

"Hindi mo siguro iyon napapansin dahil tutok na tutok ka sa pag-aaral. Pero last semester, Kezz, no'ng may feasibility study tayo, doon ko mas nakita iyong totoong ikaw. Malihim ka kasing tao, e. Pero noong time talaga na 'yon... hindi ko man nakita ang mukha mo.... ramdam ko sa pag-iyak mo iyong sakit na naramdaman mo."

Napayuko ako't inalala ang time na iyon.

Ini-grupo kami para sa feasibility study namin dati, at mabuting malaya kaming pumili ng makaka-grupo. Magkakasama kami nina Mesh, Rid, at dalawa naming kaklase na hindi kalayuan ang bahay sa amin.

Marami kaming naisip na products, pero mas nagustuhan nila iyong isang nai-suggest ko. Iyong product na espesyal sa akin.

Marami kaming tanim na gulay ni Mama sa La Union. Tinuruan niya akong magluto ng kilalang mga pagkain, nag-imbento rin kami, at nag-innovate. Iyong produkto na pinili namin ay kami ni Mama ang nag-isip no'n, at ipinagluto ko rin noon si Anz.

Nagu-umpisa pa lamang kami noon sa feasib, pero sobra-sobra na ang emosyon na naramdaman ko. Pilit kong iwinawala sa aking isipan, pero kusang nagpapakita at nakakapagparamdam sa akin ng lungkot. Umiyak ako noon sa cr namin dito sa kuwarto dahil ayokong may makakita sa akin.

May pagkakataong naisip kong palitan na lang 'yong produkto namin, pero hindi ko inakalang mas mamo-motivate ako. Dinagdagan namin ang aming mga produkto sa pamamagitan pa rin ng pag-innovate gamit ang mga gulay. May veggie shanghai, veggie balls, at veggie patties. Accessible ang mga sangkap at marami pang health benefits, kaya dalawa iyon sa mga advantages namin.

Iyon ang ikinahanga ng instructor namin sa Feasibility Study at lahat ng panel nang nag-present kami.



Kinuha ni Mesh ang isa kong trophy at hinaplos ito.

"Kezz, ngayon ko lang 'to aaminin sa 'yo."

Napalaki ang aking mga mata. "Ang alin? Na tomboy ka, o gusto mo si Rid?"

Tiningnan niya ako ng masama. "Ano ka ba, Kezz! Seryoso ako, e! Tingnan mo, naiiyak na nga ako, e!" sabay turo sa mata.

"At tigilan mo nga ako sa mga ganiyan! Hindi ako tomboy, at lalong-lalong hindi ko gusto si Rid! Duh! Huwag ka ngang ngumiti! Yuck!"

Natawa ako. "Ano ba kasing aaminin mo?"

Sumeryoso ulit ang mukha ni Mesh. Ibinalik niya ang trophy ko tsaka ako tinabihan. isinandal niya ang kaniyang ulo sa kaliwang balikat ko.


"Kezz, kapag umaalis ka, sobrang nalulungkot ako."

Napaawang ang aking labi.

"Nasanay na kasi akong palagi tayong magkasama, kaya naninibago ako 'pag wala ka. Iniisip ko ngang, sana matalino na lang ako para makasali rin ako, para makasama kita."

Inalala ko ang mga pagkakataon na umaalis ako.

"Ihanda mo na 'yong mga kakailanganin mo, Kezz. 'Di ba, maaga kayo bukas?"

"Gising na, Kezz! Mali-late ka na!"

"Sige na, Kezz! Alis ka na! Sa wakas, maso-solo ko na rin ang buong kuwarto!"

"Pasalubong, Kezz! Huwag na huwag mong kalilimutan!"


Lahat nang nasabi niya... ibig sabihin... kabaliktaran pala no'n? Pinunasan ko ang luhang biglang tumulo.

Umaalis kasi ako noon para makipag-compete sa mga pageants, sa chess, tapos ako pa iyong isa sa representative ng school namin 'pag may mga quiz bee sa ibang lugar.

Found Love In La Union (Probinsyana Series 1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon